ALYSSA ALTHEA: BEAUTIFUL, SIMPLY BEAUTIFUL...


 ALYSSA ALTHEA: A SHINING NEW STAR
althea with mom and dad AND PAPA JESUS



"Beautiful, simply beautiful"... Ito ang unang katagang nasambit namin sa aming sarili nu'ng una naming makita sa personal ang aming apo (grandchild) na walang iba kundi Alyssa Althea S. de Jesus. Ang kanyang kagandahan ay tila isang anghel na kumikinang buhat sa malayo, ang kanyang kasimplehan ay umiigting at nagpapa-kalma sa iyong puso. Iisipin mo, dahil 'kadugo' mo siya, ay lahi nga kayo ng "magaganda", e-heeemm....

Nguni't ang kagandahan ng isang tao ay hindi sa panlabas na na kaanyuhan lamang. Mas kumikislap ang kagandahan ng isang tao kapag maganda rin ang kanyang kalooban. Kapag ang kanyang hangarin ay malinis at totoo. Kapag ang puso niya'y mapagkumbaba.

Ang isang angkan na nagmula sa mabababang-loob, umusbong sa mga alon ng dagat, nakita ang lakas at pawis ng mga mangingisda- buong buhay niya ay hindi niya ipagkakaila iyon. Dahil yun ang mga ugat na pinagmulan niya. At sa mga laot ng karagatan niya unang nadama ang salitang PAGMAMAHAL.

Ipagmamalaki niya iyon buong-buhay niya. At ngayong MILLENIAL AGE na at nagsisipagsulputan na ang mga bagong miyembro ng ANGKAN na iyon, ipinapangako niya sa kanyang sarili na ang "kababaang-loob" pa rin ang mananaig sa angkan na iyon-

Na kinabilangan din ni ALYSSA ALTHEA, ang kanyang apo.


alyssa in rugged wear

alyssa with her dad rainier and lola luisa

alyssa's family: rainier, jenny (alyssa's mom) and luisa



CUT TO:

Hindi pinahirapan ni Alyssa Althea ang naging direktor niya sa special segment ng 700 Club Asia minsang lumabas siya sa drama episode nung nasabing religious program. Kuwento ng mommy ni Alyssa na si Jenny sa lolo nito: "Naku po, ang saya-saya nung direktor kasi hindi siya nahirapan nung nag-taping sila", anya. "Namenos daw ang pagod niya at oras. At napaiyak din agad niya si Alyssa. Tuwang-tuwa 'yung direktor!"

Isa lamang 'yun sa mga karanasan ni Alyssa na kung saan ay lagi itong napupuri at napapansin. Halos sa lahat ng mga events, si Alyssa rin ang napapansin, sa mga contests sa malls at on-line, laging si Alyssa rin ang nananalo. Kaya kung ikaw man ang maging magulang ng batang ito, tanga ka na lang kung hindi mo man siya susuportahan. Dahil napaka-multi-talented na bata ni Alyssa.

Alyssa can sing, dance, act and model. Pero sa mga nabanggit na mga talentong ito, ano ba ang pinaka-gusto ni Alyssa?

"Sa modelling po", sagot ni Alyssa. "Mas sanay po kasi ako sa modelling, lolo Robert. Mas marami na po akong nagawang mga events and achievements po sa modelling."


alyssa in an elegant gown


alyssa althea de jesus: sings, too

alyssa in red


Grade 3 na ngayon si Alyssa sa Our Lady of Lourdes Catholic School sa Caloocan City. Presently, she's also undertaking Acting Workshops sa isang taga-channel 7. dapat sana, siya ang gaganap na batang Bea Binene sa bagong teleseryeng Mulawin, pero dahil matangkad siya as a nine-year-old girl, gagawin na lang siyang batang kaibigan nung character. Matangkad na bata kasi Alyssa at ang gusto nung direktor, maliit na bata lang.

"Ang inspiration ko po sa lahat ng mga ginagawa ko po ay ang mommy at daddy ko", biglang sabi pa ni Alyssa. "Sila po kasi ang nagsusuporta sa akin at sinasamahan po nila ako palagi kapag sumasali po ako sa mga contests."

Napakaraming events and contests nang sinalihan si Alyssa. Ilan sa mga ito ang Campus Model, Little Metro Manila Hotel Ambassador, Maleficient Model Academy, SM Little Star. At palaging nananalo si Alyssa sa mga contests na 'yun, kundi man, isa lagi sa top finalists. Galing, 'no?

Honor student din si Alyssa. Lagi siyang top sa mga klase niya. Napakatalinong bata raw nito, sabi pa ng daddy niyang si Rainier Garcia de Jesus (pamangkin ng blogger na ito).

Sa modelling naman, ang idol ni Alyssa ay sina Pia Wurtzbach at Melanie Marquez. Pangarap din kasi ni Alyssa na maging isang beauty queen someday.

"Hindi naman kami nagmamadali", pagtatapos na wika ng daddy ni Alyssa na si Rainier. "Kung ano po ang dumating, kung ano ang nandiyan- buong-puso po naming tatanggapin. Handa kaming maghintay, tutal ay bata pa naman si Alyssa. pero narito lang kami ng mommy niya at handang sumuporta sa bawat pangarap niya."

Make way for Alyssa Althea, because her star will start shining soon.

(sinulat ni robert manuguid silverio)




1 komento:

  1. Salamat po sa magandang blog na ito para sa aking anak! God bless po Tito Robert Silverio.

    TumugonBurahin

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...