isang hapon, sa Paraiso ni Fanny TF Serrano...

fanny tf serrano with ever-loving mom

fanny tf: christian

fanny tf: beauty inside and out

fanny tf: his salon is like Paradise




Minsan, may mga taong nangangailangan ng masisilungan...

Dala marahil ng pagkabigla sa isang masakit na bagay na nangyari sa kanya.

Kinakailangan niyang makahanap ng panandaliang bubong upang makahinga ng matiwasay.

O, dili kaya

Yun bang mapatunayan man lang niya na may halaga pa rin siya-

At may tao pa ring pasumandaling sasapo sa kanya.







Isang hapon yun sa FANNY TF SALON Main Branch sa Tomas Morato na paligid-ligid...

Sa ilang araw na pagkatulala dahil sa isang napakasakit na pangyayari,

Ang isang kaluluwa'y naghanap ng relaksyon, saglit na pamamahinga, at pagpapaganda sa sarili niya.


Salamat sa manager ng Fanny TF SERRANO Salon, ang nakatatandang Ate ni Tita Fanny-

Ito ang nag-istima ng maige sa kaluluwang iyon na tila ata wala nang mapupuntahan nu'ng mga sandaling iyon.

Naunawaan nito, tila nga nangangailangan ng "Make-Over" ang kaluluwang 'yun.

Isang matinding MAKEOVER!


Nakita pa ng nilalang na iyon ang tunay na INA, ang taong pinakamamahal ni Tita Fanny.

Nginitian niya ito at nagbigay-pugay.

At ang lahat ay tila bagang unti-unti nang gumaan pagkatapos....


Nagbigay pa ng hot coffee at Chocolate bread fillings ang Ate (hindi na po namin iri-reveal ang pangalan niya for privacy reasons) ni Tita Fanny.

Pagkatapos, hayun at napakasarap siyang nai-shampoo ng shampoo girl na si Vilma.

Nagsimula na ang transpormasyon. Mula sa sindak na mga sinapit ilang araw na ang nagdaan, heto at na-stimulate na ang kaluluwang iyon sa "Positibong" pag-iisip at pakiramdam...


Habang nakapikit siya at sina-shampoo ni Vilma, tila nakikita niya ang malaking Bibliya sa harap ng Main Entrance ng beauty salon ni Tita Fanny.

At saglit siyang NAGDASAL.

Sa maikling DASAL na iyon, tila hinugot na ng Diyos ang lahat ng SAKIT, GALIT, SHOCK  na kanyang nadarama.

Isang simpleng dasal pero MAKAPANGYARIHAN.



At ginupitan na siya ni Jun Guiang (ang magaling na hairdresser sa Fanny TF Salon) pagkatapos. Sa bawat tilampik at mararahang mga haplos ng mga daliri ni Jun habang naggu-gupit ito, napatunayan niyang EKSPERTO ito.

Napangiti na siya... Nakita niya ang sarili niya sa salamin ng Beauty Salon. Gumanda na siya ng 50% more!

Tila baga, bumalik na ang tunay niyang pagkatao, at ang respeto sa sarili niyang nawala na sa matagal na panahon....


Ganu'n pala iyon. Kapag may problema ka, huwag mong tatakasan...

Pumunta ka sa lugar na positibo, o sa lugar na may DIYOS, at may PUSO.

Sa lugar na magpapaganda sa iyo, hindi magpapa-pangit.



AT ITO ANG PARAISO NI FANNY TF SERRANO, located sa Sct. Borromeo St., Tomas Morato, Q.C.



Tara na. Magpaganda tayo. Punta tayo muli sa Beauty Salon ni Tita Fanny.

Siya lang naman ang taong mas lalong nagpaganda kina Lorna Tolentino, Sharon Cuneta, Zsazsa Padilla, Sarah Geronimo, Maegan Young, Charlene Gonzales, Kiray, Melanie Marquez, at marami pang iba.


Gaganda ka rin ng tulad nila.

Dahil ang Diyos ay namamahay-


sa tuwina-


sa Beauty Salon na FANNY TF SERRANO SALON.



Magpakailanman.




(personal na pag-aalay ni robert manuguid silverio para kay tita fanny tf serrano)




"We all make mistakes, but when we ask God to forgive us, the Son comes out. He causes His light to shine and sin to evaporate. He won't remember our sins anymore...
God bless you and your loved ones always"----- FROM FELIX MARIANO FAUSTO, JR. (a.k.a. FANNY TF SERRANO)
Good morning 🌞☕️
Have a nice day 😊👍

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...