JANINE GUTTIEREZ |
JASON ABALOS |
MARK NEUMANN |
BRIEF REVIEW: "PASTOR" (CINEMALAYA CLOSING FILM)
Bagong formula ang ipinakita ni direk Adolf Alix, Jr. sa pelikulang ito. Tipong nag-experiment siya at sumubok ng ibang klaseng technique in telling a story about a former assasin na naging Pastor sa Born Again Christian at nagkaroon ng isang babaeng anak na nag-rebelde at napariwara.
Nag-enjoy kami sa panonood ng pelikula dahil hindi corny ang mga iyakan, ang mga dramatic scenes at conflicts. Hindi OA ang dating, kaya banayad lamang ang mga damdaming madarama mo. Maganda at mainam ang direksyon- magagaling din lahat ng mga artistang nagsiganap- lalo na si Janine guttierezna kuhang-kuha ang character ng isang rebeldeng kabataan. Dapat maalagaan ng husto ng GMA Channel 7 itong si Janine. She's a goldmine.
Next to Janine, na-impress din kami ng husto kay Jason Abalos dahil sa napaka-unique na facial expressions niya sa pelikula na "devilish" ang dating. Hindi rin nag-OA si Jason all throughout the film. Napansin din namin ang maayos na pagganap ng baguhang si Mark Philip Neumann, ang lakas ng dating niya sa screen!
Samantala, sina Gina Alajar naman at Phillip Salvador, old styles of acting na naman ang pinakita nila na nakakasawa na po. Sana naman, mag-isip na ng bagong mga estilo sa pagganap ang mga beterano nating mga artista. Pasensya na po.
In totality, SATISFIED kami sa ganda ng mensaheng ipinakita na pelikulang "PASTOR", ang closing film ng 13th CINEMALAYA FILM FESTIVAL.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento