"hindi ko lang basta manager si jojo veloso, tatay ko rin po siya"--- victor rosales

victor: grabe.
victor and the bratboys: sexy


Tahimik lang siya na nasa isang sulok. Kung tititigan mo, may malalim siyang "aura". Misteryoso ang dating. Maski maliit lang, may kakaibang "animalistic appeal". At tipong kapag ginalit mo, para siyang isang makamandag na COBRA na sasakmalin ka ng buong-buo.

Iyan ang dating ni Victor Rosales, ang anak ni Jojo Veloso (may-ari ng PHILMODA Artist management) at miyembro ng all-male sing and dance group na BRATBOYS.

"Hindi ko lang po basta manager si Jojo veloso, tatay ko rin siya", nasabi sa amin ni Victor sa kalagitnaan ng isang panayam. "Kaya naman po lahat ng payo niya ay sinusunod ko. High school pa lang ako ay nasa kanya na ako. Sa kanya din ako natutong magsayaw, umawit at umarte. Kaya sa kanya na talaga ako nag-grow.

"Hanggang sa lumuwas muli ng Maynila si tatay Jojo", dugtong na sabi ni Victor. "Inumpisahan uli niya ang career niya sa showbiz. Later on, pinatawag niya ako at sinabing lumuwas na rin ako sa Maynila. Isasali daw niya ako sa grupong Bratboys na mina-manage niya. Kaya heto, nage-enjoy na po ako bilang isa sa mga Bratboys. Ni-launch po kami kamakailan lang sa mga media people."

May gagawin na rin siyang pelikula kasama ang isa pang miyembro sa Bratboys na si Xander Pineda at ang mga aktor na sina Lance Raymundo at Jayson Gainza. Isa itong pelikula para sa Star Cinema. Maganda ang role dito ni Victor.

"Isa po akong shelter boy sa pelikula", sabi ni Victor. "Ang ibig sabihin po ng shelter boy ay yung mga palaboy sa kalye, o kaya'y street child. Pine-prepare ko na nga ang sarili ko para sa character na gagampanan ko. Malapit na kasi kaming magsimulang mag-shooting."

Victor is only 18 years old at sa Biliran, Leyte siya lumaki at nagka-isip. He can sing and dance. Hobbies naman niya ang basketball at online games.

"Palatawa po ako at happy-go-lucky", deskripsyon naman ni Victor sa kanyang sarili. "Pero sabi ni tatay Jojo, shy person daw ako. Laking probinsya po kasi ako. Kaya ganun, medyo mahiyain pa."

Sa pakikipag-samahan naman niya sa kapwa Bratboys niya, Victor is frank enough para sabihin na paminsan-minsan ay nagkakatampuhan din daw sila sa kapwa Bratboys niya.

"Pero hindi naman kami nag-aawayan, tampuhan lang", pagwawakas na sabi ni Victor. "After a while, nagkakaayusan din kami. At lalo lang tumitibay ang samahan naming lahat."

Abangan na lang natin ang patuloy pang pag-usbong sa kasikatan nitong si Victor. May talents kasi at tunay na mabait na bata.

Go, go, go, Victor!!!



(sinulat ni robert silverio)


victor: wow fit belly.

victor: oh, my.

victor: young and sweet

victor: perfect in black




1 komento:

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...