hmua teddy mendoza, may dalang suwerte sa buhay at career ni gerald santos!


teddy with gerald santos

teddy with ms. lou baron

teddy with a model

teddy in the u.s.


Champion sa pakikisama itong bago naming kaibigang hmua na si Teddy Mendoza. Walang 'dull moment' kapag kasama mo siya. Full of energy siya palagi at hihingalin ka sa dami ng mga ikinukuwento niya ukol sa kanyang buhay. Kaya naman, tunay na nakakamangha at nakakaaliw siyang kasama. Pati nga ang mga new talents ng isang blogger na sina Ram Rivera at PJ ay tunay namang nag-enjoy na kasama siya!

Anyway, in case you don't know yet, hindi naman basta-bastang make-up artist lamang itong si Teddy Mendoza. Siya lang naman po ang nakasa-kasama at naging matagal na make-up artist ng singer na si Gerald Santos bago ito tuluyang nakuha sa Miss Saigon sa London! At bukod diyan, naging Over-all Grand Champion din si Teddy sa Hair Asia nu'ng taong 2014! Kaya masasabing isa siyang tunay na celebrity hair and makeup artist.

"Unang kita ko pa lamang noon kay Gerald ay na-starstruck na ako", bungad na sabi ni Teddy sa isang kuwentuhan. "Kami ang assigned noon sa TV show na Pinay Beauty Queen sa channel 7 at guest si Gerald doon. Sa akin natoka o natapat si Gerald. And the rest is history.

"Pagkatapos ko kasing ayusan nuon si Gerald, tipong na-impress siya at kinuha niya ang calling card ko", dugtong na sabi ni Teddy. "Kokontakin daw ako ng manager niya. Kinabukasan, hayun at kinontak nga ako ng manager niyang si Kuya Rommel Ramilo. Ginawa na nila akong official makeup artist ni Gerald mula noon.

"Ipinagmamalaki ko sa aming buong bayan sa Sta. Maria, Bulacan na ako ang nag-aayos kay Gerald bago ito tumulak papuntang London para gumanap na Thuy sa Miss Saigon!", anya pa. "At lalo akong nirespeto sa lugar namin dahil sa kanya. Napakabait na bata ni Gerald. Walang ere. Naipakilala ko na rin siya sa mga kilalang tao sa bayan namin. Naiiimbita ko siya ng libre. Ganyan kagaling makisama si Gerald at ang manager niya sa akin. Kaya mahal na mahal ko sila."

Pero ang hindi nila alam, tila may dalang suwerte itong si Teddy sa bawat celebrity na maayusan niya. Mayroon siyang tinatawag na "magic touch". At napatunayan niya iyon kay Gerald dahil siya ang nag-aayos dito nung sandaling makuha ito para sa Miss Saigon!

Nu'ng makita nga ni Teddy Mendoza ang bagong alaga ng isang blogger na walang iba kundi si Ram Rivera, hinulaan niyang sisikat ito. May mata na kasi for real talents si Teddy dahil madami-dami na ring mga male celebrities na dumaan sa kanya at inayusan niya.

"Basta mabait at maamo ang mukha at masunurin sa manager nila, hindi malayong magtagumpay sila!", huling sabi ni Teddy. "Basta ba magtitiyaga lang sila at magiging mabait sa lahat, babalik ang suwerte sa kanila."

Na-meet din lately ni Teddy Mendoza ang L.A.-based singer-novelist na si Ms. Lou Baron at gusto ni Teddy na maayusan ito someday.

"Napakaganda ni Ms. Lou maski may edad na siya. malaking challenge sa akin ang maayusan ko siya", huling pahabol na sambit pa ni Teddy Mendoza.


Salamat, Teddy. And see you soon!


(sinulat ni robert silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...