cashley jrian de castro: little ms. bicolandia ...

cashley jrian: bright child

cashley jrian: good dancer

cashley in a model-like pose

cashley jrian: only child

lola mayen pante (lola of cashley jrian), cashley jrian and blogger robert


Nu'ng minsang mapasyal sa Naga City ang isang blogger at naaya siyang mag-dinner sa Anthosia Cafe na  doon mismo sa Naga City rin located, tunay naman natuwa ito sa ipinakitang kagalingan sa pagsayaw ng 6-year-old beauty-title-holder na si Cashley Jrian de Castro. Kay liit-liit na bata ay napakagaling na! Very eloquent, talented and super bibo! Kaya naman, naipangako ng blogger na iyon na isusulat nito si Cashley balang-araw.

Kaya heto, tinupad na ngayon ng blogger na yaon ang kanyang pangako. Cashley Jrian deserves an article like this dahil napakagaling niyang bata. 

Una naming na-meet si Cashley Jrian sa set ng pelikulang MY MUSIC HERO TEACHER, kung saan ay papel ng isang maliit na Thai student and workshopper ang kanyang ginagampanan. Teacher niya doon ang baguhang sina Brenan King (na gumaganap sa papel na Music Hero Teacher, hango sa buhay ng producer ng pelikulang si Prince Navarro Nicholson) at si Kiray (na kontrabidang teacher naman ang role).

On the set, walang kahirap-hirap si direk Errol kay Cashley. Lahat ng instructions nito sa bata ay agad namang nakukuhang gawin ng bata.

"Ang bait-bait po ni Kiray sa akin sa set", sabi pa ni Cashley. "Kaya idol ko na po siya."

In case you don't know yet, sa napakabatang edad ay title-holder na itong si Cashley Jrian. Taray, di ba? Siya lang naman ang tinanghal na Little Miss Bicolandia nung taong 2016 (last year lang po ito) nuong siya ay five years old pa lamang. Mahilig sa K-Pop Music si Cashley at idol niya ang K-Pop group na Black Pink & Twice. Madalas nga niya itong panoorin sa Youtube.Com.

"Someday, I want to be a Beauty Queen and a doctor", sabi pang muli ni Cashley Jrian. "Pero I also want to be a star!"

Only child lang pala itong si Cashley. Kaya mahal na mahal siya ng lola niyang si Mayen Pante. Halos maging stage lola na nga ito sa kakabantay sa kanya habang nagsu-shooting siya ng pelikulang MY MUSIC HERO TEACHER.

"Nasa Riyadh pa kasi ang mom ni Cashley kaya ako muna ang nag-aasikaso sa kanya", sabi pa ni lola Mayen. "Nagtatrabaho doon ang mom niya bilang nurse. Naku, napaka-sweet kasi ng apo kong iyan kaya mahal na mahal ko. Only apo ko 'yan, eh."

Ang isang talented na bata na tulad ni Cashley ay tiyak na magkakaroon ng puwang sa mundo ng showbiz. Bukod sa mabait na bata, magaling pang umarte!

More power to you, Cashley Jrian!!!



(WORDS by robert manuguid silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...