lance aymundo, maggi-guest sa radio program ni tessie lagman na "sama-sama, salo-salo" kasama ang 4-S pamilya sa linggo, july 29!....

tessie lagman

actor-singer lance raymundo


other 4-s pamilya relaxing on the couch

on board: 4-s pamilya with tessie lagman

reymond agbada

corazon garcia

tony suvega

hazel mae ursais

reymond agbada and karl sipat

samantha rascal

karl sipat

ms. dolly favorito cruz

reynelyn mercado

from left to right: eddie suarez, rafael centenera, ray lucero, teena clemente and ms. tessie lagman


ms. nancy sipat and robert

friends of 4-s pamilya- blogger robert, tita mary and pitimini


Sa darating na Linggo, July 29, 2018, ang magaling na actor-singer- in person of Lance Raymundo, ang magiging very special guest ni Ms. Tessie Lagman at ng kanyang 4-S Pamilya sa radio program na SAMA-SAMA, SALO-SALO, aired every Sundays at DWDD radio station from 11 a.m. to 1 p.m.

"I admire Lance very much as an actor and as a singer", nasabi pa ni Tessie Lagman sa kaibigan niyang blogger. "Kaya I asked Mr. Robert Silverio sa Facebook niya kung puwede bang mag-guest si Lance sa radio program namin. Hayun, hindi naman pala mahirap imbitahin si Lance. Agad namang tumugon sa paanyaya namin."

Last Sunday, sobrang saya ng buong 4-S Pamilya sa first episode nila sa bago nilang home station na DWDD. Kay gaganda ng mga awiting kinanta nilang lahat, especially 'yung mga kinanta nina Karl Sipat, Reymond Agbada, Samantha Rascal, Rafael Centenera at Reynelyn Mercado. Kasi, pawang mga paborito ng isang blogger ang mga awiting kinanta ng mga ito.

Si Tita Tessie naman, maski paos ang boses at minamalat pa nu'ng araw na iyon, nagawa pa ring kumanta ng isang simpleng love song. Hindi pa rin nawawala ang ginintuang tinig ng batikang radio icon na ito sa pagdaloy ng panahon...

Enjoy din naman ang iba pang mga 4-S Pamilya that day- tulad nina Hazel Mae ursais, Cenen Garcia, Corazon Garcia, Ray Lucero at Tony Suvega. Kainan to the max pagkatapos dahil apat ang July celebrants that day na pinagsabay-sabay na ang handaan.

"I feel honored to be invited as guest sa programang Sama-Sama, Salo-Salo", nawika naman ni Lance sa isang blogger. "Like them, I am also a staunch supporter of old Filipino Classical songs like Kundiman songs. Ang aawitin ko sa Sunday ay ang latest single kong You Are The One. Pero it depends on them kung papahintulutan nila akong kumanta pa ng isang Kundiman song. Wish ko nga sana, maka-duet ko that day si Tita Tessie Lagman. Idol kasi siya ng mom kong si Nina Zaldua Raymundo".

Yun din ang wish ng isang blogger. Ang makitang nagdu-duet sina Lance at Tessie Lagman. Kaya abangan!!!



(sinulat ni robert silverio) 


PHOTOS BY REYMOND AGBADA AND MS. NANCY SIPAT




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...