"SALAMAT, KAPAMILYA STAR MARCO GUMABAO, SA PAGSUPORTA MO SA SOGIE BILL! LABYUUUU!!!"


equality is in the heart of male hunk

marco: luv it

Sobrang gumanda ang isang ng umaga ng mga miyembro ng LGBT's dahil sa isang artikulong nabasa nila na kung saan ay tahasang sinabi ng Kapamilya actor na si Marco Gumabao na sinusuportahan niya ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality) Bill. Lumabas ang artikulong iyon sa MSN Entertainment (ng Microsoft news page online) na na-grab naman sa LIONHEARTV webpage:
"We all know that the SOGIE Bill is a very sensitive topic", sey pa ni Marco. "At ako rin, bilang isang common tao, ayoko ring madi-discriminate ako bilang isang straight guy. Kasi, pantay-pantay naman tayong lahat bilang mga tao. Kaya okey lang ako sa SOGIE Bill, it's like na huwag natin ding idi-discriminate ang mga kapwa-Pilipino natin, so I'm all for that."
Buti pa ang isang straight guy na tulad ni Marco, malawak ang pag-iisip. Nakakaintindi. Hindi tulad ng mga iba riyan, hindi pa rin maunawaan ang tunay na magandang maidudulot ng SOGIE Bill para sa lahat ng LGBT's.
Parang isang "Papa" si Marco na nauunawaan ang tunay na feelings ng mga binabae at lalaking may mga pusong babae. Hay, kakainlab ka, Marco!!! Salamuch.
At lalo pa kaming nagulat nu'ng nagkomento rin si Marco nu'ng ukol kay Gretchen Diez at C.R. scandal na kinasangkutan nito.
Sey ni Marco du'n sa article na iyon sa MSN:
"Basta para sa akin, kung wala namang makakaagrabyado sa aming mga lalaki, wala namang problema. So if C.R. (privilege) ang gusto ni Gretchen, I'm all for it."
Sa nabanggit na artikulong 'yun ng LIONHEARTV web page, na nabasa namin sa MSN Entertainment online, playing very safe ang writer na nagsulat nu'ng artikel and he taped and recorded Marco's words to a "T". pati 'yung pag-"ahhhh" ni Marco ay sinulat niya as taped. Very delicate kasi ang issue at ayaw sigurong madamay nu'ng writer na may pinapaboran siya-, kaya simply "as quoted" lang si Marco.
Ang mga salita sa itaas na nasabi ni Marco ay sadyang inayos na lang namin para mas maintindihan ng lahat. Pero ganu'n din naman ang thought.
'Yun lang.
MAHAL KA NG LAHAT NG LGBT's sa Pilipinas na PRO-SOGIE BILL, MARCO!!! AKAPS
!.

(sinulat ni robert manuguid silverio)

(writer's note: THANK YOU FOR MSN.COM. link: https://www.msn.com/en-ph/entertainment/celebrity/marco-gumabao-supports-sogie-bill/ar-AAHkNBx?li=BBr8zL6&ocid=HandyCafe).***
marco: a kind and gentle heart

marco: an independent mind

marco: oh, my.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...