DEREK DEE, MARAMING ALOK NA MAGBALIK NA SA PAG-ARTE!

derek: kinukumbinse na magbalik-pelikula

derek with wife Joan

michelle (derek's daughter), derek, joan

derek: malakas pa rin ang sex appeal


Isang magaling na direktor ng isa ding top-rating teleserye sa channel 2 ang nag-alok kay Derek Dee na mag-guest doon. Isang mahalagang papel sana ang gagampanan niya, at tatlong tao pa ang kumumbinse sa kanya na tanggapin iyon- pero, walang nagtagumpay. Iisa lang ang naging sagot ni Derek Dee: "Out of town pa ako and I still have to go to the gym para fit ako kapag nagbalik sa pag-arte."

Sa tinuran na iyon ni Derek, tila may chance pa ngang magbalik siya sa pelikula. Now that he's on rigid physical trainings at the gym, tiyak niyang mas seseksi pa ang dating action star na ito na sumikat nuong late 1990's at naging kabiyak ng beauty queen na si Mimilanie Laurel Marquez (matagal na silang hiwalay ni Melanie at may bagong wife na si Derek now in person of Joan Cristy Dee).

Pero sabi naman ng ilang mga taong nakapaligid kay Derek, tila malabo pa sa ngayon na mag-comeback si Derek sa showbiz. Kasi, very busy pa ito sa kanyang advocacy on the 'miracle drug' that cures Hepa-C. Ang miracle drug na iyon ay ang Harvonil drug.

Sa isang coffee interview kamakailan lang kay Derek, nasabi niya ito: "Sa bansang Egypt, sikat na sikat na rin ang Harvonil drug. Kasi it really cures Hepa-C. I have a blog on the net na Hep Cured ang pangalan. Sa Facebook. They can see all the updates there about Harvonil drug."

Dinagdag pa ni Derek na he's now travelling all-over the world and all-over the Philippines to create further awareness na mayroong na nga "cure" sa Hepa-C. Kamakailan lang, galing siya ng Thailand. And he's set to travel pa in other countries in line of his advocacy.

Natanong tuloy namin ng deretsahan si Derek, paano na ang "comeback" niya sa pag-arte?

"I am not totally closing the doors, Robert", sagot ni Derek. "Depende. Maaaring oo, maaaring hindi. This is my second chance at life. I was a Dead Man Walking nuong nagkaroon ako ng Hepa C. Pero ngayong gumaling na ako at nakita ko ang cure sa pamamagitan ng Harvonil drug, I want to relax muna. Hinay-hinay muna ako. I have plans. At una na diyan 'yung ma-maintain ko ang pagiging well-built ko now, physically."

Bukod kasi du'n sa teleserye director na nabanggit sa itaas, may mga indie film directors din ang gustong mai-direk someday si Derek. Many are really interested to get him back as an actor. Na kay Derek na lang ang desisyon.

All-out support din ngayon si Derek sa pagiging model ng daughter niyang si Michelle Dee, isang exclusive Bench model at nasa managerial hands ngayon ng sikat na manager na si Arnold Vegafria.

"As of now, Michelle's priority is her studies", sabi pa ni Derek. "Isinisingit na lang niya sa schedules niya ang mga showbiz commitments niya, pero mas priority niya ang pag-aaral."

Sana magbalik pa sa pag-arte si Derek. Marami na ang nasasabik na makita muli siya sa wide screen o maski sa TV tubes din. Let's just keep our fingers crossed.


(words by robert manuguid silverio)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...