tessie lagman-balboa sings kundiman songs...



from left to right: tony suvega, reymond agbada and eddie suarez (tessie's barkada). PHOTO BY CORA GARCIA

tita tessie lagman with long-time friend corazon garcia. (photo by cora garcia)

actor lou veloso (internalizing for the scene in the movie "sinandomeng"), with dolly favorito, tessie and cora. (photo by cora garcia)

handsome reymond agbada with eddie suarez in one scene of the film "sinandomeng". (photo by cora garcia)

PHOTOS BY: MS. CORAZON GARCIA (above)



PHOTOS BY MS. TRIXIE DAUZ (below): 


BLOGGER ME WITH  DOLLY FAVORITO CRUZ, TESSIE LAGMAN AND CORA GARCIA. (photo by trixie dauz)

EDDIE SUAREZ REHEARSING FOR THE SCENE WITH HIS GUITAR, TOGETHER WITH BLOGGER ME, DOLLY & TESSIE. (photo by trixie dauz)

BLOGGER ME WITH MR. TONY SUVEGA, REYMOND AND ERNIE. (photo by trixie dauz)

Parang dinuyan-duyan ang mga taong nanood sa first shooting day ng indie film na Sinandomeng nuong mapakinggan nila si Tessie Lagman-Balboa, kasama ang kanyang barkada sa radio program niyang "Sama-Sama-Salo" nu'ng umawit sila ng Kundiman songs sa isang eksena ng pelikula. 

Bale ang beteranong theater-TV-movie actor na si Lou Veloso pa ang naging kaeksena nila.  Isang lamay scene iyon dahil namatayan si Lou sa istorya ng movie. At dumating ang grupo ni Tessie para awitan si Lou. Very touching scene na aabangan ng lahat sa pelikulang Sinandomeng, na isa sa film entries sa darating na TOFARM film festival.

Nangibabaw ang ganda ng boses ni Tita Tessie, hindi ito nagbago as years passed by. And hearing her sang Kundiman songs, wow, tatayo talaga ang mga balahibo mo sa balat dahil bagay na bagay sa timbre ng boses niya. It never faded-away.

Kasama rin ni Tita Tessie sa eksenang iyon ng pelikula sina Dolly Favorito Cruz, Corazon Garcia, Tony Suvega, ang gitaristang si Kuya Eddie Suarez at siyempre, ang pinaka-bata sa kanilang lahat- ang very cute na si Reymond Agbada.

Super saya naman si direk Byron Bryant nung matapos kunan ang eksenang iyon. Pumapalakpak pa ng husto si direk Byron after finishing directing the scene, dahil maski siya ay nagalingan ng husto sa performances and singing voices nina Tita Tessie, Dolly, Reymond, Cora, at iba pa.

Bale Special Participation ang magiging billing ni Tita Tessie sa pelikulang Sinandomeng. At nagpasalamat sa kanya ang buong staff ni direk Byron dahil sa suportang binigay nila sa pelikula.

Pakinggan sina Tita Tessie at ang kanyang barkda sa Sama-Sama, Salo-Salo radio program over DZRM 1278 khz.A.M.Band from 8:00 p.m.-10:00 p.m. Super saya ng programang ito sa radyo dahil mapapakinggan mo dito sina Tita Tessie singing live, mostly Kundiman songs, kasama ang kanyang barkada.

Bongga talaga, di ba?


(sinulat ni robert silverio)
.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...