angelo falconi: nag-trending ang twitter post nung ayusin ang buhok ni Presidente Digong


ang nag-trending sa viral world na pagpapaayos ng buhok ni Presidente Digong kay Angelo Falconi

sina Presidente Digong, Honeylet at Angelo Falconi. Si Honeylet talaga ang inaayusan ni Angelo, hindi ang Presidente.

Mismong mga FB Pages pa ni Presidente Rodrigo Duterte at iba pang Social Networking Sites nito ang nag-grab sa Twitter Post ng hairdresser na si Angelo Falconi ukol sa naging usapan nila ni Presidente Digong habang inaayusan niya ito- na kung puwede silang mag-selfie together, at hayun, mismong si Presidente Digong pa ang nag-aya kay Angelo na mag-selfie sila!

Kaka-touch, di ba? Siyempre, hindi na namin ika-Copy-Paste 'yung mga nasa links ng sites ni Presidente Digong dahil magiging monotonous na ang dating. Basta ang masasabi namin, proud talaga kami sa kaibigan naming hairdresser na si Angelo Falconi sa mga accomplishments niya sa kanyang professional life lately.

Gusto lang linawin ni Angelo, inayos lang niya ang buhok ni Presidente Digong- sinuklay-suklay at blinower. Yun lang. Pero sa second wife ni presidente na si Honeylet, si Angelo mismo ang nag-aayos dito sa tuwing may okasyon. Kaya suwerte talaga ni Angelo and he felt so privileged na siya ang napili ni Honeylet na mag-gupit, mag-ayos, mag-style at magkulay ng buhok niya.

Kasalukuyang nasa Vietnam ngayon si Angelo, in line with his being an Ambassador for L'Oreal, to further his knowledge in Hair Coloring. Lahat ng mga bumibisita kay Angelo, super satisfied sa nagiging resulta ng kulay ng mga buhok nila, (LALO NA ANG BLOGGER NA ITO).

More power sa iyo, Angelo Falconi!


(sinulat ni robert silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...