presenting OWEN CRUZ, the youngest BRATBOY!


owen: wet!

owen: inviting....

what a body, owen

owen: very bagets!

Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng good posture and poise nitong youngest member ng Bratboys na walang iba kundi si Owen Cruz. Maski bagets na bagets pa, model na model na ang dating, - his ways and moves are so classy and eloquent. Even the way he looks at you, it could melt your innermost senses and most delicate pleasures.

Isang hapon iyon sa Philmoda office, nu'ng araw na mag-sign-up ang baguhang si Ram Rivera na alaga ng isang blogger para pumirma sa kontrata ng Philmoda,- nang makausap namin ang bagets na si Owen. Maski bata pa siya, matured na matured ang kanyang mga kilos at pananalita. Kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya.

"Tubong Bacolod City po ako, pero sa Maynila na ako lumaki", bungad na sabi ni Owen sa isang panayam. "Kaya ang masasabi ko, moderno na ang pag-uugali ko. I was born under the Zodiac Sign of Taurus din kasi."

Bakit, ano ba ang qualities ng isang tao under the Zodiac Sign of Taurus that makes him  modern?, - tanong ng isang blogger kay Owen.

"Ako po kasi iyong tao na kung ano'ng gusto, 'yun ang ginagawa", maagap na sagot ni Owen. "'Yung gusto kong mangyari, yun ang ginagawa- pero alam ko, kung ano'ng gusto ko ay maaabot ko pa rin kahit papa'no."

Parang ang lalim yata ng mga katagang 'yun na binitiwan ni Owen. At his young age, his mind is very matured and totally focused.

"Tulad po dito sa pagkakasali kosa Bratboys, focused at determined po talaga ako", dugtong na sabi ni Owen. "Ang inspiration ko ay 'yung family ko. And of course, my self. As of now, wala pa akong girlfriend. Yung mga friends ko na babae, tipong landian lang kami, nothing serious."

Pero biglang bumagsak ang isang malaking boteng iniinuman ng manager niyang si Jojo Veloso nu'ng mga sandaling iyon na sinabi ni Owen na wala pa siyang GIRLFRIEND. Tumaas pa ang kilay ng manager niya to the highest degree. Hahahaha!!!

"Pramis po, wala pa po ako talagang girlfriend", sabi ni Owen. "Ayoko po muna. Totoo po 'yun."

Sige na nga, na-convince mo na kami, Owen. pero sino ba ang idol mo, Owen?

"Si Michael Pangilinan po", mabilis na sagot ni Owen. "I love the way he sings his RNB songs. May sarili po siyang istilo na kakaiba."

Si Owen din at ang isa pang Bratboy na si Romcel Brinquis ang siyang nagko-choreograph ng mga sexy moves and dances nila sa Bratboys. Kaya pala lalaking-lalaki ang dating at nakaka-el- eh, mga bagets ang nag-choreograph.

"Kung ano lang po 'yung uso, 'yun ang ginagawa namin", pagtatapos na wika ni Owen. "Tulad sa Despacito cover namin ng kanta ni Justin Bieber, 'yung mga sayaw namin, inaakma lang namin sa rhythm nu'ng kanta. Nagawa na po namin 'yung Music Video namin. Panoorin po ninyo."

Oo naman, Owen. Dahil tulad mo at tulad ng lahat ng Bratboys- tunay namang kasabik-sabik kayong mapanood lahat. Need I say more, Mudra Jojo?




(sinulat ni robert silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...