"the best makisama si LANCE RAYMUNDO!"--- XANDER PINEDA

XANDER: ABA, SEXY DIN!!!

xander with his new friend lance raymundo



Gustong-gusto namin ang pag-uugali nitong theater actor at Bratboy member na si Xander Pineda. Napakagaan niyang kasama at kausap, at laging nakangiti. Pasasayahin ka pa niya at patatawanin kapag nakikita ka niyang malungkot. Sana, lahat ng mga artista'y ganito. Ni katiting na "star complex" o "attitude", walang ganu'n na attributes si Xander. Kaya naman labs na labs namin ang batang ito.

Amidst all the flattering words na nakukuha ni Xander lately dahil sa malakas na stage presence na kanyang nilikha sa katatapos lamang na dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, he ramained humble and his feet off the ground. The more pa nga siyang nagpupursige ngayon, lalo pa't hayan, may mga kasunod na siyang mga proyekto right after the musical play. 

Una, may movie siyang gagawin under Star Cinema, mga out-of-town concerts para sa Bratboys, at ang pagkakaroon muli ng rerun ng dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag sa darating na buwan ng Nobyembre. Saan ka pa?

"Masarap ang feeling", bungad na sabi sa amin ni Xander nang makita namin siya sa dalawang magkaibang mga okasyon. "Masaya, very proud ako sa sarili ko. This is my first time in Manila, pero hayan at napunta agad ako sa isang musical play na hindi basta-basta, tapos, nakikilala na rin ang boy group namin na Bratboys at may sisimulan pa akong pelikula."

Isang comedy na love story ang sisimulang pelikula ni Xander. At isang probinsyano ang magiging papel niya dito.

"Medyo may pagka-comedy ang role ko sa pelikula", kuwento ni Xander. "Malapit na po kaming mag-shooting. Binasa ko na ng buo yung script ng pelikula at nakuha ko na ng husto ang character na gagampanan ko. Handang-handa na ako."

Sa isang production meeting ng pelikula, nakilala't na-meet ni Xander ang sikat na singer-actor na si Lance Raymundo. At mula noon, naging mag-friends na sila. Vibes na vibes silang dalawa.

"The best makisama si Lance Raymundo!", kuwento pa muli ni Xander. "Hindi ka niya iiwanan sa ere. Alam niyang baguhan lamang ako, pero siya ang lumapit sa akin at nakipag-usap. Mula noon, I felt more at home sa mga makakasama ko sa movie. Nagbigay pa si Lance ng mga tips sa akin and advices. Susundin ko ang mga payo niya. Para sa akin, malaking bagay 'yung ginawa niya sa isang tulad kong baguhan pa lamang, pero naka-suporta agad siya."

Sa pagtatapos, nagpapasalamat si Xander sa lahat ng mga media people na nagpunta doon sa media Launching ng Bratboys at Face of the Year 2018.

"Nagpapasalamat po ako at nakapunta silang lahat kahit na umuulan nu'n", sabi ni Xander. "Actually, hindi na ako kinabahan noon. Nasanay na ako kasi. Siyempre, kagagaling ko pa lang sa isang musical play at grabe ang naging training ko under Douglas Nierras na lagi akong napapagalitan at nakikita. Yun pala, may dahilan siya. Lalo lamang niya akong pinagaling. Ang dahilan pala niya, mailabas mo dapat ang lahat ng galing mo. Nangyari naman yun sa Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Kaya hindi na ako kinabahan sa media launch ng Bratboys."

And lastly, si XANDER PINEDA po ay hinde si XANDER FORD. Excuse me, no? Mas guwapo naman si Xander Pineda keysa sa retokadong pagmumukha ni XANDER FORD. Hehehe. Chill lang, Xander Ford!



(sinulat ni robert silverio)


XANDER: BOYISH

XANDER: WALKS LIKE A MODEL



xander and the bratboys

XANDER WITH HIS OBVIOUS CURLY HAIR: IN A SCENE FROM THE MUSICAL PLAY "MAYNILA: SA MGA KUKO NG LIWANAG"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...