a very special lunch date with miss dama de noche....


dama: a very strong woman

dama: will she join the acting scene soon?


blogger robert and dama de noche at yaki mix eat all you can

ms. dama de noche with blogger robert


Masasabi naming ang artikulo na ito ay isang personal blog article lamang. Dahil si Ms. Dama de Noche ay hindi naman isang celebrity, bagkus, isa siyang special Facebook friend ng blogger na ito. Pero since makita na namin siya ng personal over a very special lunch date, talagang namangha kami sa kagandahan niya. Mas maganda pa nga sa mga artistang na-meet na namin sa personal.

Ang venue ng aming LUNCH DATE ay sa may Yaki-Mix Eat All You Can pa, na located sa ground floor ng SM Masinag. Walang ka-makeup-makeup si Dama nu'ng tanghali na iyon, at naka-casual outfit lang- pero talaga namang "alluring" ang kanyang kagandahan.

Kaya naman hindi naiwasan ng blogger na ka-meeting niya na mag-artista na rin siya.

"Hahahaha!", sabay tawang naging tugon ni Dama sa aming mungkahi. "I am a Marketing person kasi, eh. I can market anything. Forte ko na 'yun. When I returned from many years of staying at the United States, doon na ako naging busy at sa age ko ngayon, hindi na yata bagay na mag-artista pa ako.

"Actually, may nag-alok na rin sa akin noon na mag-artista ako", dugtong ni Dama. "It was the late Chito P. Alcid (R.I.P.) who saw my potentials at that time. Una, akala ko ay biro lang. Pero hindi ko alam na doon na pala niya ako sinubukan. Before he was diagnosed then with Cancer, sabi niya, patutunayan niya sa akin at magagawa niya akong isang artista. Nu'ng time na iyon, akala ko ay hindi pa totoo. Pero may ginagawa pala talaga siyang isang indie film noon. Kaya lang, nagkasakit na nga siya ng Cancer. Nag-diet na ako para makapaghanda, pero namatay na si Chito after."

Sa ngayon, inamin ni Dama sa isang blogger na medyo tumaba nga siya and she has to loose 10 pounds at gaganda na ulit ang pangangatawan niya. Hindi naman ganu'n ka-interesado si Dama sa pag-aartista, basta kung may dumating lang na project, maaaring subukan na rin niya.

"May pamangkin ako na kinse anyos na lalaki, kamukha siya ni Ian Veneracion nu'ng bata pa si Ian", muling sabi ni Dama. "He is an honor student sa school nila. Yun ang tutulungan kong maging artista balang araw."

Sa mga babaeng artista, gustong-gusto ni Dama sina Sharon Cuneta, Vilma Santos, Jean Garcia at Anne Curtis.

"Parang natural na natural kasi sila kung umarte, at pati mga pagkatao nila ay natural din", sey ni Dama

As of now, may boyfriend si Dama na taga-Davao City. Pero he describes her ideal man as like this: "I want a man who can boss me around, who can make feel like a real woman", sabing muli ni Dama. "'Yung ipa-pamper din ako ng sobrang pagmamahal niya. pero dapat, stronger ang personality niya keysa sa akin. Kasi I'm a very strong kind of woman."

Hhhhmmmm. Kaya mga guys diyan, ingat kayo. Ms. Dama de Noche can knock you out!

See you in the movies, Dama!


(sinulat ni robert silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...