doc lance, paano po ba gagamutin ang sugatang puso?









Napakaganda ng eksenang 'yun sa teleseryeng Since I Found You, habang kausap ni Lance sina Piolo Pascual at Arci Munoz sa isang medical mission and advocacy na gagawin nila. Very simple 'yung scene pero napakalalim ng mensahe para sa lahat. Na dapat, bilang isang indibiduwal, may silbi ka sa kapwa mo at may mga lihim kang pagtulong na ginagawa na hindi alam ng mga mas nakakarami.

Sa eksena, natural na natural si Lance sa pag-arte. Nakaupo lang siya sa naka-dekuwatrong porma niya, pero kuhang-kuha niya ang mga tamang kilos ng isang pormal na doktor, na simple lang magsalita pero malaman. Ang galing!

Sina Piolo at Arci naman, halata mong very supportive sila sa kaeksena nila at very attentive, lalo na si Piolo na tango ng tango sa bawat katagang sinasambit ni Lance. Tunay na isang magaling na artista.

Sana, mas humaba pa ang mga susunod na exposures ni Lance sa programang Since I Found You. Nariyan naman ang #RoyalWolf fans ni Lance, sa pangunguna nina Beni Saunders at Teresa Mortel na walang sawang nagda-drumbeat kay Lance sa Viral world.

Bukod sa kanyang teleserye appearances, busy rin si Lance ngayon sa mga gaganaping events in line with his comeback single na YOU ARE THE ONE, or #YATO na nagkaroon na ng MTV shoot kamakailan lang. Malapit na kasi ang promo period nila para sa awiting iyon.


More power, Wolf Prince!!!!

Pero teka, last question kay Papa Lance: "Doc Lance, paano ba gagamutin ang sugatang puso????"

Your guess is as good as mine.



(sinulat ni robert manuguid silverio)
photos: teresa mortel, beni saunders and doc lance.*


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...