'DANCING IS ALSO ACTING!"--- KOKO ARTADI (the Princess of Club Mwah)

the princess of club mwah: koko!

koko: "dancing is also acting"

koko: pro-SOGIE bill advocate, too

koko: sexy

koko in a blonde wig

koko: before a performance at club mwah



Kung mayroong Reyna, siyempre ay mayroon ding isang Prinsesa. At kung si Cris Nicolas man ang Reyna ng Club Mwah, ang kanya namang Prinsesa ay walang iba kundi si Ms. Koko Artadi, ang lead dancer ng pabulosang Follies de Mwah ng Club Mwah.

"I guess, you have to say that I'm the next lead dancer, which comes after Cris Nicolas", pagka-klarong bungad pa ng seksing si Koko Artadi. "Cris Nicolas will always be our leader. And I feel so proud that I actually started here in Club Mwah. Hindi pa ako ang lead dancer sa Follies de Mwah when I started, you see.

"That was around 2006, may dalawa pang lead dancers before me at that time", pagpapatuloy na sabi ni Koko."But now, for the past ten years, ako na ang lead dancer sa Follies de Mwah, under Cris Nicolas' supervision naman kaming lahat."

Yun na nga, akma lamang na sabihin nating si Koko Artadi nga ang Prinsesa ng Club Mwah, si Cris Nicolas ang Reyna at si Pocholo Mallilin naman ang Emperatriz ng Club Mwah. Okey na po ba ang mga titulong iyan, aber? Hahahaha.

Anyway, ang very first production number na ginawa ni Koko para sa Club Mwah ay iyong mala-Bollywood na production number kung saan ay mala-Bombay Goddess siya.

"Napakahirap nu'ng production number na iyon pero napakaganda naman!", pagbabalik-tanaw pa ni Koko. "It's also my favorite production number of all the Club Mwah shows. Kaya lang, hindi na namin 'yun ginagawa lately. eh. Bonggang-bongga ang production number na iyon- lalo na sa props. Nakasakay ako sa isang higanteng elepante!!! Nakakaloka, di ba? Bago ako makasampa sa higanteng elepante na iyon, naku po, napakahirap talaga. Lagi kaming standing ovation noon kapag pine-perform namin ang number na iyon sa elepante.

"Actually, dancing is also acting!", dugtong na sabi pa ni Koko. "Because in an production number you perform and execute, you also act, eh. You act and emote also. Lalo na ang mga body gestures mo and all. Kaya for me, dancing is basically an acting job, too.

"Napakalaki talaga ng natutunan ko kay Sir Cris", anya pa. "Kaya naman I remained loyal to Club Mwah all throughout the years. Ito na po talaga ang buhay ko."

Nagsimula pala si Koko bilang pasayaw-sayaw noon sa mga TV shows as an Alpha redording label dancer, promoting the hit songs at that time ng Alpha records. Later on, nag-Japan din siya. pero nu'ng panahong kinailangan na niya muling bumalik na sa Pilipinas, sa Club Mwah na siya nanatili magmula nuon.

"As a dancer, you have to catch the attention of the viewer or the audience", pagpapatuloy pang sabi ni Koko. "All eyes are on you kapag dancer ka. You have to standout from the group. At iba-iba rin ang characters na pino-portray mo kapag dancer ka, depende sa kanta at sa musikang sinasayaw ninyo."

Hindi namin malimutan itong si Koko sa Burlesque production number ng Club Mwah dahil napaka-seksi niya doon. Nakahiga lang siya sa isang mahabang sofa chair and she exudes an all-out sexiness na.

Nakatanggap na ba ng mga indecent proposals si Koko dahil sa kaseksihan niya habang nagsasayaw?

"Honestly, hindi pa, wala pa akong natatanggap na indecent proposal", mabilis na sagot ni Koko. "Kasi, alam nilang wholesome lang talaga ang shows sa Club Mwah. Pawang mga creative and artistic numbers na Broadway-inspired lamang ang ginagawa namin sa Club Mwah, and definitely, no dirty games, too."

Isa pang nakakatuwa kay Koko ay ang pagiging PRO-SGIE BILL advocate niya.

"It's our freedom to express ourselves, iyan ang kahalagaan ng Sogie Bill", pagtatapos na wika pa ni Koko. "Dapat malaman ng lahat ng LGBT's na ang nilalaman ng Sogie Bill ay para sa kapakanan nating lahat. Yung maging equal tayo sa kanila. Ito na ang panahon na makamtan natin ang kalayaan na iyan."

Korek ka diya, Koko. At bow kami sa iyo.




(sinulat ni robert silverio)
MANY THANKS TO MR. EVO JOEL CONTRIVIDA FOR "AMADEUS" PERFORMANCE VIDEO OF FOLLIES DE MWAH ABOVE.---**




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...