CED TORRECARION: HANDA NA BANG MAGPA-SEKSI SA TAONG 2020?

are you ready to go sexy, ced?

casual ced

ced: debonaire-looking

Ced with gf lee ann, they are the owners of dolce far niente wellness spa

Ced in pink shirt with his dad Sao (blue shirt) and his sis and bro

Sa totoo lang, the next time na iinterbyuhin namin itong si Ced Torrecarion, dapat ay 'yung bago kami magpa-massage sa Dolce Far Niente Spa na pag-aari niya at ng girlfriend niyang si Lee Ann. Pa'nu ba naman kasi, kapag after ng body massage namin interbyuhin si Ced, totally relaxed na ang mind namin at hindi na namin malaman ang mga tanong na dapat itanong sa kanya. Maski nu'ng irebyu namin ang interview notes namin sa kanya, hindi na rin namin halos maalala ang mga tanong at sagot sa interbyuhan namin sa kanya after ng isang hard body massage sa DOLCE FAR NIENTE SPA. Gano'n katindi ang epekto ng isang good massage sa DOLCE FAR NIENTE WELLNESS SPA. Tipong mawawala ka talaga sa sarili mo.

Kaya heto, isang analysis na lang ang artikulong ito para kay Ced.

Last year of 2019, napansin maige si Ced sa mga TV teleseryes na ginawa niya. Isa na rito 'yung role niya bilang assasin sa Los Bastardos teleserye ng channel 2. Maski hindi gano'n kahaba ang papel ni Ced sa nasabing teleserye, ang lakas ng dating at naging impact sa mga manonood.

Sa aming opinyon, dapat siguro ay ilagay na sa bida roles si Ced sa taong ito ng 2020, o sa mga roles na hindi basta KARAKTER lang, kundi sa mga roles na mas mahahaba at mas magaganda na talaga. Ced has got the proper looks to be a BIDA MAN naman. Guwapo, maamo ang mukha, matangkad at debonaire-looking. Almost like a James Bond in poise and manners.

Pero 'yun nga, pilit na inilalagay si Ced ng mga talent casters sa mga papel na pulis, hired goon o assasin, killer, guwardiya, zombie, bodyguard, o bad guy. Laging ganu'n. Samantalang napakalawak naman ng potentials ng acting range ni Ced. Huwag naman sanang puro salbahe na lamang.

Kasi kung sa pagalingan lang ng pag-arte, aba naman, hindi pahuhuli itong si Ced. When we watched him one time portray the role of Pontius Pilate sa dulang Martir Sa Golgota ng Tanghalang Sta. Ana (hayan mine-mention pa rin namin ang theater group na Tanghalang Sta. Ana, ha, maski ba napaka-suplada ng Production Manager ng theater group na ito!)- ay talagang napahanga kami sa angkin niyang kagalingan. Kapag umarte siya, nama-maximize niya ang kabuuuan ng audience area- lumulutang ng husto at damang-dama mo. Gano'n siya katindi umarte!

Kaya talagang hihintayin namin na magbida na this year sa mga TV teleseryes si Ced, o maski na sa isang indie film lang. Puwede siyang gawin "the other man" o lover boy, o maski mismong bidang lalaki, di ba? Sana bigyan pansin ng mga talent casters ang mungkahi naming ito.

And now, heto ang isang malaking katanungan para kay Ced: Handa na nga ba siyang magpa-seksi sa taong 2020?

As of press time, ayaw pang sagutin ni Ced ang katanungan na iyan. Pero isang blogger ay may naiisip na magandang konsepto para sa isang concert na pagbibidahan nina Ced at ng isa pang actor-singer na si Lance Raymundo. Ang concert na iyon ay tipong Magic Mike ang tema. (Magic Mike is a Hollywood film na kung saan ay macho dancer ang papel ng bidang si Channing Tatum).

Papayag kaya si Ced na tanggapin ang concert na iyon?

Abangan!




(sinulat ni robert manuguid silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...