18th DEBUT PARTY NI JANAH ZAPLAN, NA-CANCELLED TODAY, (JULY 7, 2020) DAHIL SA DAMI NG NAG-POSITIBO SA LUGAR NILA NG COVID-19....

wearing for herself one of the gowns that janah should have worn on her dubut today, but it did not happen.
JANAH, THE DEBUTANTE TODAY, JULY 7. (PHOTOS BY: WILSON FERNANDEZ)
the zaplan family
janah: multi-talented



"Mahirap na po, baka ang birthday pa ni Janah ang maging dahilan para magkaroon ang iba!", bungad na pahayag sa amin ni Daddyguard Dencie Zaplan sa isang chat conversation. "Kaya talagang hindi po, wala po talaga kaming imbitado kasi ang dami ngayong nag-positive sa Covid-19 dito sa lugar namin.

"Mayroon  nga pong nag-positive sa lugar namin dito na 30 meters away lang sa bahay namin, eh", pagpapatuloy na wika ni Daddyguard Dencie. "At kahapon po, may hinimatay sa tapat ng bahay namin dahil sa takot! Kaya 'yun nga, buti na po ang nag-iingat. At saka I doubt it kung papayagan kami ng Barangay na magpa-party dito sa bahay namin para sa debut ng anak kong si Janah. Malabo rin kami sigurong payagan dahil bawal pa ang mass gatherings. Maski mga kamag-anak po namin sa probinsya, hindi na kami nag-imbita. Kung sino-sino lang kami ngayon dito sa bahay, 'yun lang talaga! Kaya, pasensya na po, Sir Robert. Nag-iingat lang po kami at bawal talaga."

Kakahinayang. Ang sarap sanang i-witness ng mga dramatic moments sa debut ni Janah kung saka-sakali. Because turning 18 is the most prescious moment in a girl's life, lalo pa't sa isang celebrity-singer na tulad ni Janah.

"Alam ko po, naiintindihan talaga ako ng maraming media friends namin na close lahat sa puso namin at matagal nang ipinaglalaban si Janah", muling sabi pa ni Sir Dencie. "Maski naman po siguro sila, eh, mahihirapang makaalis ng bahay. Ang dami pa naman talagang nag-abang na ma-witness ang debut ni Janah. Pero dahil sa Covid-19, hindi nga nangyari."

Isa kasi si Janah sa "Darling of the Press" dahil sa magaling na pakikisama ng kanyang ama at ina sa lahat ng media people. Pero who knows, baka next year, kapag wala na ang Covid-19 Pandemic, magdaos pa rin sila ng isang malaking okasyon para naman sa 19th birthday ni Janah.

Natuwa nga kami sa mga FB posts ni Daddyguard Dencie Zaplan dahil ipinakita niya sa kanyang mga viral posts ang dalawang Coat & Tie at Amerikana na isusuot niya dapat sa una at huling sayaw ni Janah sa Debut party nito. Ready na ready na pala ang mga kasuotan ni Daddyduard Dencie kung saka-sakali. 

"Better luck next time na lang. Hahahaha!", huling sambit pa ni Daddyguard Dencie sa isang chat conversation. "But all I can say is, I wish Janah a Happy, Happy Birthday. I am so proud of her. Hindi niya napapabayaan ang studies niya, ang dream niya as a Pilot, at ang passion din niya sa Singing, at hilig niya sa Volleyball sports. Lahat ay napagsasabay-sabay niya. Walang nasa-sacrifice. Kaya talagang proud ako sa kanya."


Korek ka diyan, Daddyguard Dencie. ----***




(sinulat ni robert manuguid silverio)
other photos, courtesy of mr. dencie zaplan and janah zaplan

janah with dad
mr. dencie zapalan wearing one of the american suits he should have worn for janah's debut
mr. dencie zapalan wearing one of the american suits he should have worn for janah's debut

janah: the princess queen
janah holding her award from pmpc star awards

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...