sa pagbisita ni lance raymundo sa radio program na youthalks, nagbigay siya ng kakaibang inspirasyon sa mga kabataan...


LANCE RAYMUNDO WITH RADIO HOST RENEE GARCIA, BLOGGER ROBERT AND THE STUDENT PRACTIONEERS AT PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE



Ang ganda-ganda ng naging interbyu kay Lance Raymundo kamakailan lang (Pebrero 2, Huwebes) sa programang Youthalks ni Mommy Renee Garcia, sa radio station na DZRM (a government-owned radio station). Sobrang inspiring, informative, helpful and honest ang mga kasagutang ibinigay ni Lance sa mga tanong ng mga kabataang student practitioners/OJT's na naro'n nuong gabi na iyon sa radio program ni Mommy Renee.


Very sincere kasi ang mga naging kasagutan ni Lance sa bawat tanong nila. Kaya naman, mas lalo lamang niyang napamangha ang mga kabataan naroon sa loob ng radio booth ni Mommy Renee, bukod sa talagang hinahangaan nila si Lance dahil celebrity ito at ubod ng guwapo, mas lalo pa silang sumaludo sa aktor dahil sa magagandang kasagutan nito sa kanila na kinapulutan nila ng aral at leksyon.

Naku, kung ikaw ang naro'n nung hapon na yunsa radio program ni Mommy Renee, talaga namang puro halkhakan, tilian, kantsawan at biruan- but alongside with it, nakapagdulot ang lahat ng magandang trabaho at adhikain para sa mga listeners ng programa.

Lance shared so many things on air. Yung passion niya sa singing and acting, mga goals and principles niya on life, among other things. Very informative talaga.

Si Mommy Renee naman, naku po, tunay na isang perfect host. Ang galing-galing niyang magdala ng isang educational youth-oriented na radio program. Kaya bow talaga kami kay Mommy Renee.

Ang programang Youthalks ay mapapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-sais ng gabi hanggang alas-siyete ng gabi sa radio station na DZRM, 1278 khz.

MABUHAY KA, LANCE RAYMUNDO! MARAMING MGA KABATAAN ANG TUNAY NAI-INSPIRE SA IYO. MORE POWER!!!

TIGNAN ANG MGA LARAWANG KUHA SA IBABA SA NAGANAP NA RADIO GUESTING NI LANCE, NA TALAGA NAMANG KAY SAYA-SAYA!!!
(PHOTOS COURTESY OF: MR. LANCE RAYMUNDO)


(sinulat ni robert manuguid silverio)


LANCE'S PHOTO BY: MR. WILSON FERNANDEZ

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...