jobert sucaldito declares: "palaban na ako ngayon! bakit ako tatahimik?" (post from his own FB account)...

BELOW ARE JOBERT SUCALDITO'S OWN WORDS, TAKEN FROM HIS OWN PESONAL FACEBOOK ACCOUNT. WE FEEL, WE MUST PRESENT JOBERT'S SIDE VIA COPYING AND PASTING THE WORDS BELOW. HE WILL ALWAYS BE OUR FRIEND, NO MATTER WHAT. AT SASAMAHAN NAMIN SI JOBERT SA MATINDING KRISIS NA ITO NG PROFESSIONAL LIFE NIYA. NANDITO KAMI PARA SA IYO, JOBERT!!!--- (robert silverio)*


JOBERT WITH ONE OF HIS LONGEST FRIENDS IN SHOWBIZ- "BLOGGER ME".

JOBERT WITH MICHAEL PANGILINAN




JOBERT WITH HIS SON CARLO


"It's been quite a time na hindi ako nakapag-Facebook dahil nagkaproblema sa FB provider ko kaya sobrang miss ko kayong lahat. Anyway, kahapon (May 7) at 2 PM ay first hearing namin para sa sandamakmak na kasong isinampa sa akin nina Erik Santos and Erickson Raymundo ng Cornerstone sa QC Hall of Justice - sinamahan ako ng anak-anakan kong si Boy Romero. After a while, I realized kung gaano ka-ungrateful ang showbiz dahil here are two of the rare netizens of the industry na sobrang natulungan ko pero ito lang pala ang nakamtan ko in the end. Iba pala talaga pag yumaman na at natuto na sa negosyo - imagine, ang pinaghirapan kong broadcasting career sa DZMM for more than 10 years ay nakaya nilang yanigin. Magtu-2 months na akong suspended indefinitely - ganoon sila ka-powerful dahil balitang merong isang mataan na opisyal ng ABS-CBN na ayaw sobra sa akin at gusto akong matanggal sa istasyon. 

Wala akong magagawa dahil maliit na sundalo lang ako ng kompanya - how do you fight the gods, aber? Pero one day, magkakasingilan din kami - that's for sure. Pinaralyze nila ang pagka-broadcaster ko kaya pinag-leave ako with PAY para di sila sumabit gayong wala naman akong violation sa DZMM. Imagine, nagpapasuweldo sila ng tao kahit hindi nagtatrabaho? Some people would say na buti pa ako sumusuweldo kahit naka-leave pero di nila alam na strategy ng kompanya iyon (especially that big fish ng network na ayaw pala sa akin) para pilayin ang kaparngkahan ko sa radio. I am not resigning - inuulit ko I AM NOT RESIGNING dahil wala akong atraso sa inyo! 

And I have an existing contract with DZMM until December of 2017. Kilala ko na kung sino kayong pinagtutulung-tulungan ako at lahat ito ay pagbabayaran ninyo pagdating ng tamang panahon - even if this means death for me. Nakatawa kayo ngayon pero ipagluluha ninyo ng dugo ito pagsapit ng sinasabi kong panahon. Nakakadiri ang mga taong ito - kung magmalinis parang ganoon-ganoon na lang pero di-hamak na mas marumi pa sa putik. Huwag ako!!!!!! Pag nagpa-presscon ako one day, baka hindi ninyo masuwag. Magkasubukan tayo! Basta ako, I had been a good soldier pero masyado niyo na akong sinasaktan. I am not fighting the network dahil I am not the type who bites the hands that feed me - yung mga taong involved lang sa fiasco na ito ang tinutukoy ko. Ilang linggo na akong dumadaan sa depresyon though di lang halata dahil dinadala ko lang lang maayos - pero ilang baldeng luha na halos ang dumanak sa mga mata ko - at titiyakin kong pagbabayaran ito ng mga taong involved one day. 

Sino ang magdedemanda sa akin ng grave threat ngayon - wala akong pinangalanan huh! Blind item na maliwanag na naman ito. Ha! Ha! Ha! Ikaw na mataas ang posisyon sa ABS-CBN, alam mong ikaw iyon! Kapal ng mukha mo! Masyado kang nagmamalinis pero wala kang kasing-dungis. Mas marami ka pa yatang lalaki kaysa sa akin eh. Tingnan natin kung di tayo magkakabukuhan one day. At ang husay mong dumiskarte ha - pasimple mong ininegosyo ang kompanyang pinaglilingkuran mo. Wala kang kakuntentuhan. Kung matagal pang darating ang KARMA mo, I will serve your KARMA straight to your face. Palaban na ako ngayon - bakit ako tatahimik? Kung kinakailangang humarap ako sa ethics committe ng ABS-CBN para silipin ang mga kabulastugan nila gagawin ko. Kilala niyo naman ako - I am very straight and maipagmamalaki ko sa kanilang lahat na matino akong trabahador. That's all for now. Ciao!!!!"---- JOBERT SUCALDITO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...