denise vivero: rarampa ng husto sa mr. & ms. nutrition of AMA basic education...






denise with mom deza


Nag-rehearse na sa pagrampa ang young, sweet and pretty naming pamangkin na si Denise Vivero sa parating na special event nila- ang actual presentation and awarding ng Mr. & Ms. Nutrition ng AMA Basic Education sa taong 2017.

"Hindi naman po ako nahirapan sa rehearsals namin, tito Robert", sey ni pretty Denise sa isang interbyuhan with his tito Robert. "Mabait naman po 'yung direktor namin. Una po, nag-pictorial muna kami. Then after that po, nag-practice na po kami sa mga talents na ipapakita namin. Ang talent na ipakikita ko po ay singing. Pina-practice na po ako ng mommy Deza ko now sa pagkanta. Excited na po ako sa gaganapin naming presentation."

Dapat ay July 26 gaganapin ang special event na Mr. & Ms. AMABE Nutrition. Pero na-move ito sa Monday, August 1. Iba-blog din namen ang mga pictures doon ni Denise very soon.

As of now, tapos na ang padamihan ng LIKES sa FB post sa mga contestants ng Mr. & Ms. AMABE. At nag-number One doon si Denise sa padamihan ng LIKES. WOW!!! Tuwang-tuwa nga ang Mommy Deza niya at Papa Alex Vivero dahil number one na ang kanilang anak.

"Masaya po ako at number one na ako sa dami ng Likes, tito Robert", muling sabi pa ni Denise. "I owe it to my mom Deza kasi grabe ang suporta niya sa akin. Tinawagan po ni mommy Deza ko ang lahat ng friends niya para i-like ang picture ko sa FB link ng Mr. & Ms. AMABE. At nagpapasalamat po ako sa lahat ng nag-LIKES"

Ang idol ni Denise sa mga artista ay si Liza Soberano. Sa lalaki naman, si Enrique Gil ang crush ni Denise. 

Paano naman ide-describe ni Denise ang mommy Deza niya?

"My mom is pretty, awesome, kind and supportive", sagot ni Denise.

Eh, ang daddy Alex niya?

"Si daddy Alex ko po ay strict pero mabait naman."

Ang pangalan ng pet dog ni Denise ay Cody. Everyday ay nilalaro niya ito at inaakap.

"He is very protetive and lovalble", description pa ni Denise sa pet dog niya.

More power sa iyo, Denise Vivero!



(sinulat ni robert silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...