"KANSER 2017: THE NOVEL": KINASASABIKAN NA!!!!


JOEL MOLINA AS IBARRA: SEXIER, BOLDER!



Nakakaloka ang dami ng blog views na kapo-post pa lang naming bagong artikulo ukol sa KANSER 2017: THE NOVEL. Wala pa itong isang oras a viral world, nag-trending na agad sadami ng views. It only means, kinasasabikan na talaga ng mga bagong batch ng mga disciplined students na mapanood na ang bagong millenial version ng klasikong dulang KANSER, na hango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

"May dalawang millenial characters kasi akong dinagdag sa dula, and playwright Jomar Fleras gave me naman the permission", nasabi ni direk Frannie sa isang blogger in a casual na kuwentuhan."Yung isa, character ni Norman Penaflorinda na isang taga-awit sa dula at lalabas siya tuwing intermission numbers. At yung isa naman, updated na character ni Pilosopong Tasyo na moderno at maka-millenial. Maraming mga millenial students ang matutuwa sa ibang interpretasyon ng character na gagawin ko sa kanila.Pero hindi ko pa puwedeng mai-reveal ngayon."

Ibang attack din sa character ni Crisostomo Ibarra ang naiisip na gawin ni Joel Molina, ang aktor na gumaganap ngayon sa nasabing klasikong karakter na Ibarra. Tipong daring, sexy, and revealing! Sa isang eksena ng dula,magi-strip ng polo shirt si Ibarra at maghuhubad from the waist-up. Eh,napakaganda pa mandin ng katawan nitong si Joel, F.Y.I.!


DIREK FRANNIE WITH HIS STAGE MANAGER JAYSON B.AND FRIEND SARAH MARIA

THE GANTIMPALA THEATER FOUNDATION "INSIDERS"

MARIA CLARA AND IBARRA REHEARSES FOR A SCENE





"Mapusok si Ibarra at mapangahas", sabi ni direk Frannie."'Yun lang naman ang nais naming maipakita. Yung paghuhubad niya ng damit, ay dala lamang ng galit at paghihimagsik ng damdamin niya."

Nu'ng taong 2014, three years ago, ay nagampanan na ni Joel sa dulang Kanser din ang papel na Ibarra. At napaka-convincing niya as Ibarra. Para sa isang blogger- siya ang pinaka-realistic na Ibarra!

Anyway, sa September 2 ay may Press Night ang dulang Kanser 2017: The Novel sa AFP Theater sa ganap na alas-tres ng  hapon.

Kinasasabikan na kasi ng lahat ang bago na namang bersyon ng dulang ito.

Nanalo na rin si direk Frannie Zamora ng Best Director for a Musical Play sa Aliw Awards two years ago para sa dulang Kanser: TheMusical, beating the likes of  Chris Millado and Vince Tanada. Malamang sa taong ito, hindi malabong mangyari ulit yun.

Kaya panoorinang dulang "KANSER 2017:THE NOVEL"!!!!



(Sinulat ni Robert Silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...