rein clarenze bedania: ang maja salvador ng face of the year 2018...

rein in a "MAJA SALVADOR" peg/pose

rein: natural beauty

rein on the ramp





Isa siya sa pinakabatang mga babaeng kandidata sa FACE OF THE YEAR 2018. At isa rin siya sa mga pala-ngiti, may magandang P.R. at very sweet kung makitungo. Kaya naman, gustong-gusto rin namin ang female candidate na ito. Plus the fact na very natural din ang ways and manners niya na well-bred talaga.

Pero ang mas higit na kapansin-pansin kay Rein, ang malaking pagkakahawig niya sa TV actress na si Maja Salvador na mas kilala na ngayon bilang 'Wildflower'. Lalo na kapag naka-make-up na siya in a 'Lily Cruz' peg or imitation, kamukhang-kamukha niya talaga si Maja.

Her name is Rein Clarenze Bedania, only 16 years old and stands 5'6" tall. Her hobbies are dancing and cooking. Pagdating sa cooking, specialty niya ang mga lutong Chicken Curry at Binagoongang Manok.

"I am born under the zodiac sign of Cancer po", sabi pa ni Rein. "And bilang isang Cancerian, I describe myself as a sensitive person, at matampuhin pero mapagmahal."

Aksidente lang din ang pagkakasali ni Rein sa FACE OF THE YEAR. Nakita siya minsan ng Talent Coordinator na si Jayson Corpin Alavera sa isang event sa school nila at inaya siya nitong sumali sa FOTY.

"Sabi ko po sa sarili ko nu'ng alukin ako ni Jayson, why not try?", dugtong na sabi ni Rein. "Wala namang mawawala kung ita-try ko. For me po, it's a grand opportunity, to be able to land as one of the official candidates of Face of the Year."

Ang ideal guy para kay Rein ay 'yung- Rresponsible, matangkad at mabait."

Ang crush naman niya ay si James Reid, at ang idol niya sa mga babaeng artista ay si Gabby Garcia, kasi sabi niya- "Napaka-simple niya."

Nang tanungin namin si Rein kung ano ang description niya sa LOVE, heto ang huli niyang sagot:

"Love is an addiction", sey ni Rein. "Hindi mo mapigilan ang damdamin mo kapag mahal mo 'yung tao. Gagawin mo ang lahat sa kanya, pero in the end, lolokohin ka lang pala. 'Yun ang masakit du'n."

Anyway, bata pa naman si rein. Matatagpuan rin niya ang True Love balang araw.




(sinulat ni robert silverio)

REIN WITH HER EX-LOVE??


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...