ultra marathon runner: robinson andres joins the 65km run from manila city hall to sierra madre mountains...

robin practices his 65k run at manila city hall to sierra madre

"I have already secured my race bib number this afternoon for the 65km Manila City Hall to Sierra Madre Ultramarathon 2016 tomorrow evening (December 17) ... may the Lord God protect and guide us from danger and evil So, good luck to all of us participants and hope to see you there at the starting line..."---- ROBINSON ANDRES

ISA LAMANG ITO SA MARAMING SINALIHAN NANG MARATHON RUNS NG ULTRA-MARATHONER RUNNER NAMING KAIBIGAN NA SI ROBINSON ANDRES. NAPAKARAMI NA NIYANG MEDALS AND TROPHIES PAGDATING SA MGA LARANGAN NG PAGTAKBO AT MARATHON. KAHANGA-HANGA TALAGA SIYA. TO THINK, HE'S NOW IN HIS LATE-50'S (58 YEARS OLD NA PO SI ROBIN), HA. PINATUNAYAN LAMANG NIYA SA LAHAT NA AGE DOESN'T MATTER TALAGA. BASTA MAY PASSION KA AT DEDIKASYON SA GINAGAWA MO, YOU COULD REALLY DO GREAT THINGS IN LIFE!

PROUD KAMI SA IYO, ROBINSON. A 65-KILOMETER RUN IS NAKAKA-NERBYOS, HA. PERO DAHIL ALAM NAMING KAYANG-KAYA MO 'YAN, ALL WE CAN SAY IS- "GO FOR GOLD!"

CONGRATS, ROBIN!!!

(written by robert silverio)



"ROBIN: NUMBER 99"




ROBIN ALSO FINISHES A 18K RUN RECENTLY AT SIERRA...

ROBIN'S MEDALS COLLECTION IN RUNNING FOR A TOTAL OF 139 TO DATE IN DIFFERENT DISTANCES LIKE 3KM, 5KM, 10KM, 15KM, 16KM, 21KM, 22.6KM, 24KM, 25KM, 32KM, 34KM, 42KM INCLUDING ULTRAMARATHONS (50KM, 60KM, 65KM & 80KM) AND ULTRATRAIL MARATHONS (50KM)..



si michael pangilinan, at ang dulang "maynila: sa mga kuko ng liwanag"...


michael: carefree kid no more

michael: the hesitant actor

michael bares... his talent and his soul in "maynila: sa mga kuko ng liwanag" (play version)


young bembol rocco in "maynila: sa mga kuko ng liwanag"


Early this year pa lamang ay nalaman o nahulinigan na namin ang proyektong ito. Na tunay naman naming ikinagalak at ikinatuwa. Kay direk Frannie Zamora, isa sa mga respetadong direktor ng teatro sa Gantimpala Theater Foundation, una naming nalaman ang balitang ito. Pero sabi ni direk Frannie nuon sa amin, tahimik na lang muna at huwag ipagkalat ang proyektong dula na iyon na kung saan ay muli daw nilang kukunin ang serbisyo ni Michael Pangilinan bilang bidang aktor doon at ang magdidirek ng dula ay walang iba kundi si Joel Lamangan, ang mismong Artistic Director ng Gantimpala.

Opo, ito ang proyektong Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag (The Musical). Bale pagsasa-dula iyon ng klasikong pelikula ni Lino Brocaka (isang National Artist for Film na yumao nuong Dekada 1980's). Isang napakagandang proyekto, na hindi man natin masasabing komersyal ang dating (dahil karamihan sa mga Young Millenials ngayon ay hindi na alam ang klasikong pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag), makapagdudulot naman ng kakaibang sigla at lalim sa muli, sa mundo ng teatro at pagtatanghal.

Naaalala pa namin, nuong mabanggit namin ito kay Jobert Sucaldito early this year, naging tuliro agad ang isipan at diwa ng pamosong manager na iyon ni Michael Pangilinan. Sabi pa ni Jobert nuon sa blogger na ito:

"Naku, Robert, ang hirap gawin niyan, hindi ko agad masasabi sa iyo kung kaya namin ni Micahel na gawin iyan!", sabi pa ni Jobert nuon na tila umaarte lang sa aming harapan. "Pero flattered ako at si Michael ang gusto nila para diyan. But I can not commit at this point in time. Michael is fully-booked until the year 2017!"

But that was early this year pa of 2016. Along the way, a lot of things have changed. At tila umubra ang kakaibang "convincing power" ni direk Joel Lamangan (sino ba naman ang hindi tatanggi sa magaling na direktor na ito?) para sa mga taong involved sa career ni Michael. Kaya naman nu'ng matagal naming makatabi at makapiling si direk Joel sa Full Force concert ng Gantimpala sa The Library, month of October this year, sinugurado na ni direk Joel sa amin na tuloy na ang dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, at nag-commit na rin daw sa kanya si Michael Pangilinan.

"Oo, Robert, tuloy na tuloy na talaga ang Maynila", sinigurado iyon sa amin ni direk Joel. "Yan ang next project na gagawin ko sa Gantimpala. At si Michael Pangilinan talaga ang first and last choice ko para gumanap sa papel ni Bembol Rocco sa klasikong pelikula na iyon na gagawin kong isang musical play this time."

Tailor-made daw kasi para kay Michael ang role nung bidang lalaki roon. Walang iba pa na puwedeng gumanap roon, aside from Michael and Bembol Rocco (we mean, the young Bembol Rocco).

Nang makausap naman ng isang blogger si Michael sa nagdaang birthday concert niya sa Rajah Sulayman Park, tila nakitaan ng nerbyos si Michael.

"Kinakabahan po ako, first time akong maidi-direk ni Joel Lamangan, kaya talagang nakaka-nerbyos po!", sabi ni Michael sa blogger na iyon. "Sa totoo lang po, ayaw ko na sanang gumanap pang muli sa isang stage play dahil mas at home ako bilang isang singer lang, pero si Nanay Jobert, hindi raw niya matanggihan sina direk Joel at ang Gantimpala. Kaya sige po, gagalingan ko na lang and I hope, I won't fail their expectations."

Abangan na lang natin ang mga susunod pang kabanata. Michael Pangilinan always offers us great surprises. Hindi ba?


(sinulat ni robert manuguid silverio)



PAGMAMAHAL, PAGKAKAISA, PAGHANGA AT PAGKALINGA... SA GABI NG CHRISTMAS PARTY NG TEAM GERALD!





Apat na taon na mula ngayon, isang ordinaryong nilalang na ang nakasaksi ng lahat. Kung gaano kamahal ng TEAM GERALD ang isang singer-actor in person of Gerald Santos...

Apat na taon na mula ngayon, naging kaparte na ang ordinaryong nilalang na iyon sa kanilang pamilya. Nakisaya, nakiluha, nakisali sa mga palaro, naki-yakap sa kanilang IDOLO...

Apat na taon na mula ngayon, naramdaman na ng ordinaryong nilalang na iyon ang pagtanggap, pagmamahal, pagkakaisa, paghanga at pagkalinga. Mula sa kanila. At mula rin sa isang binatang nagngangalang RALD.

Apat na taon na mula ngayon, tuwing magpa-Pasko, nabubuo ang mga pangarap niya, lumiligaya siya sa simpleng okasyon na iyon, nagiging kumpleto ang kaluluwa ng Kapaskuhan sa kanya.

Sa isang napaka-simpleng okasyon na punong-puno nga PAGIBIG,. Sa isang simpleng Christmas Party ng mga tagahanga ni Gerald Santos. Taon-taon, mula noon.... hanggang ngayon.

Ang bawat tao ay may mga simpleng pangarap at "wishes" lamang. Mga simpleng hiling na kapag natupad, ay, masasabi niyang kay ganda nga ng mundo. Kumukuti-kutitap.... At nabubuhay muli ang sigla at lakas para lumaban.

Isang grupo ng mga tao ang tumanggap sa kanya, apat na taon na mula ngayon. At sapat na iyon para lumigaya siya.

At sa taong ito, mas lalong naging emosyonal ang lahat, as they all shared their own personal experiences kung paano nila minahal ang isang Gerald Santos.

 Si Ernani de Lima, panay na ang iyak sa umpisa pa lamang ng programa. At tanging siya lamang ang nakapagdala ng mga litrato ni Rald na nasa loob ng kanyang wallet. Tunay ngang mahal niya si Rald.

Si Madamme Sulit Chef, nakupo, talagang napatili pa ng ubod ng lakas nu'ng ikuwento niya na nu'ng malaman niyang si Gerald Santos pala ang bida sa play na panonoorin nila, mula sa imbitasyon ng dating guro ni Gerald sa eskuwelahan, talagang napalundag siya sa sobrang tuwa.

Si Raul Car Uri, pinalakpan ng husto ng lahat ng TEAM GERALD members dahil sa napakaganda niyang mensahe para kay Rald. Sinabi niyang tila isang anghel si Rald, at makikita sa mukha nito ang napakagandang aura at katotohanan...

Si Nanay Bebot, na mula't sapul pa, ay nariyan na para sa buong Team Gerald. Bubusisiin kung sapat ba ang handa nila sa party, kung ano pa ba ang mga kailangan, at malalapitan sa oras ng kagipitan. Siya din kasi ang tumatayong Nanay ng lahat, since siya ang Pangulo ng Team Gerald.

Si Nanay Sally, na laging game na game sa lahat ng parlor games. Laging nagpapasaya at nagpapa-kuwela sa lahat. Napaka-totoong tao, na walang bahid ng kaplastikan sa katawan.

Si Lhynne, na magmula pa noon, wala nang sawa sa pagkuha ng mga litrato kay Rald, at sa pag-upload ng mga videos ni Rald sa mga events nito, na siyang naging daan tuloy upang matuklasan si Rald worldwide and internationally dahil maraming nakakita sa Youtube.Com at sa viral world ng mga vids na iyon ni Rald...

Sina Ate Tess Calayan, Tita Z (Zeny), na laging may mga dalang bonggang mga regalo para sa lahat. Mga regalong tunay mong mapapakinabangan, ite-treasure at mamahalin.

At paano ba malilimutan ng isang ordinaryong nilalang at napakagandang kalooban nina Ate Maritess Soguilon at ng manager ni Rald mismo na si Kuya Cocoy Ramilo? Nariyang ipagbalot pa ni Ate maritess ng ulam na handa ang nilalang na iyon, laging nag-iistima at nag-aasikaso, at, hinding-hindi ka pababayaan. Si Kuya Cocoy naman, makikita mo sa kanyang mukha na halos mapaiyak na siya sa tuwing program proper na. Kinokontrol lang niya ang mga luha niya. Pero damang-dama niya ang pagkakaisa at pagmamahalan ng lahat ng mga taong naroon.

Ito nga siguro ang hinahanap ng isang ordinaryong nilalang na iyon. Ang tunay na SAMAHAN. Isang samahan na may mga simpleng hangarin lamang at taos-pusong pagmamalasakit sa kanilang idolo at minamahal na kaibigan- si RALD.

Sa grupong ito ay nakita niya ang simple at banayad na samahan. At wala na rin siguro siyang mahihiling pa.

May iba rin namang grupo at mga ka-TROPS ang isang nilalang na iyon. At umaasa siyang ang lahat ay maaayos na. Dahil alam naman niyang nagmamalasakit din naman sa kanya ang iba pa niyang mga ka-grupo.

Pero buti na lang at may isang TEAM GERALD na nagbigay ng pagkakataon sa kanya na mapatunayan sa lahat na sinsero naman siya bilang isang KASAMAHAN at KA-"TROPS".

SALAMAT, TEAM GERALD SA ISA NA NAMANG SIMPLENG GABI NG KALIGAYAHAN AT PAGASA.


SA PILING NI GERALD SANTOS.

Sa nagdaang 2016 Christmas Party ng TEAM GERALD.


(sinulat ni robert manuguid silverio)


PHOTOS COURTESY OF MR. GERALD SANTOS






ANG "AWIT NA PAGHAHANGAD" AY... AWITIN KO AT AWITIN NATING LAHAT






SA BUHAY NG TAO, NAKAPAGTATAKA KUNG BAKIT ANG MGA TAONG BUO ANG PAGMAMAHAL ANG SIYA PANG NABIBIGO SA LARO NG PAGIBIG. KUNG BAKIT ANG MGA PINAGBUKLOD NG TADHANA, ANG SIYA PANG NAGHIHIWALAY. KUNG BAKIT ANG MGA TAONG MAY SIGLA AT PERPEKTONG PAGTINGIN SA BUHAY ANG SIYA PANG NAMAMATAY.

SADYANG LAGING MAY KAKULANGAN ANG LAHAT. HINDI PERPEKTO ANG BUHAY NA ITO. KAILANGAN MONG MAY MAISAKRIPISYO, UPANG MABUHAY.

ANG TAO AY LAGING NAUUHAW. DAHIL SA SOBRANG MGA GAWAIN NIYA, NALILIMUTAN NA RIN NIYA MINSAN ANG SARILI NIYA. AT SA KAIBUTURAN NG KANYANG PUSO, HAHANAPIN AT HAHANAPIN PA RIN NIYA ANG KANYANG KALIGAYAHAN.

MAAARING SOBRA-SOBRA PA NGA ANG NAIBIGAY SA KANYA. KAYA TULOY SIYA ANG LAGING NAKIKITA. ANG ISANG PUTING PAPEL, KAPAG NILAGYAN MO NG ISANG ITIM NA TULDOK, HINDI NA IYON MAGIGING GANAP NA PUTING PAPEL HABAMBUHAY.

KAPITAN LANG NATIN ANG DIYOS NA LUMIKHA SA ATING LAHAT. MAGING BUO ANG ATING PANANALIG- MAS MATIBAY SA MGA BUNDOK AT MAS MAALON SA TINDI NG PAGMAMAHAL.

SA BANDANG HULI, ANG PUSO PA RIN NATIN ANG MANANAIG, DAHIL IYON ANG MAGPAPASAYA NG HIGIT SA ATING PAGIGING ISANG NILALANG.

SALAMAT PO. AT MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT.



MULA KAY ROBERT MANUGUID SILVERIO







CLOSE-UP: JAO VIOLA, THE PINOY BOY BAND SUPERSTAR FINALIST



JAO: THE ROAD IS BRIGHT!



JAO (second from left), with blogger robert silverio, manager martin bellosillo, actor nikki co and writer throy catan

Magdagdag ng caption


Tunay ka. Mahal na mahal namin ang Elites Model at finalist ng Pinoy Boy Band Superstar na walang iba kundi si Jao Viola. Ever since ay gustong-gusto na namin ang batang ito- pala-ngiti, charming, mabait, thoughtful at very sweet kung makisama. Kaya naman nuong napanood namin siya bilang isa sa mga contestants ng Pinoy Boy Band Superstar ay halos mapalundag kami sa tuwa, lalo na nuong mapasama siya as among the Top 25 Finalists! Napakabait kasing bata kaya naman hayan at sinusuwerte siya ngayon.

Bigla tuloy nag-flashback iyong mga days na bagong-bago pa lang si Jao sa Elites Model Management ni dad Martin Bellosillo. Nariyang mag-swimming kami kasama ang bagets na ito sa isang out-of-town event, makita siya sa mga pictorial sessions niya, at rumampa na din siya bilang isang modelo sa concert ng Philippine Stagers Foundation sa Araneta Coliseum kung saan naging guest ang Elites models, and that was only two years ago.

Sa isang event ng The Elites, muli naming nakita si Jao at nakapanayam. At naitanong namin sa kanya kung ano'ng masasabi niya sa naging karanasan niya sa pagkakasali niya sa Pinoy Boy Band.

"Sa una po, mahirap, pero sa kalaunan ay talagang nag-enjoy na po ako", bungad na sagot ni Jao sa amin. "Ang pinaka-nagustuhan ko po ay yung pakikisama ko sa mga fellow Boy Band aspirants ko. At nung mapasama naman ako sa Top 40, naku, iyon na yata ang pinakamasayang sandali ng buhay ko."

Nag-land si Jao hanggang sa Top 25. Pero naalis na siya after that. Pero okey lang kay Jao.

"Alam ko naman kasing kulang pa ang ability ko sa pagkanta", very humble pang nasabi ni Jao. "Pero tuloy pa rin ang buhay ko after Pinoy Boy Band. Kinuha na po ako ngayon ng Star Magic, at may mga plano din po sa akin ang manager ko sa Elites na si dad Martin."

Ang gustong sundan ni Jao na mga yapak ay ang mga naging yapak nina Michael Pangilinan at Jay-R.

"Pareho po kasi silang R&B singers, and I can identify myself as a R&B singer, too", sey pa ni Jao. "One Sem na lang po ang tatapusin ko gayon sa pag-aaral ko, kaya naka-focus muna ako dito. pero after that, itutuloy-tuloy ko na ang pagpasok ko sa mundo ng pagkanta."

May mga nakalaan nang mga proyekto para kay Jao ngayon, pero hindi nagmamadali ang manager niya. Basta ang mahalaga, maraming nagsasabi na maliwanag ang daan patungo sa kasikatan sa isang Jao Viola.

Need we say more?


(sinulat ni robert manuguid silverio)


Pink Festival Trio ng Philippine Stagers Foundation sa darating na mga buwan ng Pebrero at Marso....

VINCE TANADA BEING INTERVIEWED BY MEDIA PEOPLE AT THE TEASER-SHOWING OF HIS PINK FESTIVAL TRIO & OFFICE BLESSING RECENTLY.


Nu'ng magkaroon ng office-blessing si direk Vince Tanada kamakailan lang ng kanyang sariling Tanada Law Firm (inilipat na niya ito from Ortigas to their area in Balic, Balic, Sampaloc), nagpalabas siya ng teasers sa dalawang 30-minute plays na isasali niya sa darating na Pink Festival Trio ng Philippine Stagers Foundation. Idadaos ito sa mga buwan ng Pebrero at Marso sa Power Mac sa Circuit, Makati.

Mga piling-piling media people ang nakapanood nu'ng dalawang dulang may LGBT-themes. Meaning, may kabaklaan at ka-tomboyan. Yung isa pang dula- na may pamagat na "BBB" ay hindi naihabol nuong gabi na iyon para maitanghal dahil hindi pa nila na-rehearse. Pero ang mga dulang "Babasagin" at "Dilaw O Pula" ay naitanghal nu'ng gabi na iyon, before the office-blessing happened. Nagmamadali na kasi ang ilang mga media people that night kaya pinalabas na muna ang mga mini-plays bago nagkaroon ng blessing sa opisina.

At tunay namang namangha ang mga taong nakapanood sa dalawang mini-plays. Lalo na ang mga media people na sina Anne Venancio, Throy Catan at Nonie Nicasio. Hindi nila lahat akalain na ganu'n kay gaganda nung mga LGBT-themed plays ni Vince.

"This is a special project for me, a break from my usual plays na kalimita'y mga estudyante ang mga manonood ko", nawika pa ni Vince sa isang blogger-friend niya. "This time, adult audience naman ang ike-cater namin sa aming darating na Pink Festival Trio. The more matured audience, I mean. Medyo sosyal this time para maiba naman."

Naloka din ang ilang media people nung malaman nilang napaka-expensive pala nung venue ng Pink festival Trio nina Vince. Mahal daw kasi to the max ang Power Mac in Circuit, Makati (the venue). Kaya ambitious project din itong maituturing.

Indeed, Philippine Stagers Foundation is soaring higher for more.


(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS BY MR. VINO ORIARTE (official photographer of Philippine Stagers Foundation)










direk frannie zamora at lance raymundo, distant relatives pala!


DIREK FRANNIE AND LANCE'S TEAM ON HIS UPCOMING CONCERT!

DIREK FRANNIE WITH LANCE AND THE OTHER PEOPLE INVOLVED IN THEIR NEXT CONCERT VENTURE

DIREK FRANNIE: KAMAG-ANAK PALA SI LANCE!

DIREK FRANNIE WITH (L to R): ANDREW DE REAL, GERALD SANTOS, JUN PABLO, ROBERT SILVERIO & MS. PILAR MATEO


Sa isa sa mga naunang meetings nina direk Frannie Zamora at actor-singer Lance Raymundo, ay unang naging curious si Lance kung mga taga-saang lugar ba ang mga Zamora side ni direk Frannie. Sinabi naman ni direk Frannie ang probinsya nila, pero aniya pa, nasa Amerika na ang natitira nilang mga kamag-anak. Basta ang natatandaan lang daw ni direk Frannie, kamag-anak din nila ang mga Zamora sa San Juan. Iyon ang naaalala niyang nasabi sa kanya ng kanyang ina.

Nagulat si Lance. Kasi, ang mga Zamora na taga-San Juan ay mga buong kamag-anak din nina Lance, ng mga Raymundo sa Sa San Juan din. So it means, kung kamag-anak nina direk Frannie Zamora ang mga Zamoras ng San Juan, na kamag-anak din nina Lance, aba naman, eh di magkakamag-anak nga silang lahat!

"Ang liit talaga ng mundo, 'no?", nawika pa ni direk Frannie sa kaibigan niyang blogger. "Iilan lang kasi din ang mga Zamora dito sa Pilipinas. Kaya hindi naman malabong maging magkakamag-anak kaming lahat. pero happy ako talaga dahil hindi ko inaasahang relative ko pala si Lance!"

Kaya pala malapit ang loob ni direk Frannie kay Lance, na ididirek niya sa nalalapit na konsiyertong pinamagatan niyang- "My Music, Body and Soul... Lance". Ang playdate ng concert na ito ay sa February 8 next year at gaganapin sa The Library Music bar ni Andrew de Real.

May temang kaseksihan ang concert, at may special participation pa nga sa concert na ito ang Gym Buddies mismo ni Lance in one very sexy production number na kung saan ay ipakikita nilang lahat ang mga abs and muscles nila. Parang "In The Navy" na dating. O, di ba?

Marami pang nai-reveal sa amin si direk Frannie about the concept ng konsiyerto ni Lance, pero sorry na lang, it's too early to write about them now. Basta suspense muna. Magkakaroon naman ng major press conference ang concert na ito very soon, maybe two weeks before the actual date of the concert.

Ang isang magandang bagay sa concert na ito, mismong si Lance ang nagsabing ito ay For The Benefit of Gantimpala Theater Foundation. Kaya half of the proceeds ay mapupunta mismo sa gantimpala na isa nang institusyon sa mundo ng Teatro. Naging kaparte kasi si lance ng Gantimpala nuong lumabas siya sa play na Romeo & Juliet na naging longest-running play ng Gantimpala up to this time.

"Napakabait ni Lance, kaya masaya ako na ako ang napili niyang direktor sa concert na ito", pagtatapos na wika ni direk Frannie. "Ang gagawin namin ay isang Artsy-Artsy concert, hindi basta concert lang. Kaya abangan nilang lahat!"

Basta direk Frannie, bow kami.


(sinulat ni robert manuguid silverio)

LANCE IN A SEXY CONCERT, DIRECTED BY FRANNIE ZAMORA



the TEAM GERALD SANTOS christmas party!!!




Bago natin bigyang-pugay ang nalalapit na TEAM GERALD SANTOS Christmas Party, ay mayroon muna tayong very special announcement na isa ring napakahalagang pangyayari sa singing career ni Gerlad Santos. Basahin po sa ibaba:

ANNOUNCEMENT: Gerald Santos will take part in the World Culture Section of SAARANG FESTIVAL 2017 in Chennai, India (.January 4-8, 2017 ), one of the biggest festivals in India.. He was chosen by the organizers being "one of the top performers in the Philippines!". He will do a one-hour performance for the students in India and will showcase his world class talent to the people of India and other international citizens! The NCCA is supporting Gerald's participation in this annual event! GO MAKE OUR COUNTRY PROUD GERALD!

More or less, 15,000 to 30, 000 students from India ang manonood sa Pestibal na iyan. Kaya naman isang malaking karangalan ang ibibigay ni Gerald sa Pilipinas, being the FINALE performer of that prestigious Festival in India! Proud talaga kami sa iyo, Gerald! So there.



Anyway, sa daring na Disyembre 15 naman, idadaos ang TEAM GERALD SANTOS annual Chrsitmas Party. Naging tradisyon na ito sa parte ng manager ni Gerald na si Cocoy Ramilo na magdaos ng Christmas Party para sa mga avid supporters at fans ni Gerald. Dito kasi nakakapiling ng mga fans ni Gerald ang kanilang idolo ng lubusan. May mga games, raffle prizes at marami pang mga program numbers ang mangyayari. Kaya tiyak niyan, ngayon pa lang ay hindi na magkanda-ugaga ang seksing secretary ni Gerald na si Maritess Soguilon sa pago-organize ng Christmas Party na ito.

"We will make it the most memorable Christmas Party ever!", sabi pa ni Cocoy Ramilo, Gerald's manager. "Lahat ay magiging masaya at walang uuwing luhaan pagdating sa mga regalo."

May nai-reveal pa sa amin ang manager ni Gerald na si Kuya Cocoy, at ito ay malalaman ng mga fans niya sa padating na Christmas Party nila. Pero ayaw pang ipasulat ito ni Kuya Cocoy. Lihim muna. Pero napakagandang balita nito para sa lahat.

MALIGAYANG PASKO, GERALD AT SA LAHAT NG TEAM GERALD FANS!


(sinulat ni robert manuguid silverio)






SEXY TALKS WITH LANCE....


 
DEFINE SEXY. ... DESCRIBE BEAUTY. ..... SUCCUMB TO YOUR HIDDEN SENSES. ....

In one simple tete-a-tete with actor/singer Lance Raymundo over a cup of coffee, we managed to peek into his inner passions by asking him some very naughty sexy questions in a Q & A format. Lance was very warm and gentle with his answers. He gamely answered all our sexy questions.

But before that, we'd like to announce, that his forthcoming concert- "My Music, Body and Soul.... Lance", on the month of February- this coming year of 2017- is pushing through, all-out! To be directed by an award-winning theater director, in person of Frannie Zamora, and to be held at The Library Music Bar in Maria Orosa St., Malate, Manila, this concert of Lance will totally shock everyone. Because via this concert, Lance's clean-cut image will be totally tarnished by director Frannie, and turn it into an "all-out sensuality of passion". Yes, you read it right. Lance will totally bare himself in this magnificent concert.

In line with the launching of Lance's re-arranged version of the song Love & Fascination, coinciding with Lance's comeback on his singing career- really, the concert is going to be a very memorable one!

So there. Cross-out the date: FEBRUARY 8 at The Library Music Bar.... "My Music, Body and Soul.... Lance!"

Now, here's our sexy talks/Q & A with Lance:




ROBERT:  What is your favorite sleeping position?

LANCE: On my back, flat position.

ROBERT: Do you sleep in the nude?

LANCE: No... Because in my room, it's like so cold. Very, very cold....

ROBERT: What are your usual routines before you sleep?

LANCE: Before sleeping, I check all my social media accounts like Facebook, Instagram & Tweeter. Then, before I put-off the lights, I mean, turn off the lights, I play all my playlist songs with very loud volume music that's good for 8 hours. I sleep with loud music every night, and mostly, the music are fast songs, not the slow ones. So if ever I have a girlfriend, she must be adjusted to the fact that I sleep with loud music on my room.

ROBERT: What's the sexiest thing about you, Lance?

LANCE: Hindi ko alam. Pag long hair ako, they say they like my long hair... But many girls also praise my eyes and my eye lashes... And they say that I'm a lot of fun, and that what matters the most. I'm never in a bad mood.

ROBERT: Do you love to be cuddled by a woman?

LANCE: Yeah. Always.

ROBERT: What's the sexiest thing that ever happened to you?

LANCE: Gosh.... One time, I had a naked breakfast with a woman. And we're both totally naked in the kitchen!

ROBERT: For you, who's the sexiest woman who ever lived on this planet?

LANCE: Adriana Lina of Victoria's Secret

ROBERT: What's your greatest sexual fantasy, Lance?

LANCE: To make love with all the Victoria's Secret female models at the backstage of a theater while they're performing!

ROBERT: What makes a woman sexy in your eyes?

LANCE: That "Supermodel" Jive!

ROBERT: Last sexy talk, Lance. What turns you on?

LANCE: I like a girl who keeps her mystery. I want her to forever deep and unexplored. Who keeps her mysterious distance, and not giving-in herself much.


---- end of interview----

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...