rhommel bernardo, panlaban ang acting sa short film na "PATAWAD"...
Nagsimula si Rhommel Bernardo bilang isa sa mga regular mainstays noon ng youth-oriented TV program na That's Entertainment. Kasabayan niya nuon sin Ruffa Guttierez, at iba pa, sa nasabing programa. Madalas siyang maibita nuon sa mga out-of-town shows through the courtesy of movie scribe na si Jhun Bombay. Pero sa pagdaloy ng panahon, napunta naman sa mundo ng teatro si Rhommel, hanggang sa makilala niya si direk Arnel Felix na laging bida roles na ang binibigay sa kanya sa mga short films na ginagawa nito.
Unang nag-bid si Rhommel sa short film na "Te Amo", which first became an entry sa Gawad Alternatibong Pelikula at Video sa Cinemalaya 2015, which was two years ago. Then this year, kinuha ulit ni direk Arnel si Rhommel para mag-bida naman sa Short Film na Patawad, na entry ule sa Gawad Alternatibong Pelikula at Video sa Cinemalaya 2017. Mapapanood o i-i-screen ang nasabing short film sa Agosto 6, sa ganap na 12:30 pm sa Cinemalaya.
"Challenging sa akin ang role ko duon sa pelikulang yun", sabi ni Rhommel. "It requires less dialogue pero more on acting and emoting. Kaya medyo mahirap gawin. Inisip ko na lang, paano kung sa akin nangyari ang ganu'ng sitwasyon? Inilagay ko sa sarili ko yung sitwasyon nung lalaking bida na karakter doon sa short film. Na parang totoong sitwasyon talaga. Salamat naman at nagawa ko. Sa tulong na rin ni direk Arnel."
Doon kasi sa Patawad short film, papel ng isang lalaking magiging disabled ang ginampanan ni Rhommel. Nung pakasalan niya ang babae, hindi pa siya disabled, pero nung kinalaunana, naging disabled na siya at doon na siya sinimulang api-apihin nung babaeng asawa niya. Nakakaiyak ang mga eksena ni Rhommel sa movie.
"Kaya salamat naman at nagustuhan ng marami", wika pa ni Rhommel. "Excited nga ako't ipapalabas ang short film namin sa Cinemalaya."
Ano naman ang masasabi ni Rhommel kay direk Arnel?
"Sobrang professional siya at maayos sa pakikipag-usap", sagot ni Rhommel. "Mabait din siyang tao. Hindi lang basta director-actor ang relationship namen. More on friendship din ang samahan namin
"Malaki rin ang naituro sa akin ni direk Arnel pagdating sa tamang pag-arte sa harap ng kamera", dugtong ni Rhommel. "Mas sanay kasi ako sa pag-=arte sa harap ng entablado, eh. Kaya tinuruan ako ni direk Arnel ng tamang kilos at galaw sa harap ng kamera. Malaking tulong iyon para sa akin."
Matipuno, moreno, matangkad. Kalimitan sa mga nagiging papel ni Rhommel sa mga pelikula ay killer, pulis, rapist, politiko.... Pawang mga character roles. Pero sa totoo lang, puwedeng-puwede rin siyang maging bida.
"kaya sana, mapansin pa ako ng husto sa short film naming Patawad", pagtatapos na sabi ni Rhommel. "Ito na yata ang pinaka-challenging na papel na nagampanan ko!"
(sinulat ni robert silverio)
https://youtu.be/3Tn2eRTx3eM (link of PATAWAD short film at youtube.com)
Mga etiketa:
rhommel bernardo

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!
SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...

-
(BLOGGER's NOTE: Heto pa ang dalawang lovely female candidates ng FACE OF THE YEAR 2018. And their names are LIZA CARILLO and MARRIE G...
-
rein in a "MAJA SALVADOR" peg/pose rein: natural beauty rein on the ramp Isa siya sa pinakabatang mga babae...
-
IN A WORLD FULL OF LIES, YOU CAN ONLY CLING ON THE CALMING EFFECTS OF BEAUTY... IN A HEART FULL OF LOVE, YOU CAN ONLY WAIT UNTI...
-
derek: kinukumbinse na magbalik-pelikula derek with wife Joan michelle (derek's daughter), derek, joan derek: malakas p...
-
INTERNATIONALLY-RENOWNED PAINTER RAFAEL CUSI SHOWS-OFF HIS LATEST WORK a younger cusi Sobra ang pagkamangha ng high-fashi...
-
jan andrei: young filmaker "THE SLUMS" BY JAN ANDREI COBEY SHORT FEATURE CATEGORY LOGLINE: A documentary team progressively interv...
-
jude matthew servilla: a sparkling actor! (FOREWORD FROM BLOGGER ROBERT: "IT'S SO NICE TO KNOW THAT ARTIST PLAYGROUND GO...
-
carlos castelo: artistahin pa rin ang dating carlos: ang kinis! carlos minus the beard carlos: grabe ang sex appeal c...
-
mrs. nina zaldua-raymundo with son lance raymundo mrs. raymundo (from top to bottom) with her late husband mr. danilo raymunod (r.i.p...
-
( MTV vid above featuring ABRA is not connected with the film "respeto", f.y.i.--- rs* ) IT'S SO SELDOM TO SEE A F...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento