SI GNG. NINA ZALDUA-RAYMUNDO AT ANG KANYANG ADBOKASIYA PARA KAY MOTHER IGNACIA...

mrs. nina zaldua-raymundo with son lance raymundo

mrs. raymundo (from top to bottom) with her late husband mr. danilo raymunod (r.i.p.), rannie raymundo and other family members

Add captionVENERABLE MOTHER IGNACIA
Sa tuwina, napakaganda ng impresyong iniiwan sa amin ng butihing ina nina Rannie at Lance Raymundo na walang iba kundi si Mrs. Nina Zaldua-Raymundo. At muli niyang napatunayan 'yun sa amin nang makatabi namin siya sa panonood ng Senakulong "Martir Sa Golgota" kamakailan lamang sa Greenfield District na kung saan ang anak niyang si Lance Raymundo ang gumanap sa papel na Hesukristo.

Napakasarap palang kausap ni Mrs. Raymundo, lalo na kapag nag-payo na siya sa iyo, very "motherly" ang dating niya. Mapagmalasakit, maunawain, maistima. Feeling namin, napaka-suwerte namin at hindi na iba ang naging turing sa amin ni Mrs. Raymundo.

"Iho, iwasan mo na ang masyadong sensitibo at emosyonal", sabi pa ni Mrs. Raymundo. "Tapangan mo ang kalooban mo. Manalig ka pa ng higit sa Diyos. Naririto lang ako sa tuwina at sumusubaybay sa inyong mga anak na tinuring ko na."

Nangako naman kami kay Mrs. Raymundo na susundin namin ang kanyang mga payo. But anyway, isa pang kahanga-hangang aspeto sa pagkatao ni Mrs. Raymundo ay ang kanyang adbokasiya para kay Venrable Mother Ignacia, ang Pilipinang madre na nabuhay nuong 19th century at gumawa ng maraming milagro nu'ng kapanahunan nito. 

Nilalakad ngayon ni Mrs. Raymundo, kasama ang iba pang RVM Sisters na ma-beatify sa Roma si Mother Ignacia balang araw bilang isang ganap na Santa. Venerable na kasi si Mother Ignacia, meaning kandidata na ito sa pagiging isang Santa. Isang milagro na lang ang hinihintay pa, para maaprubahan na sa Vatican City, at kapag naaprubahan na iyon, mabe-beatify na si Mother Ignacia sa Roma.

Magmula nu'ng mawalay si Mrs. Raymundo sa kanyang butihing asawa na si Mr. Danilo H. Raymundo (namatay si Mr. Raymundo nuong huling taon lamang), mas lalo siyang naging dedikado sa mga religious and charity works niya. Lalo ring napalapit sa puso niya ang RVM sisters. Dahil hindi siya iniwan ng mga ito sa ere, lalo na nu'ng yumao ang asawa niya, ang mga ito'y naki-dalamhati sa kanya.

"Nagpapasalamat ako at nagkaroon ako ng napakababait na mga anak sa katauhan nina Lance at Rannie", tanging nasabi na lamang ni Mrs. Raymundo. "They are both my Pride and my Glory. Hanga ako sa mga magagandang bagay na naidulot at naibigay na nila sa showbiz industry. Proud ako to be their mother."

At dapat rin, magpasalamat pareho sina Lance at rannie dahil mayroon silang napakabuting ina sa katauhan ni Mrs. Nina Zaldua-Raymundo!





(sinulat ni robert silverio)
PHOTOS COURTESY OF MRS. NINA RAYMUNDO AND LANCE RAYMUNDO

MRS. RAYMUNDO WITH THE BENEFICIARIES OF HER CHARITY WORKS

MRS. RAYMUNDO WITH THE RVM SISTERS

MRS. RAYMUNDO AND HER CHURCH WARRIORS

RVM SISTERS WITH MRS. RAYMUNDO




ONE OF THE VIDEOS SHOWING MOTHER IGNACI'S MANY MIRACLES



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...