anna luna, best actress sa five continents international film festival!

anna: first best Actress award, sa international fest pa nakuha!

anna: serious actress

anna: without makeup

anna in short hair


Usap-usapan ngayon sa Facebook ang sobrang ganda raw ng pelikulang Changing Partners, na isa sa mga film entries ng Cinema One Fest (which is currently ongoing pa). At kasama sa pelikulang 'yun si Anna Luna, na lumikha ng kakaibang impresyon sa bansang Venezuela dahil siya ang tinanghal na Best Actress para sa pelikulang Ang Maestra na nag-compete sa nasabing pestibal na internasyonal.

Balitang tinalo pa nga ni Anna ang isang sikat na Venezuelan actress doon, at tunay namang umani rin ng mga papuri doon ang nasabing pelikula. 

Kaya timing na timing naman ang showing ng pelikulang Changing Partners ng Cinema One dahil kakapanalo lang ni Anna ng isang prestigious Best Actress award sa Five Continents International Film Festival. Tiyak na marami ngayon ang maku-curious na panoorin naman si Anna ngayon dito sa Cinema One movie niya.

rommel luna


"I am so proud of my daughter!", wika ng daddy ni Anna na si Rommel Luna. "Ito ang kanyang first Best Actress award, at sa isang international film festival pa! Wala talaga akong masabi!"

Marami naman ang nagsasabi, mano-nominate daw muli si Anna sa Changing Partners. Abangan na lang natin.

Goodluck, Anna Luna and Congrats!!!


(sinulat ni robert silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...