"spoken words" ni lance raymundo, pinag-aagawan ng mga kompanya...

lance holds his diet meal at LIVE WELL MEALS
lance with his mom and kuya rannie

lance: perfect singer
Kilala at alam ni Lance Raymundo na ang kanyang Kuya Rannie Raymundo ay nirerespeto, ginagalang at tinitingala sa mundo ng Original Pilipino Music. Ang estado at mga naging achievements na ng kanyang Kuya Rannie ay pawang kakaiba talaga at nagmarka sa mundo ng Musika. At bilang isang singer, wala makaka-kuwestiyon sa magaling at orihinal nitong estilo.

"Kaya naman talagang na-touched ako doon sa mga naging papuri niya sa akin at sa awitin kong Spoken Words sa kanyang Twitter account last week ago", panimulang sabi ni Lance sa isang blogger. "Coming from him, iba talaga ang effect. mas paniniwalaan mo talaga at mas dadamhin. Halos mapaiyak ako sa mga naging papuri.

"Kasi, you see, Robert, Kuya Rannie seldom praises me, bihirang-bihira lang", padugtong na sabi ni Lance. "Madalas, tahimik lang siya, hindi nagsasalita at hindi nagko-komento. At first time niyang gawin ito, na purihin ako publicly- sa isang social networking site pa. He wanna shout to the whole world how proud he was for me. Kaya talagang na-touched ako. I promised to myself, mas lalo ko pang pagbubutihin ngayon ang pag-awit ko."

At napakaganda naman ng pasok ng taong 2019 kay Lance. Maski ba nagluluksa pa rin ang buong Raymundo family sa pagyao ni Mr. Danilo H. Raymundo (Lance's father) nu'ng Oktubre ng nagdaang taon, ginawa nilang hamon ang trahedyang iyon para mas mag-ibayo pa sila sa kanilang mga adhikain sa buhay.

"Alam ko, my dad is guiding me now, nararamdaman ko siya palagi", muling wika ni Lance. "He is now my angel. All he wants for us now is to continue what we're doing."

Pinag-aagawan ngayon ng mga iba't-ibang kompanya ang awiting Spoken Words ni Lance...

"They want the song to be attributed and somehow attached to their products", anya pa ni Lance. "I feel flattered naman somehow dahil pinag-aagawan nila ang kanta. It's all up for Viva Records to decide on that part. Kung saan at kanino nila mas napi-feel na ipa-attribute ang kanta ko, decision na nila iyon. Masaya lang talaga ako ngayon dahil madami ang nagandahan sa kanta ko and the way I delivered the song."

Meanwhile, panay ang ensayo ngayon ni Lance sa Gold's Gym. Target kasi ni Lance na maging extra-fit, slim and sexy sa taong 2019. Yun bang, wala ni katiting na fats sa abs and forms niya physically.

'Kaya todo-ensayo ako ngayon, Rob", pagtatapos na wika ni Lance. "Health is wealth. I also watch my diet a great deal now, thanks for my Live Well meals also for taking care of my diet. As a celebrity, importante talaga sa amin ang kalusugan."

Korek ka diyan, Papa lance.




(sinulat ni robert manuguid silverio)

lance trains hard

lance with his physical trainer culver padilla



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...