inaayos na ngayon ng TEAM ang painting exhibit nila para kay RAFAEL "POPOY" CUSI....

POPOY CUSI: THE MASTER

POPOY CUSI AT WORK

POPOY CUSI SKETCHES A FOREIGNER

A BLOGGER PROUDLY SHOWS MR. CUSI'S LATEST ART WORK

MR. CUSI AND A LADY POSES BESIDE HIS PAINTING

MR. CUSI PAINTS WHILE A BLOGGER POSES ON



Nagkaroon na ng maikling usapan at verbal agreement ang Presidente ng TEAM (The Entertainment Arts Media) press group-, na si Nonie Nicasio at ang internationally-renowned painter na si Rafael "Popoy" Cusi na itutuloy nila ang pinaplano ng isang blogger na solo painting exhibit which will feature Mr. Cusi's latest painting and most popular collection of paintings. Papamagatan nila itong "CUSI MEETS THE STARS".

Dahil sa painting exhibit na iyon, may mga iimbitahing sikat na mga artista ang lahat ng TEAM members, lalo na ang mga artistang nahihilig din sa pagpinta na tulad nina Ian Veneracion, Jao Mapa, Mike Austria, Maria Isabel Lopez, Melanie Marquez, Evangeline Pascual, Melissa Mendez, Renz Tuzon, Bangs Garcia, at marami pang iba.

Si Mr. Popoy Cusi naman mismo ang mag-iimbita sa mga distinguished guests/friends niya na tulad nina Cristy Fermin, Armando Giro ng NECCHA (Nueva Ecija's Council for History, Culture & the Arts, Mrs. Mayvelyn Bote ng Papaya, Nueva Ecija, mga taga- B.I.R., G.S.I.S., at iba pang mga hindi basta-bastang tao na mga kakilala ni Mr. Cusi.

Maski ang mga artistang hindi naman nagpi-pinta pero mga 'Patrons of the Arts' na tulad nina Superstar Nora Aunor, Lance Raymundo, Boy Abunda, Cong. Yul Servo, Aiko Melendez, Jobert Sucaldito, Ogie Diaz, at iba pa, ay nakatakda ring anyayahan ng TEAM members sa okasyon na iyon.

Kaya naman pinamagatan itong "CUSI MEETS THE STARS" ay dahil pawang mga nagkikislapang mga bituin sa Pinilakang Tabing ang makakapiling ng dakilang Pintor sa araw na iyon.

Ilang dekada nang hinangaan sa galing ng pagpinta si Mr. Cusi. Tinagurian din siyang Master Watercolor Painter of the Philippines. Nakapag-publish na rin siya ng sarili niyang coffee-table book, at nakatanggap na ng mga sari-saring mga medals, awards and recognitions all-over the world, lalo na sa Europa.

"Isang malaking karangalan na mabigyan namin ng sarili niyang solo painting exhibit si Mr. Cusi", sabi pa ng isang TEAM member. "Kasi, kaming mga taga-Media, mga artistikong nilalang din naman kami. Hindi lang naman mga tsismis at gossips ang alam namin. Marunong din kaming mag-appreciate sa tunay na kahulugan ng Sining."

Plano din ng TEAM President na si Mr. Nicasio na bigyan ng mga guest painters si Mr. Cusi sa nasabing exhibit na iyon, mga guest painters na magso-showcase din ng mga sariling gawa nila. Inaayos na ngayon ng isang blogger ang venue at project proposal na aaprubahan pareho nina Mr. Nicasio at Mr. Cusi.

Go, go, go, TEAM! Palawakin pa ang tunay na saysay ng media group na ito!





(sinulat ni robert manuguid silverio)
photos taken from mr. cusi's fb page and other various sources at FB.*


A WATERCOLOR ART WORK OF MR. CUSI

AN UNDERGROUND SEA PAINTING BY MR. CUSI

SUPERSTAR NORA AUNOR WITH MR. CUSI

MARIE CUSI, POPOY CUSI & ROBERT SILVERIO

IVAN IRINCO, MR. POPOY CUSI, MS. HILDA ONG AND A FRIEND

LANCE RAYMUNDO, ROBERT SILVERIO & POPOY CUSI

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...