MICHAEL PANGILINAN, ANG PAKIKIPAGLABAN NG ISANG BATANG AMA!
Nakakalungkot naman ang nangyayari ngayon sa personal na buhay ni Michael Pangilinan. Nakakaiyak kung tutuusin. Kung ikaw ay isang AMA, damang-dama mo. May pinaghuhugutan. Totoo ka.
We can feel for Michael. Sino ba namang AMA ang hindi masasaktan ngayon sa ginagawa sa kanya ng ina nu'ng mismong anak niya? Na tila ipinagmamaramot na 'yung bata, at hindi sumusunod sa mga napag-usapan na nilang visitation rights para doon sa bata?
Kaya hayan, idinaan na ngayon ni Michael ang lahat sa 'legal' na pamamaraan. Kinuha na ni Michael ang serbisyo ni Atty. Ferdie Topacio para mapag-usapan na ng maige ang "visitation rights" na hinihingi ni Michael para sa kanyang anak.
Tila yata kasi ayaw na nu'ng 'stepdad' nu'ng bata na makapiling pa nito si Michael. Kaya hayan, makikipaglaban na ng tuluyan ang batang ama - makapiling lamang ang kanyang anak!
Hanga kami kay Michael pagdating sa bagay na ito. Ipinaglalaban lamang niya ang kanyang karapatan bilang tunay na ama nung bata. Kaya sana ay pagbigyan naman siya.
“Hindi puwedeng ang stepdad niya ang magde-decide para sa baby ko. Maayos ang naging usapan namin ni Erin noon pero ni minsan ay hindi siya tumupad. Gusto niya ay dadalhin niya ang bata sa bahay pero iuuwi rin niya agad. Hindi ganoon ang naging usapan namin. Bakit pinahihirapan nila ako sa anak ko?” sambit pa ni Michael nu'ng minsang makaharap nito ang mga kaibigan sa press media.
Isa lang ang naging reaksyon ng manager ni Michael na si Jobert Sucaldito sa mga pangyayaring ito: "HAY, BUHAY.", were the very words that Michael's manager said on his Facebook account.
Oo nga naman.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
This blog site is an expression me, an extension of my artistic skills and a journey together with my friends in the entertainment field.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!
SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...
-
ACTOR ROEDER CAMANAG AS SIMOUN IN "EL FILIBUSTERISMO" AN ARTISTIC SCENE IN "EL FILIBUSTERISMO" ROEDER...
-
(BLOGGER's NOTE: Heto pa ang dalawang lovely female candidates ng FACE OF THE YEAR 2018. And their names are LIZA CARILLO and MARRIE G...
-
leonor rivera: the real-life maria clara "PATAY NA SI MARIA CLARA!", sigaw ni Morris Sevilla (na gumaganap sa karakter...
-
mrs. nina zaldua-raymundo with son lance raymundo mrs. raymundo (from top to bottom) with her late husband mr. danilo raymunod (r.i.p...
-
ENTRIES are now being accepted for the Full-Length Film category of the 2021 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ...
-
lance: something surprising and great coming-up handsome and the beast lance: oh, my. "lance, take me there!" ...
-
Nagsimula si Rhommel Bernardo bilang isa sa mga regular mainstays noon ng youth-oriented TV program na That's Entertainment...
-
"From a Theater of Conflict and Division to a Theater of Peace and Unity: Recontextualizing Komedya through Putri Anak, Isang...
-
"CCP’S PR DIRECTOR RECEIVES AWARD FOR 30-YEAR SERVICE" THE Cultural Center of the Philippines recently awarded its employee ...
-
THE Cultural Center of the Philippines Arthouse Cinema, in cooperation with Society of Filipino Archivists for Film (SOFIA...


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento