"sana, maging magandang ehemplo sa mga kabataan ang naging buhay ni san pedro calungsod!"--- gerald santos

GERALD: BROADWAY BOUND?
GERALD SANTOS AT SAN PEDRO CALUNGSOD: PARANG IISA.

Mahigit dalawang taon nang pino-portray ni Gerald Santos ang papel na San Pedro Calungsod sa musical play na San Pedro Calungsod: The Musical. Kaya naman, pakiramdam ni Gerald, tila ata nasa puso't kaluluwa na niya ang ating ikalawang Pilipinong Santo.

"Napakarami na rin pong performances 'yun", wika pa ni Gerald sa isang blogger. "For more than two years, ako ang gumanap na San Pedro Calungsod. 'Yung iba nga po, Pedro na ang tawag sa akin, lalo na sa mga probinsya. Nakakataba naman po ng puso na sa akin nila nakikita ang imahe ni San Pedro. Pero gusto ko lang malaman nila, hindi ako kasing-bait ni San Pedro! Mabait lang po ako, pero hindi po ako isang Santo. Ha-ha-ha!!"

Dahil daw kay San Pedro, mas napalapit ang puso ni Gerald sa mga kabataang tulad niya. At nakita niya, kada gaganap siya ng San Pedro, bumabait daw yung mga nanonood sa kanya after watching the play. Yung iba daw, nangangakong magbabago na- from being BAD to GOOD.

"So, at least po, may na-achieve akong great task", dugtong na sabi ni Gerald. "In my own little way of performing a young Saint, may nabago akong mga buhay. May nasagip akong mga kabataan. Sa aspetong iyon po, masaya na talaga ako."

In-assure naman ng manager ni Gerald na si Mr. Antonino Cocoy Ramilo na magkakaroon pa ng future performances ang nasabing dula. Inaayos lang nila maige ang schedules ni Gerald ngayon dahil napakarami nitong commitments lately- concerts, endorsements, guestings, and the likes. Pero ang pinaka-aabangan ng lahat ay ang FINAL ANNOUNCEMENT na si Gerald na nga ang gaganap sa karakter na Thuy sa Broadway version ng bagong season of performances ng Miss Saigon next year, internationally.

"Nakaka-excite nga po, eh", reaksyon ni Gerald. "I am keeping my fingers crossed. But at the same time, nire-ready ko na rin ang sarili ko sa anumang outcome. Kung sakaling makuha ako sa Miss Saigon, talagang I will grab the opportunity. Gusto ko kasing mabigyan ng mas ibayong karangalan pa ang Pilipinas when it comes to performing arts abroad. Ilang buwan na lang naman at malalaman na nila."

Maraming humuhula na sa darating na Aliw Awards o dili kaya'y Star Awards for Movies and Music ay mananalo si ng mga awards. Ang acting na ipinamalas niya sa musical play na San Pedro Calungsod: The Musical ay pang-award talaga. Tiyak na mano-nominate siya dito as Best Actor for a Musical Play. O dili naman kaya, sa indie film niyang Memory Channel, malamang na ma-nominate namans iya sa Star Awards dahil maraming PMPC members ang humanga sa naging acting doon ni Gerald.

"Gusto ko pang umarte ng umarte, ngayon ko lang natuklasan na ito pala ang greatest passion ko aside from singing", pagtatapos na wika ni Gerald. "Enjoy na enjoy ako sa pag-arte. Kaya siguro gano'n din ako ka-excited nagyon na mapasali sa Miss Saigon. Kasi very challenging ang papel na Thuy na gagampanan ko, if ever. I know, God won't let me down."

Ikaw na nga, Gerald!


(sinulat ni robert manuguid silverio)

GERALD: SEXY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...