THE WORST THINGS THAT EVER HAPPENED TO ME AT CINEMALAYA 2017

mr. ibarra mateo

ms. kate alejandrino

Mr. Zig Dulay

Treb Monteras






"THE WORST THINGS THAT EVER HAPPENED TO ME AT CINEMALAYA 2017" (SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)

ROBERT MANUGUID SILVERIO (right) with a handsome friend.


Siguro, mali nga 'yung maghangad ka pa ng katapat. O, mag-expect at manghingi ng atensyon o pabuya. Mali nga siguro 'yun. Dahil wala namang kabayaran ang CINEMA. Hindi ito isang negosyo lamang o pagwawalang-bahala. Lalong hindi ito iniimpluwensyahan ng mga taong naghahari-harian na gusto lamang sakupin ang mundo ng CINEMA.

Oo, naramdaman kong lahat 'yan sa aking maikling journey sa 2013 CINEMALAYA film festival. Dahil sa kagustuhan kong huwag magpaka-IBARRA MATEO na bumibili mismo ng paketeng festival pass dahil sa mataas niyang prinisipyo tulad ng dati naming editor na si Ces Evangelista, sinalungat ko ang kagustuhan nila. Mas ginusto kong manghingi na lamang ng mga complimentary tickets to try my luck out as a media blogger and former magazine writer/tabloid columnist. I feel kasi, pribilehiyo na 'yun ng mga media men at press people sa effort nilang makatulong, mag-report at mag-cover ng mga special events na tulad ng CINEMALAYA FILM FESTIVAL. 

Pero kalimitan, ang nangyayari, tila maliliitin ka pa porke't nag-iisa ka lang sa blog site mo. May masasabi pa pagkatalikod mo. Na never nangyari sa akin sa 30 years ko nang pagsusulat sa mainstream showbiz world (na tinalikuran ko dahil sa kagustuhan kong maging "indepent"). Yun bang paghingi mo ng isang COMPLIMENTARY TICKET ay napakalaking bagay na ba? Gusto mo lang naman i-review yung film niya, dahil sa paniniwala mong maganda man ang review mo o pangit, makakatulong pa rin 'yun sa ikaiingay ng pelikula niya?

Kaya siguro, tama nga sina Ibarra Mateo at Ces Evangelista. Mas mabuti ngang bumili ka na lang ng sarili mong festival pass. Alisin na sa loob ng utak mo na prebiliheyo mo na yun bilang isang media man na makapanood ng LIBRE. Walang saysay lang at may masasabi pa sila ng laban sa iyo.

Kaya ngayon, heto ang aking "WORST THINGS THAT EVER HAPPENED TO ME AT CINEMALAYA 2017".


1.) The night I watched the film "Bagahe", a full-length Cinemalaya 2017 film entry. Gala night nila 'yun at ang taas ng expectations ko sa film. Feeling ko, napakaganda nito. And meeting Mr. Zig Dulay, the director of the film, for the first time was kinda' nice. Too bad, IGNORAMUS ang babaeng staff niya na nakaupo sa ticket table. Nagbilin si Zig sa isang bading na staff din na pabigyan ako ng isang compli ticket. Pinalapit nila ako sa ticket table to get it. But when the ticket was handed-out, the girl staff told me: "Are you going to pay it it, sir?" Wow, kakaloka. Pati ba naman COMPLIMENTARY ticket ay may bayad na?

2.) The night I discovered that the UPPER BALCONY section of the CCP Main Theater was too high! Ang taas-taas. Yun pala ang ticket na ibinigay sa akin nung babaeng staff ni Zig Dulay. Wow, mako-cover ko ba at mage-enjoy sa film na ito kung sadyang napakataas na ng kinalalagyan ko? Media ako, eh. Hindi ako FAN.

3.) The night that the director of the film "Respeto" refused to give me one complimentary ticket of his film so I could review the film sana. He told me to wait. But the waiting became ETERNAL.

4.) The day I watched a Short Film entitled "Pagtatagpo". Drama 'yung film, pero tawa ako ng tawa sa loob ng CCP little theater together with the other mature audience na natatawa rin sa bawat dramatic scenes ng pelikula.

5.) The day I discovered that super na-late ako in availing and applying the CINEMALAYA 2017 MEDIA PASS. Aba naman, sa openig night na ng CINEMALAYA kasi ako nag-apply. Sorry for that, ma'm Irene Rada.

6.) Hindi ako nakalapit sa rap artist na si Abra dahil sa dami ng fans na dumumog dito.

7.) When the Gala Night screening of the film "Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa" was about to start, inatake ako ng LBM. One hour ako sa loob ng C.R. ng CCP, beside the Main Theater. Ang sarrraaap!

8.) Nakatulog ako while watching "The Poolside Man", isang Japanese indie film. Bukod sa nakatulog, nahilo pa sa paulit-ulit na eksena ng pelikulang ito.

9.) Back to the film "Bagahe", sa sobrang taas ng expectations ko sa film na ito, na-disappoint ako while watching it. At nag-walkout ako in the middle of the film watch.

10.) I missed the chance of interviewing Ms. Kate Alejandrino, na napakagaling daw sa pelikulang "Respeto".


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...