yogo singh talks about graduation, channel 2, and of course, his daddy maryo j. ....

yogo with his daddy (the late maryo j., r.i.p.)


younger yogo with his dad

yogo: ang mga ganyang kaguwapo na bata ay hindi dapat pinababayaan ng channel 2!!!

yogo in his graduation

yogo: fit na fit!

yogo: the new karate kid?

yogo in blonde hair

yogo: madalas managinip ukol sa daddy mj niya

yogo: go, go,go!



SWORDSHINES10: Kumusta na,Yogo?

YOGO: Masaya po, naka-graduate na ako. Hayun po.

SWORDSHINES10: Ano na ang next project mo sa channel 2 at ano ginawa mo nu'ng vacation mo?

YOGO: Wala pa po pero i'm willing to wait naman po kung ano dumating na project po sa akin.
Hayun okay naman po, vacation kami sa Zambales province po kami nakarating. Isa sa malapit na friends po namin yung nag-invite samen po du'n. Ang saya po kase nag-attend pa kami procession po do'n tapos. swimming. Basta ang saya!!

Bilang kapamilya po masaya po ako sa pag-aalaga sa akin ng network,ng channel 2 po. Kahit minsan, wala po. Minsan, meron. Pero gano'n po talaga, kelangan maghintay kung ano po ibigay nila. Mahal ko po Abs-Cbn kase sa kanila naman po talaga ako nag-start. Sa Star Circle Kids Quest at first teleserye ko po sa kanila 'yung young Gerald Anderson din po ako, sa teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo po. Hayun masaya po, kase naging first big role ko sa Abs Cbn yung Wako Wako na TV show naman po. Masaya din po ako sa mga young roles ko din sa channel 2, kase 'di lang basta-basta yung nabibigay nila po sa akin. As in, young na magagandang role po talaga. Thank you sa channel 2 kase kahit papa'no po, kinukuha pa din naman po nila ko, especially 'yung Dreamscape Productions nila, Madami pinag-young-an ko sa kanila po. Willing po ako mag-wait kung kelan po ako magka-project sa Kapamilya network po,tito Robert. Sana,hindi po magtagal.

SWORDSHINES10: Nami-miss mo pa rin ba si daddy Maryo J. delos Reyes mo?

YOGO: Sobrang miss na miss ko na po si daddy Mj ko. As in, miss na miss po. Kung may powers nga lang po ako na makita sya at makausap po siguro yun,- 'yun ang gagawin ko po- ang kausapin sya at makita siya. Kase hayun miss ko na po s'ya. Lagi sya dumadaan sa panaginip ko. 3x times na po. Lagi sya nakatingin sa akin. Minsan, nasa malayo lang s'ya tapos, dinala n'ya ako sa napakagandang lugar puro sariwa yung mga grass..., Tapos, hayun nakahawak s'ya sa akin at ipinapasyal n'ya ako sa isang bundok. Pero patay na s'ya sa panaginip ko at nagpakita lang s'ya sa panaginip po. Tapos, hayun, sabi n'ya may hinihintay siyang sundo nya po- kapatid n'ya. Tapos, nag-hug sya sa akin daw at nag-kiss lagi sa head ko tapos, aalis na daw s'ya po.
'Yung dati, gano'n din, sabi naman n'ya aalis na s'ya tapos nagbago bigla-sabi nya, hindi na s'ya aalis at babantayan na lang daw nya ako, pero sabi ko malaki na ako. daddy. Kaya ko na sarili ko- umalis ka na, daddy, okay na ako....Sagot niya: Okay daw pupunta na s'ya sa heaven tapos, yakap ng yakap sa akin at kiss ng kiss bago sya umalis.
Paggising ko, tumulo luha ko. Pakiramdam ko talaga, totoo! Hindi panaginip po! Umiyak ako kase nakaka-miss po talaga si daddy MJ.

Nami-miss ko 'yung love n'yang pinapakita sa akin. 'Yung pag-care nya sa akin po, at  'yung laging paalala nyang lagi daw ako magi-ingat. 'Yung natutulog ako sa Filinvest house n'ya minsan, sa tabi n'ya ako natutulog, minsan sa kuwarto ni Tito Jake sa office n'ya. Tapos, magpapaluto si daddy ng breakfast namin. Ginigising ako ni Ate Lisa para ako ang unang maligo kase paggising ni daddy s'ya na gagamit ng shower. Hayun, tapos sabay kami kakain at aalis ng bahay n'ya. Nami-miss ko amoy ni daddy- yung mabango lagi tapos, kapag pawis na pawis s'ya sa taping nya. At saka, kapag bini-visit ko s'ya sa location nya, ay dinadalhan ko siya ng pagkain.

SWORDSHINES10: Nadalaw mo na ba ule sa himlayan ng ashes niya ang daddy MJ mo?

YOGO: After nu'ng graduation ko, dinalaw ko s'ya sa Himlayan Pilipino. Du'n ako tumuloy sa kanya kase para sa kanya 'yung diploma ko at nag-thank you po ako sa kanya na dumating sya sa buhay ko at nakilala ko bilang daddy ng 11 years po pala s'ya na naging daddy ko. Sayang lang at wala na po s'ya. Sobrang hirap pa din ako maniwalang wala na s'ya kase sariwa pa lahat po lalo na po mga pics n'ya, pag nakikita ko, buhay na buhay po talaga pics nya. Daming bagay na kapag nakikita ko na alam kong gamit ni daddy like sa mga sasakyan n'yang ginagamit kapag nakakakita ako kagaya ng car nya po, hayun nami-miss ko s'ya. 'Yung office n'ya kapag nadaan ako sa lugar na 'yun, sobrang nagpapaalala po s'ya sa akin. Lagi, naiiyak po ako at natutungo na lang at pinipikit ko mga mata ko po. Iniisip ko s'ya kung kumusta sya po, kung nakikita n'ya ba ako ngayon. 'Yung mga kinakainan n'yang resto na kasama ako minsan, hayun nakaka-miss po, sobra!
Lalo napo sa Max's resto sa Roces Avenue, don ako nag-bday nung 10 years old ako. Nando'n sila ni Tito Jake until matapos bday ko po hindi nila ko iniwan. At saka, fave resto yun ni daddy. Lahat ng place na connected kay daddy MJ ko na kasama ako, naiiyak ako pag nakikita ko po, puma-flashback yung bababay pa ako sa kanya after. Since nakilala ko s'ya ay lagi n'ya ako hawak sa kamay ko... 
Daddy, sana kung nakikita mo ako, alam mo na 'yun, daddy. Kung gaano kahirap tanggapin ang wala ka na. Kung may daddy pa ako na makikilala, ikaw pa din ang gusto kong maging daddy. Wala kang katulad, dad MJ.
'Yung iba-iba iniisip nila sa 'yo sa pagiging daddy mo sa akin, madumi utak nila daddy! Ngayon, dad, maski na wala ka na ay sasabihin ko na po sa mga madudumi 'yung utak na mali sila sa mga iniisip nila. Matagal ko po itong itinago kase ayaw ni daddy ng nagpapadala ako sa mga sabi sabi! 
Si daddy MJ po malinis intention n'ya sa akin sa paggiging daddy n'ya sa akin po. 'Yung totoo po, ia-adopt nila sana nila ako ni Tito Jake bilang totoong anak ni daddy MJ ko. Naka-ready na po papers no'n, pero nagka-problema po sa mom ko. Nagka-misunderstanding lang po sila ni mama ko.
'Yung totoo kasi, ayaw ako ni mama na ipa-adopt po kay daddy kase buhay pa naman daw s'ya pero, sabi ni mom ko, pag nawala s'ya, hayun ibibigay n'ya ako kay daddy MJ dahil mabait si daddy at alam n'ya na gaanon kabait si daddy MJ at pinagkatiwala n'ya ako kay daddy po, mula nu'ng 4 years old pa lang ako ay lagi na ako kay daddy.
Natutulog at pinapahiram ako sa kanya ni mama kase masaya si daddy sa akin at natutuwa po s'ya sa akin kapag nakikita n'ya ako. Every weekend po nuon, na kay daddy MJ ako. Sa mga nag-iisip ng maduduming utak sa paggiging daddy sa akin ni daddy MJ, nagkakamali kayo ng iniisip n'yo. Kung ano man yun alam ni God, 'yun na isang tunay na anak po talaga 'yung turing sa akin ni daddy at ako po bilang naging anak n'ya, hayun sobrang hindi ko s'ya makakalimutan hanggang sa magka-pamilya po ako. Sobrang mahal na mahal ko po si daddy MJ at miss na miss ko na po s'ya. Habang sinasagot ko 'tong question na po na ito, hindi ko po mapigilang 'di maiyak. I dunno', siguro miss ko lang sya. Sina daddy MJ and Tito Jake-, I love you both! Miss you both po. Sana maging masaya na po kayo kung nasaan man po kayo. Sana kasama n'yo na po talaga si God. Sana nasa heaven na po kayo. Lagi po ako nagpi-pray para sa inyo at mag-iingat pa din po kayo lagi, ha! Forever love ko kayo lagi ny'o pa din ako i-guide, dad, ha. Daddy i love you, daddy!🙏

SWORDSHINES10: Handa ka na ba sa more mature roles this time,Yogo?'Yung hindi na pambata?

YOGO: Oo naman po. Kahit ano'ng role po, kaya ko. Hindi po ako namimili ng role ko, kung ano dumating sige-sige lang po. Kahit na hubad pa 'yan po. LOL!!!😂😂✌ Para mas ma-challenge ako. Hahahaha. Trabaho lang po walang personalan.

SWORDSHINES10: Okey, Yogo. Hintayin na lang naten ang next project na ibibigay sa iyo ng channel 2. Sana, HUWAG KANG PABAYAAN NG CHANNEL 2!!!

YOGO: Thank you, tito Robert, sa interview po. Sana, okay po sagot ko sa mga questions n'yo sa akin.


--------------END OF INTERVIEW--------------

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...