POPOY CUSI, DUMALO SA OPENING NG ISANG PAINTING EXHIBIT...





KUYA POPOY WITH THE OWNER OF "M GALLERY"

Kitang-kita ng isang blogger kung gaano ka-well-loved ang Master ng watercolor painting na walang iba kundi si Rafael "Popoy" Cusi (na internationally-renowned painter din) sa ginanap na opening ng isang Painting Exhibit sa M Gallery (located along Taft Avenue, right after Buendia LRT station). Lahat halos ng mga sumaling aspiring and veteran painters sa nabanggit na exhibit, talagang inakap si Master Popoy, kinamayan, sinamba at nakipag-unahan sa pakikipag-Selfie photos. Damang-dama mo, idolo nila si Master Popoy at malaki ang respeto nila dito.

Nu'ng purihin nga namin ang isang young painter na gumamit ng watercolor sa isang live nude sketch painting session before the opening ng exhibit that day, sinabi nito sa isang blogger ang mga katagang ito: "No comparison po ako sa Master namin. Si Master Popoy pa rin ang pinakamagaling sa aming lahat. Master namin 'yun, eh."

Maski ang may-ari mismo ng M GALLERY na kapatid na babae ni Mother Lily Monteverde, sobra ang pag-iistima na ginawa kay Kuya Popoy. Siya pa ang personal na kumuha ng food ni Master Popoy sa buffet table at siya ang personal na tumawag rin kay Master Popoy nu'ng actual ribbon-cutting na at nagpasalamat sa mikropono sa pagdalo roon ni Master Popoy.

Nagkataong magkasunod rin pala ang birthday nina Kuya Popoy at ng may-ari ng M Gallery. Kaya doon na halos naidaos ni Kuya Popoy ang kaarawan niya. Kasi, nu'ng mismong birthday ni Kuya Popoy, nag-hibernate lang siya at nag-soul-searching. Ganu'n talaga ang "moods" ng mga artists. Kaya understandable 'yun.

Nag-enjoy naman ng husto ang mga kaibigan ni Kuya Popoy na sina Ivan Irinco, Patricia Collantes at Edward Jam Poserio sa mga food and drinks habang ka-jamming si Master Popoy. Present din that night ang mga media people na sina Julianito Villasanta at Ymmanwell Rico Provino.

Just take a look at the photos below and above, na mga shots ni Mr. Ivan Irinco. Talagang napakasaya that night! And thank you for your warmth, Kuya Popoy. We love you!!!




(written by robert manuguid silverio and photos by ivan irinco)

SPECIAL NOTE: HINDI NA PO NAMIN NILAGYAN NG PHOTO-CAPTION ANG MGA LARAWAN DAHIL SA DAMI NG MGA ARTISTS AND IMPORTANT P[EOPLE NA NASA LARAWAN. HINDI NA PO NAMIN MAIISA-ISA PA ANG MGA PANGALAN NILA. SALAMAT PO SA PANG-UNAWA.--- R.S.*















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...