nominasyon ni miggs cuaderno bilang best supporting actor sa PMPC star awards, inaalay niya kay direk maryo j.!


baby miggs and the late mayo j. delos reyes

baby miggs' certificate of nomination sa best supporting actor for star awards 2018

Isa si Miggs Cuaderno, kasama ang mommy niyang si Judy Banis Chua ang nakita ng isang blogger na gabi-gabing nagpunta sa apat na araw na wake ng yumaong si direk Maryo J. delos Reyes (R.I.P.). At hanggang sa huling hantungan ng paglibing kay direk Maryo sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora Ave., ay naroon din ang mag-inang Miggs at Judy. Ganu'n nila talaga kamahal ang direktor na nagsilbing manager, mentor at ikalawang ama na ni baby Miggs.

Naalala pa ng isang blogger ang kinuwento ng yumaong si direk Maryo J. sa kanya: "Na-discover ko 'yang si Miggs, takbo 'yan ng takbo sa harapan ko, ang liit-liit! Tuwang-tuwa ako!!!! Akala ko nu'ng una, siya 'yung anak nina Kris Aquino at James Yap na si baby Bimbi. Pero hindi pala siya 'yun!
So, ang ginawa ko, inalok ko ang mommy niya na kasama niya nuon na ako na lang ang mag-manage sa kanya. Kakatuwa kasi."

Ang hindi raw inasahan ni direk Maryo- dagdag na kuwento pa nito sa isang blogger nu'ng nabubuhay pa s'ya, mabibigyan pala siya ng maraming karangalan ni Miggs Cuaderno. Hindi raw inakala nu'ng yumaong direktor na napakagaling nitong si Miggs Cuaderno na umarte kaya naman nagtamasa na ng sankaterbang acting awards!

Kaya naman nu'ng makita ng blogger si baby Miggs sa lamay ni direk Maryo, isa talaga ito sa mga pinili niyang artistang kausapin.

"Last time ko pong nakita si direk Maryo J., meeting namin sa office po niya sa Production 56", naikuwento pa ni Miggs na nagbi-binatilyo na ngayon at lalong pumopogi. "May gagawin daw po akong action picture sana. Yung meeting po ay nangyari a week before he died. January na po iyon. Kaya talagang sariwa pa po sa mind ko 'yung huling pagkikita namin.

"Inakap pa po ako ni direk Maryo J. pagkatapos ng meeting namin", dugtong na sabi ni Miggs. "Sabi niya ng pabulong sa akin, mahal na mahal daw po niya ako. Pagbutihin ko raw po lagi ang pag-arte ko at huwag daw lalaki ang ulo ko. Alam n'yo po, lagi akong inaakap ni direk Maryo kapag nakikita niya ako!"

Kaya kung nabubuhay ngayon si direk Maryo, laking tuwa siguro nito ngayong nominado si Miggs sa Star Awards PMPC as Best Supporting Actor! Aba, kamamatay pa lang ni direk Maryo, si Miggs na agad ang nagbigay ng karangalan sa kanya.

"Kay direk Maryo ko po inaalay ang pagka-nominado ko ngayon sa Star Awards!", nawika pa ni baby Miggs. "Kasi po, utang na loob ko po ang lahat sa kanya. Saka miss na miss ko na po siya."

Napakasuwerte nga ni direk Maryo J. dahil hanggang sa kamatayan niya, may isa pa rin siyang talent na nagpatunay ng kahusayan at pagmamahal para sa kanyang mentor. Kung nasa langit man si direk Maryo ngayon, panay siguro ang ngiti nito sa harap ng Diyos Maykapal.

"Basta ang masasabi ko po kay direk Maryo J., thank you po!", pagtatapos na wika ni baby Miggs. "Kasi andyan siya lagi for me nuong nabubuhay pa siya. Kung walang direk Maryo J. po, walang Miggs Cuaderno!"


(sinulat ni robert silverio)


miggs: nagbibinata na!!!

miggs smiles

"mahal na mahal ni baby miggs cuaderno si direk maryo j."

miggs holding his cinemalaya trophy

baby miggs with his family


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...