LA SALLITE FOTOG AUGUST CALDERON PHOTOGRAPHS SAMMY RASCAL...















PHOTOGRAPHY BY: MR. AUGUST CALDERON (of AVZ PRODUCTIONS)

Presenting Miss Sammy Rascal, isa sa mga babies ng 4-S Pamilya ni Tessie Lagman at mapapanood ninyo siya-, LIVE na kumakanta sa programang Sama-Sama, Salo-Salo, every Sundays, from 11 a.m. to 1 pm sa DWDD.

Sammy is a great singer. Kapag siya na ang kumakanta sa Sama,Sama, Salo-Salo, naku po, makikita na lang sa Facebook Live ang mga sankaterbang LIKES and LOVES. Umaapaw sa dami. Napakarami kasi ang nagagalingan kay Sammy pagdating sa pagkanta.

Ang mga posts niya Youtbe.Com na kumakanta siya, umaabot sa 50,000 ang views sa dami. Kaya talaga namang isa siya sa mga inaabangan sa programang Sama-Sama, Salo-Salo.

How does she feel to be a part of 4-S Pamilya ni Tessie Lagman?

"Happy po ako, super-happy talaga", sagot ni Sammy sa tanong. "Marami po akong natututunan ng mga bagay-bagay ukol sa pagkanta dahil sa 4-S Pamilya, kasi, silang lahat, ginagabayan nila ako. 

"Actually po, sila talaga ang naka-discover sa akin", dugtong na sagot ni Sammy. "Bata pa ako, nine years old pa lang ako, ay member na ako ng 4-S Pamilya. Sila nagbibigay sa akin ng mga tips and advices kung paano ko pa mas mapapagalingin ang pag-awit ko po."

Last year, nagkaroon ng mini-concert si Sammy nu'ng mag-bertdey siya last Novemeber 25 of 2017. This year, wala pa siyang plano kung magkakaroon ba siya ng birthday concert o hindi. Pero one thing for sure, sasali si Sammy sa Tawag Ng Tanghalan sa Showtime.

"I just wanna try po", sey pa ni Sammy. "Manalo man o matalo, at least I've tried po, di ba?"

Keep it up, Sammy. And look na lang po how beautiful she is sa mga fashion shoot/pictures niya na kalakip ng artikulong ito. Bongga, di ba? 


(words by robert silverio) 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...