VINCE TANADA BEING INTERVIEWED BY MEDIA PEOPLE AT THE TEASER-SHOWING OF HIS PINK FESTIVAL TRIO & OFFICE BLESSING RECENTLY. |
Nu'ng magkaroon ng office-blessing si direk Vince Tanada kamakailan lang ng kanyang sariling Tanada Law Firm (inilipat na niya ito from Ortigas to their area in Balic, Balic, Sampaloc), nagpalabas siya ng teasers sa dalawang 30-minute plays na isasali niya sa darating na Pink Festival Trio ng Philippine Stagers Foundation. Idadaos ito sa mga buwan ng Pebrero at Marso sa Power Mac sa Circuit, Makati.
Mga piling-piling media people ang nakapanood nu'ng dalawang dulang may LGBT-themes. Meaning, may kabaklaan at ka-tomboyan. Yung isa pang dula- na may pamagat na "BBB" ay hindi naihabol nuong gabi na iyon para maitanghal dahil hindi pa nila na-rehearse. Pero ang mga dulang "Babasagin" at "Dilaw O Pula" ay naitanghal nu'ng gabi na iyon, before the office-blessing happened. Nagmamadali na kasi ang ilang mga media people that night kaya pinalabas na muna ang mga mini-plays bago nagkaroon ng blessing sa opisina.
At tunay namang namangha ang mga taong nakapanood sa dalawang mini-plays. Lalo na ang mga media people na sina Anne Venancio, Throy Catan at Nonie Nicasio. Hindi nila lahat akalain na ganu'n kay gaganda nung mga LGBT-themed plays ni Vince.
"This is a special project for me, a break from my usual plays na kalimita'y mga estudyante ang mga manonood ko", nawika pa ni Vince sa isang blogger-friend niya. "This time, adult audience naman ang ike-cater namin sa aming darating na Pink Festival Trio. The more matured audience, I mean. Medyo sosyal this time para maiba naman."
Naloka din ang ilang media people nung malaman nilang napaka-expensive pala nung venue ng Pink festival Trio nina Vince. Mahal daw kasi to the max ang Power Mac in Circuit, Makati (the venue). Kaya ambitious project din itong maituturing.
Indeed, Philippine Stagers Foundation is soaring higher for more.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS BY MR. VINO ORIARTE (official photographer of Philippine Stagers Foundation)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento