Ipinapakita ang mga post na may etiketa na father marc ocariza. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na father marc ocariza. Ipakita ang lahat ng mga post

REVEREND FATHER MARC OCARIZA: THE SINGING PRIEST IN A SPECIAL Q & A ...

FLASHBACK: Si Father Marc Ocariza ang isa sa pinaka-unang naging kaibigan ng blogger na ito sa Facebook. Hindi pa gaanong uso ang Facebook noon, kaibigan na namin siya. Hindi pa siya Priest noon, seminarista pa lamang. isang seminarista noon na nangarap ding maging isang aktor at singer sa mundo ng entertainment scene. In fact, ilang beses din niyang na-meet ang yumaong direktor na si direk Maryo J. delos Reyes na nagpayo sa kanyang ituloy na lang niya ang pagpa-Pari niya keysa mag-artista siya. At sinunod iyon ni Father Marc.
Father Marc is a singing priest. Sadyang nakakaaliw ang mga FB Posts niyang kumakanta siya, kay sarap panoorin. Panaka-nakang nagkakaroon pa rin siya ng mga gigs bilang isang singer maski ngayong Pari na siya.
Kaya para sa espesyal na Holy Week issues ng Swordshines10 blog site, nasa ibaba ang ang aming Q & A (Question & Answer) kay Father Marc Ocariza.... At pahabol pala, BELATED HAPPY BIRTHDAY SA IYO, FATHER MARC!

FATHER MARC SMILES



FATHER MARC CONTEMPLATES

FATHER MARC SINGS AT A PARTY



FATHER MARC INSIDE THE CHURCH


FATHER MARC WITH THE YOUTH MEMBERS OF HIS PARISH
PHOTO BELOW WAS TAKEN DURING THE WAKE OF DIREK Maryo J. Delos Reyes (R.I.P.), WITH REVEREND FATHER Marc Ocariza.

FATHER MARC IN THE LAST PREVIOUS YEARS....

FATHER MARC (STANDING, IN BLUE SHIRT), WITH THIS BLOGGER AND AVINASH AND VJ

FATHER MARC NOW




ROBERT: Who is Jesus to you, Father Marc?

FATHER MARC: Friend. Best friend. Since I was a kid my relationship with Jesus is like that. I love reading and watching stories about Jesus.    My parents were one of the greatest instruments for me to know more about who Jesus is. During Lenten season especially Holy Week we spend time together praying and watching religious films like “BenHur”, “Jesus of Nazareth”, “The Ten Commandments”, etc. which we borrowed from Video Rentals. We are not allowed to play outside the house. I remember as a little child I tried to read the Bible. And there I grew knowing Jesus as my best friend. Kasi punung-puno ng puso ang Hesus na nakilala ko. Kaya pag may problema ako kahit mga problemang bata lang sa Kanya agad ang takbo ko. At nadala ko yun hanggang sa pagtanda ko. Kaya “best friend” kasi alam niya lahat tungkol sa akin, wala akong matatago, pero kailanman di ko naramdaman ni iniwan Niya ako.

ROBERT:  As one of Jesus' great disciples now, how would you convince others to fully embrace God?

FATHER MARC: The fact here is, even if you don’t embrace Him, God is still embracing you. He is the one who is always making a way to be with us. And that grace only needs our cooperation. Madalas kapag naliligaw tayo ng landas naiisip natin wala Siya sa tabi natin. But the reality is, hindi Siya kailanman nawawala sa tabi natin. Lagi lamang nandiyan nakatingin at nagaabang sa atin na lingunin at Siya ay ating yakapin. At habang may buhay may pagkakataon tayong tanggapin siya. Pero tandaan natin limitado lang ang oras natin dito sa mundo. Huwag sanang maging huli sa atin na piliin Siya kapag dumating na ang ating wakas. Dahil ang pinili mo sa buhay dito sa mundo ang siyang magtatakda kung ikaw ay sa buhay na walang hanggan o sa walang hanggang kamatayan.


ROBERT: Priests are being killed and assassinated, how angry are you at people attacking Holy Priests?

FATHER MARC: No one has the right to take other people’s life. Kahit sino pa siya o ano pa siya. Only God can take our lives from us. It is in the 5th Commandment “Thou shall not kill”. We should be angry with what is happening right now in our community, in our country. Wala nang “sense of sin” ang karamihan. Hindi na natin nakikita ang kapwa natin bilang ating mga kapatid. Remember we are our brother’s keeper. Bakit pinapatay ang pari? Dahil may sinasabi kaming katotohanan. At ang katotohanan kadalasan ay masakit para sa iilan. Ngunit katulad ni Hesu Kristo na pinipilit naming tinutularan, hindi kailanman mapapatay ang aming ipinapahayag na katotohanan. Ang ipinahahayag namin ay siyan” lamang ipinahahayag sa amin ayon sa aral at turo ng ating Tagapagligtas. Kami’y instrumento lamang, mga tagapagsalita. Ngunit hanggang nariyan ang Diyos, and Katotohanan, na hindi mawawala kailanman, hinding-hindi ito mabubuwag. Kaya imbis na galit, pasasalamat ang mas nananaig sa aking puso sapagkat alam ko na kapag ikaw ay nasa panig ng Katotohanan, sa panig ni Kristo, wala kang talo.


ROBERT:  Ano ang pinaka-paborito mong Sermon kapag nag-homily ka sa tuwing misa mo?

FATHER MARC: Love. Ang tema naman kasi ng Salita ng Diyos ay “Pag-ibig”. It is the greatest love story ever told ika nga. Lalo na yung Gospel about the Parable of the Prodigal Son. Akala mo lang alam mo na yung story but every time I read it parang laging may bagong tama at kirot sa puso. Ang pagkilos ng ama ng patakbo niyang salubungin ang nagbabalik na anak na nagkasala ay tunay na naglalarawan kung gaano tayo kamahal ng Diyos. Kapag tayo ay magbabalik loob lamang sa Kanya hindi galit at parusa ang naghihintay sa atin kundi ang tumatakbong Diyos papalapit sa atin, yumayakap, at nagkakaloob muli sa atin ng ating karangalang maging anak Niya.


ROBERT: As a Priest, how much do you love Jesus Christ?

FATHER MARC: I cannot measure how much I love Jesus. Kasi di ba minsan kapag nagmamahal tayo ang hinahanap natin ay matumbasan  ang pagmamahal natin o matumbasan natin ang pagmamahal ng iba sa atin? Dito kasi parang hindi ito applicable. Kasi kapag inisip mo ang love ni Hesus sa atin hindi natin kayang tumbasan. At ang Pagmamahal ng Diyos hindi lang tinutumbasan kung papaano natin Siya minamahal kasi “all out” Siya magmahal. Kaya ako I just try to love Him everyday. At sa biyaya ng aking pagkapari ako’y patuloy na nagsusubok maging tapat sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya araw-araw. I am not perfect but I am always trying to be one.

father marc ocariza: Question and Answer (Q & A) sa guwapong singing priest...

reverend father marc ocariza: a full dedication to God

father marc: handsome

father marc with fellow church workers

father marc in a singing gig
father marc with his favorite Saint- Padre Pio.

father marc with fellow young priests

father marc with pet dog

father marc with a fellow priest during noon break

father marc with bishop ambo david

father marc contemplates...


(WRITER'S NOTE: In case you don't know, ginawaan namin ng blog feature itong si Father Marc Ocariza dahil humanga kami sa kanyang mga FB Posts na kung saan ay kumakanta siya. Isa siyang singing priest, pero minsan din sa kanyang nagdaang buhay, pumasok din siya pasumandali sa mundo ng pag-arte sa telebisyon. Kaya lamang, tila mas malakas ang hatak ng tawag ng Priesthood sa kanya. At ngayon, siya na ang Parochial Priest ng Our Lady of the Holy Rosary Parish sa Maysan, Valenzuela City. 
Matagal nang kaibigan ng blogger na ito si Father Marc. At naisip namin na i-feature siya dito sa SWORDSHINES10 blog site at marinig ang tinig ng isang ordinaryong kabataan na Pare.
Sana, magustuhan po ninyo ang aming Q & A kay Father Marc. Salamat.---BY ROBERT SILVERIO).*

the late film director- maryo j. delos reyes was the one who adviced father marc ocariza to pursue his calling in Priesthood at a time that Father Marc was wanting a career in showbusiness.

ROBERT: Father Marc, isa ka sa mga taong nakilala ni direk Maryo J. (R.I.P.) at nu'ng nabubuhay pa siya, pinayuhan ka niya na ipagpatuloy mo na lamang ang Priesthood mo keysa pag-aartista. Na sinunod mo naman. Ano ang masasabi mo sa napakagandang payo na iyon ng yumaong si direk Maryo J.?
FATHER MARC: Mapalad po ako na makilala at makasama kahit saglit si direk maryo at masasabi ko po na isa siyang mabuti at may takot sa diyos na tao. Naalala ko po nung ipinakilala ninyo ako noon sa kanya bilang talent ninyo at ng malaman niyang seminarista ako na nakabakasyon ang sabi niya "magpari ka. Marami ng artista. Kailangan natin ng mga pari." Pakiramdam ko nung mga oras po na iyon nagpadala ng mensahe ang Diyos sa akin. Kaya isa po yun sa mga pinanghawakan ko noon nung hinahanap ko pa ang aking sarili kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagpapari o ipursue yung acting and singing career dream ko.
 ROBERT: Hindi ba mahirap maging Priest? Ano ang mga sacrifices mo at ano ang mga bagay na ikinalungkot mo buhat nung maging Priest ka?
FATHER MARC: Sa buhay naman po walang ibang madali kundi ang sumuko. Kapag sumuko ka sa mga pagsubok sa buhay, tinakbuhan o iniwasan mo, wala agad ang problema. Pero ang tanong may napagtagumpayan ka ba? Ang buhay din po ng pari ay araw-araw na pagharap sa iba't-ibang uri ng pagsubok. Nandiyan yung malayo ka sa pamilya mo. Nandiyan yung gumagawa ka na ng mabuti mamasamain pa ng iba. Nandiyan din yung pakikipaglaban sa iba't - ibang uri ng tukso sa buhay. Kasi sabi nga nila habang nagsusubok magpakabanal ang isang tao lalo pa siyang nilalapitan ng tukso dahil itong ang gusto mangyari ng kalaban ng Diyos, ang hindi tayo magtagumpay sa buhay pagpapakabanal. Subalit sa isang positibong pagtingin, kinakailangan naman din natin ng pag- "suko". Pagsuko sa Diyos na mas makapangyarihan at mas nakaaalam ng lahat. Dahil ang katotohanan hindi naman talaga natin kaya ng tayo lamang. Kaya napakamakapangyarihan ng pananalangin. Pinalalakas tayo sa tulong ng biyaya ng Diyos.
ROBERT: Ano-ano naman ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo bilang isang Priest?
FATHER MARC: Bukod sa hirap at struggles ng pagsunod sa Diyos bilang pari, ang mga tao na pinaglilingkuran ko ang isa sa pinagmumulan ng aking kasiyahan. Yun bang makita ko ang mga mananampalataya na may kakaibang saya dahil sa naibahagi ko sa kanila ang pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga sakramento. Ikalawa, pinagmumulan din ng aking kasiyahan ang mga kaibigan kong pari na kaisa ko sa paglilingkod. Ang magkaroon kasi ng mga tunay na kaibigan ay isang napakagandang biyaya sa atin ng Panginoon. Sa kanila ko nababahagi ang mga lungkot at saya, kabiguan at tagumpay ng aking buhay.
ROBERT: Mahirap bang maging guwapo and at the same time, isang Priest?
FATHER MARC:Haha. Guwapo po ba ako sir? Alam ko malakas lang loob ko... Haha ang joke nga sir lahat naman nagiging gwapo kapag naging pari... Pero ang totoo po niyan kaya lumalapit ang tao sa amin ay hindi naman dahil sa guwapo kami kundi dahil gusto nilang mapalapit at Diyos sa pamamagitan ng aming tulong panalangin at minsan makita ang Diyos sa pamamagitan ng pakikisama at pakikipagusap nila sa amin. Kaya nga ito ang dapat laging tandaan ng isang pari hindi ka pinupuri o nilalapitan ng mga tao dahil pogi ka o "star" ka kundi dahil pari ka, isang alagad ng Diyos.

ROBERT: Given a chance to act again, tatanggapin mo pa rin ba, Father Marc, kung sakaling may offer na umarte ka sa TV man o sa pelikula?
FATHER MARC:Sa tingin ko po hindi na po ito bahagi ng buhay ko ngayon sir. Depende nalang po kapag nagkaubusan na ng mga artistang aarte sa Tv at pelikula... Haha pero sabi nga po ni direk maryo marami ng artista let them do their job at ako bilang pari ay masayang maglilingkod. Actually nagagawa ko pa naman din po ang ilan sa mga kong gawin kahit na pari na po ako like singing. May banda po kami ngayon ng ilang batang pari ang pangalan po ng grupo namin ay ang "Cumpadres". Nagcoconcert po kami for fund raising ng iba't - ibang parokya o anumang proyekto sa Diyosesis ng Malolos at usually free po ang performance namin. Isang pamamaraan ng pagpapakita namin ng brotherhood sa kaparian at pakikiisa sa sambayanan ng Diyos sa paglilingkod.

ROBERT: Ano ang pinaka-dream mong marating bilang isang Priest?
FATHER MARC:Ang makarating ba sa Vatican City o makapag-pilgrimage journey sa Israel? Answer: Siyempre po ang lugar kung saan nabuhay si Hesu-kristo. Sa Vatican para makamayan ang sto papa at sa lugar mo ng favorite saint ko na si st. Pio of Pietrelcina sa San Giovanni Rotondo.

ROBERT: Last question po, Father Marc, ano ang gusto mong ipaglaban sa mga kabtaan at mga tao ngayon, Father marc, sa pamamagitan ng mga Sermon at Wisdom na sine-share mo tuwing may misa ka?
FATHER MARC: Lagi ko po ipinapaalala ang dakilang pag-ibig ng Diyos. Ito naman po ang tungkulin nating lahat lalo naming mga pari ang ipahayag ang mabuting Balita ang Pag-ibig at Awa ng Diyos sa ating lahat. Habang umuunlad kasi ang mundo unti - u ti ring nakakaligtaan ang katotohanang ito. Masyado na tayong nagiging abala sa iba't-ibang bagay. At nandito kami para matuloy na maging tinig na nagpapalala na may mas higit pa sa mga bagay dito sa mundo. Mayroon tayong dapat mas naisin... Ang makapasok sa kaharian ng Diyos. Sabi nga ni Hesus "walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko..." Sa pagsunod natin kay Kristo makakamtan natin ang buhay na walang hanggan. Sa mga kabataan, hindi masamang mangarap subalit tatandaan natin na may pangarap rin sa atin ang Diyos.

PHOTOS COURTESY OF FATHER MARC OCARIZA'S FB PAGE.*

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...