Father Marc is a singing priest. Sadyang nakakaaliw ang mga FB Posts niyang kumakanta siya, kay sarap panoorin. Panaka-nakang nagkakaroon pa rin siya ng mga gigs bilang isang singer maski ngayong Pari na siya.
Kaya para sa espesyal na Holy Week issues ng Swordshines10 blog site, nasa ibaba ang ang aming Q & A (Question & Answer) kay Father Marc Ocariza.... At pahabol pala, BELATED HAPPY BIRTHDAY SA IYO, FATHER MARC!
FATHER MARC SMILES |
FATHER MARC CONTEMPLATES |
FATHER MARC SINGS AT A PARTY |
FATHER MARC INSIDE THE CHURCH |
FATHER MARC WITH THE YOUTH MEMBERS OF HIS PARISH |
PHOTO BELOW WAS TAKEN DURING THE WAKE OF DIREK Maryo J. Delos Reyes (R.I.P.), WITH REVEREND FATHER Marc Ocariza. |
FATHER MARC IN THE LAST PREVIOUS YEARS.... |
FATHER MARC (STANDING, IN BLUE SHIRT), WITH THIS BLOGGER AND AVINASH AND VJ |
FATHER MARC NOW |
ROBERT: Who is Jesus to you, Father Marc?
FATHER MARC: Friend. Best friend. Since I was a kid my relationship
with Jesus is like that. I love reading and watching stories about Jesus. My parents were one of the greatest
instruments for me to know more about who Jesus is. During Lenten season
especially Holy Week we spend time together praying and watching religious
films like “BenHur”, “Jesus of Nazareth”, “The Ten Commandments”, etc. which we
borrowed from Video Rentals. We are not allowed to play outside the house. I
remember as a little child I tried to read the Bible. And there I grew knowing
Jesus as my best friend. Kasi punung-puno ng puso ang Hesus na nakilala ko.
Kaya pag may problema ako kahit mga problemang bata lang sa Kanya agad ang
takbo ko. At nadala ko yun hanggang sa pagtanda ko. Kaya “best friend” kasi
alam niya lahat tungkol sa akin, wala akong matatago, pero kailanman di ko
naramdaman ni iniwan Niya ako.
ROBERT: As one of Jesus' great disciples now, how would you
convince others to fully embrace God?
FATHER MARC: The fact here is, even if you don’t embrace Him, God is
still embracing you. He is the one who is always making a way to be with us.
And that grace only needs our cooperation. Madalas kapag naliligaw tayo ng
landas naiisip natin wala Siya sa tabi natin. But the reality is, hindi Siya
kailanman nawawala sa tabi natin. Lagi lamang nandiyan nakatingin at nagaabang
sa atin na lingunin at Siya ay ating yakapin. At habang may buhay may
pagkakataon tayong tanggapin siya. Pero tandaan natin limitado lang ang oras
natin dito sa mundo. Huwag sanang maging huli sa atin na piliin Siya kapag
dumating na ang ating wakas. Dahil ang pinili mo sa buhay dito sa mundo ang
siyang magtatakda kung ikaw ay sa buhay na walang hanggan o sa walang hanggang
kamatayan.
ROBERT: Priests are being killed and assassinated, how angry are
you at people attacking Holy Priests?
FATHER MARC: No one has the right to take other people’s life. Kahit sino
pa siya o ano pa siya. Only God can take our lives from us. It is in the 5th
Commandment “Thou shall not kill”. We should be angry with what is happening
right now in our community, in our country. Wala nang “sense of sin” ang
karamihan. Hindi na natin nakikita ang kapwa natin bilang ating mga kapatid.
Remember we are our brother’s keeper. Bakit pinapatay ang pari? Dahil may
sinasabi kaming katotohanan. At ang katotohanan kadalasan ay masakit para sa
iilan. Ngunit katulad ni Hesu Kristo na pinipilit naming tinutularan, hindi
kailanman mapapatay ang aming ipinapahayag na katotohanan. Ang ipinahahayag namin
ay siyan” lamang ipinahahayag sa amin ayon sa aral at turo ng ating
Tagapagligtas. Kami’y instrumento lamang, mga tagapagsalita. Ngunit hanggang
nariyan ang Diyos, and Katotohanan, na hindi mawawala kailanman, hinding-hindi
ito mabubuwag. Kaya imbis na galit, pasasalamat ang mas nananaig sa aking puso
sapagkat alam ko na kapag ikaw ay nasa panig ng Katotohanan, sa panig ni
Kristo, wala kang talo.
ROBERT: Ano ang pinaka-paborito mong Sermon kapag nag-homily ka
sa tuwing misa mo?
FATHER MARC: Love. Ang tema naman kasi ng Salita ng Diyos ay “Pag-ibig”.
It is the greatest love story ever told ika nga. Lalo na yung Gospel about the
Parable of the Prodigal Son. Akala mo lang alam mo na yung story but every time
I read it parang laging may bagong tama at kirot sa puso. Ang pagkilos ng ama
ng patakbo niyang salubungin ang nagbabalik na anak na nagkasala ay tunay na
naglalarawan kung gaano tayo kamahal ng Diyos. Kapag tayo ay magbabalik loob
lamang sa Kanya hindi galit at parusa ang naghihintay sa atin kundi ang
tumatakbong Diyos papalapit sa atin, yumayakap, at nagkakaloob muli sa atin ng
ating karangalang maging anak Niya.
ROBERT: As a Priest, how much do you love Jesus Christ?
FATHER MARC: I cannot measure how much I love Jesus. Kasi di ba minsan
kapag nagmamahal tayo ang hinahanap natin ay matumbasan ang pagmamahal natin o matumbasan natin ang
pagmamahal ng iba sa atin? Dito kasi parang hindi ito applicable. Kasi kapag
inisip mo ang love ni Hesus sa atin hindi natin kayang tumbasan. At ang
Pagmamahal ng Diyos hindi lang tinutumbasan kung papaano natin Siya minamahal
kasi “all out” Siya magmahal. Kaya ako I just try to love Him everyday. At sa
biyaya ng aking pagkapari ako’y patuloy na nagsusubok maging tapat sa
pamamagitan ng pagsunod sa Kanya araw-araw. I am not perfect but I am always
trying to be one.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento