isang simpleng pagsasama-sama sa ikalawang gabi ng lamay ni BERNARDO BERNARDO (r.i.p.)



young BERNARDO (r.i.p.)

BB with kuh ledesma

bb: a magnificent life

BB HOLDS HAND WITH HOLLYWOOD ACTRESS MERYLL STREEP

BB'S FACEBOOK PROFILE PIC



Kabaligtaran sa pagkatao niyang flamboyant, overwhelming and universal, hindi inaasahan ng isang blogger na isang simpleng pagsasama-sama lamang ang naganap sa ikalawang gabi ng lamay para kay BERNARDO BERNARDO (r.i.p.), ang hinangaan na aktor at direktor ng teatro, telebisyon at pelikula.  Sa gabing iyon, nasaksihan at nadama ng isang blogger na mas ginusto ng nabanggit na yumaong celebrity ang INTIMACY at tunay na pagsasama-sama ng piling-piling mga tao na bumisita sa kanya sa ikalawang gabi ng kanyang pagkahimlay sa St. Peter's Chapels. Siguro ay ganu'n nga, pakiramdam nu'ng blogger. Kasi, sa mga pagkakataong tulad nito, tunay na madarama mo ang tunay na pagkatao ng isang yumao na.

Piling-pili man at hindi nagsiksikan sa loob ng St. Peter's Memorial Chapels sa may Araneta Avenue, naroon ang 'warmth' at very close camaraderie ng mga bisita, ka-pamilya, at iba pa. Napakagaan sa pakiramdam, napaka-simple, pero puno ng pagibig. IROG na IROG (tawag kay BB ng ilang mga special friends niya), 'ika nga.

Unang-unang nakita ng blogger pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa loob ng Chapel 205 ay walang iba kundi si direk Joel Lamangan, na isang Master Film Director, at kasama nito ang manunulat na si Armand Reyes. Naroon din sa loob ng Chapel ang singer na si Jamie Rivera at ang character actress na si Malu de Guzman (na matagal na kasama ni Bernardo Bernardo sa napakaraming stageplays at concert gigs). Maya-maya lang, dumating na rin ang veteran actor na si Juan Rodrigo at sumunod ang singer na si Bimbo Cerrudo.

"Ako ang nagdirek ng pinaka-huling pelikula ni Bernardo", paglilinaw at pagkaklaro ni direk Joel Lamangan. "Ito ang pelikulang The Significant Other na kapapalabas pa lamang just recently sa mga sinehan. Maganda ang role niya doon, at hindi ko inaasahan na 'yun na pala ang magiging huling pelikula niya."

Marami kasi ang nag-akala na ang pelikulang Larawan: The Movie ang huling pelikula ni BB. Hindi kasi alam ng iba na nasundan pa agad ito ng isa pa bago siya yumao.

Kitang-kita mula sa kinaupuan ng isang blogger ang malaking Korona ng mga Bulaklak na mula kay Presidente Rodrigo Roa Duterte, katabi mismo ng magandang coffin ni BB. Opo, mahal na mahal ni Presidente Digong si BB.

At sa TV screen naman sa Chapel 205 ng St. Peter's, makikita ang larawan ni BB katabi ang Hollywood actress na si Meryll Streep. At sabi ng isang pamangkin ni BB: "Ang larawang iyan daw ang greatest accomplishment ni BB, ayon sa kanya mismo. Dahil nakatabi niya ng matagal si Meryll Streep sa isang engrandeng okasyon!", sabi nu'ng pamangkin.

Sa isang maikling panayam, nainterbyu din nu'ng blogger na bumisita ang isa sa mga pamangkin ni BB na si Ms. Susan Vecina Santos. Bale 'yung mommy ni Susan at si BB ay magkapatid na tunay.

"Si uncle, he's one very helpful guy", naikuwento pa ni Susan, ang pamangkin ni BB. "Basta pagdating sa pagtulong, number one 'yan. He is also very lovable, mataas ang boses pero mababa ang kalooban."

Ang talagang sakit daw ni BB, ayon kay Susan ay ang depression o Bipolarity na nakuha nito sa pananatili niya sa Amerika. Pero nalabanan naman daw ni BB ang disease na 'yun. Kaya lang, nu'ng buwan daw ng Oktubre last year, naging madalas ang pagbo-vomit ni BB which led him to two doctors for one and second opinions. Iisa lang ang sinabi ng mga doktor: he got Pancreatic Cancer.

"Pero dahil ayaw ng uncle ko ng Medical Interventions, he chose Holistic cures sa sakit niyang Pancreatic Cancer", dugtong na sabi ni Susan sa blogger. "Nag-hire siya ng isang Caregiver at nasa bahay lang siya, keysa sa ospital. Puro holistic herbal cures ang iniinom at tine-take niya. Wala naman siyang pinakitang excruciating pain- 'yung tipong sumisigaw o nagwawala sa sobrang sakit. Nope, hindi siya naging ganun. Nakadarama siya ng pains, pero tahimik lang siya."

Ang naging diet daw ni BB ay puro vegetables. At naging masaya daw ito dahil nakita ni BB ang lahat ng naging pinaka-malalapit niyang kaibigan bago siya yumao- nu'ng magkaroon ng Tribute at Fund-Raising event para sa kanya sa Salu restaurant ni Harlene Bautista. At least, bago namatay si BB, nasaksihan niya at nakadalo siya sa mismong Tribute para sa kanya. Doon ay nayakap niya't nahalikan ang lahat ng closest friends niya sa showbiz- at isa na rito si Ms. Chanda Romero.

Sa araw na ito ng Marso 9, 2018 ay baka nakauwi na dito sa Pilipinas ang tunay na blood sister ni BB mula sa States. Naro'n din naman nu'ng second night of wake niya ang kanyang nag-iisang half brother at isa pang half-sister- kasama ang ilan pang mga malalapit na kamag-anak.

Sa Martes, Marso 13, 2018 ay ike-cremate si BB. Gagawin ito sa isa pang branch ng St. Peter's Chapels sa may Quezon Ave., pagkatapos nu'n ay ilalagay na ang ashes niya sa isang Urn, bago tuluyang ihimlay ang mga ashes niya sa Sta. Ana Church Columbarium.

"Sa palagay ko po, nakuha ng uncle ko ang sakit niyang Cancer dahil sa STRESS", pagtatapos na sabi ni Susan. "Alam ko kasing sa tuwing sasakit ang tiyan niya, nai-stress siya."

Napakarami ng mga taong nagmahal sa isang BERNARDO BERNARDO. Sa Facebook, libo-libo ang nakiramay at nag-post ng magagandang bagay ukol kay BB. It only goes to show, tunay siyang mabait na tao.

Paalam po, BERNARDO BERNARDO.


Hanggang sa MULI.




(sinulat ni robert manuguid silverio)


BB's GREATEST ACHIEVEMENT IS THIS PHOTO WITH MERYLL STREEP



bb with actor joel torre and singer bimbo cerrudo

photo courtesy of: ms. grace amilbangsa



2 komento:

  1. Hindi po pamangkin sa ina si Susan. Si Susan ay anak ng kuya ni Bernie, ang photo-journalist na si Ramon Vecina. Sina Bernie at Ramon ang magkapatid sa ina.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi na po mahalaga 'yan para sa aking personal na opinyon. Dahil sinunod ko lamang po ang nakasulat sa interview notes ko kay Ms. Susan Vecina Santos, na nakapanayam ko sa ikalawang gabi ng lamay ni BB.

      Burahin

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...