JOEL MOLINA, UMIIYAK SA TUWING KA-EKSENA SI MARIA CLARA...

JOEL: A LEGACY FOR CRISOSTOMO IBARRA


JOEL: SOARING HIGHER


one of the curtain calls of KANSER2017

joel with the cast of kanser2017 before a performance


Sa araw na ito ang huling dalawang shows ng KANSER2017: THE NOVEL, ang updated version ng longest-running play in the history of Philippine Theater-, na sinulat ni Jomar Fleras at adapted mula sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Nasa SM Southmall ang buong tropa ngayon Kanser at very hopeful din ang lahat na pagkatapos ng last two performances nila today, may mga hahabol pang mga performances soon sa iba't-ibang lugar. Kaya naman, hindi pa rin sa araw na ito magtatapos ang lahat.

Ang pinaka-bida ng play, na walang iba kundi si Joel Molina (na gumaganap bilang si Crisostomo Ibarra) ay talagang na-overwhelmed sa naging pagtanggap ng mga tao sa dulang KANSER2017: THE NOVEL.

"Opo, kuya Robert, talagang it's so overwhelming",bungad na sabi ni Joel. "And very thankful ako sa lahat dahil na-appreciate nila ang Kanser2017. It's a period play, but still, naka-relate ang mga students na pawang mga Millenial na kabataan. It only means, ang appeal ng Kanser ay everlasting talaga. Malaki kasi ang nagawa ni direk Frannie sa paga-update niya sa classic play na ito. Sa intro ng play at sa ending ng play, naglagay siya ng mga kakaibang approach na klik na klik sa mga estudyante."

Pero sa totoo lang, ang mga eksena ni Joel (as Ibarra nga) kay Maria Clara (portrayed by Ms. Dea Formacil) ang siyang pinaka-exciting na mga parte all throughout the play. relate na relate ang mga estudyante sa mga romantic scenes nila together at talagang hindi na napigilan ng mga ito ang magsipag-tilian to the max. Pero para kay Joel, hindi naman niya mapigilan ang mapaiyak ng husto sa mga eksenang yun- lalo na doon sa "farewell scene" nila ni Maria Clara.

"Ang bilis ko kasing maka-relate sa eksenang 'yun", sabi muli ni Joel. "And actually, si direk Frannie lang ang nakakaalam kung bakit relate na relate ako doon. Marinig ko lang music, tapos kapag aakapin ko na si Maria Clara, hayun, napapaiyak na talaga ako!"

Minsan na naming napanood sa rehearsals pa lang ang pag-iyak na iyon ni Joel. Hindi mapigilan ang mga luha niya sa eksenang nagpapaalam na siya kay Maria Clara. And it became one of the most-applauded scenes sa nasabing play sa tuwing may performances sila.

"But I had to control my tears, eh", muling sabi pa ni Joel. "kasi kailangan sa eksena na hindi ako ganun katindi sa pag-iyak. Yun din ang directions sa akin ni direk Frannie, ang huwag masyadong bumigay sa pag-iyak or else, mawawala sa eksena si Maria Clara."

Kumusta naman ang camaraderie ni Joel sa mga kasamahan niyang mga theater actors/actresses at staff sa Kanser2017?

"Okey naman kaming lahat", wika ni Joel. "Lahat sila ay dedicated sa mga respective roles nila. Although we're not that close still to share some personal things in our lives, lahat naman ay willing to share their professionalism pagdating sa mga performances namin. It's all give and take. At masaya kaming lahat dito."

Joel Molina is now soaring higher after KANSER2017:THE NOVEL. Plano na niyang tumanggap ng mga pelikula and bigger exposures on TV teleseryes. Bukod pa sa walang-sawang pagkuha sa kanya sa mga TV commercials and events.

"Portraying Crisostomo Ibarra further widened my horizons as an actor", pagtatapos na sabi ni Joel."May dala yata itong suwerte sa buhay ko. At sobrang ikinatataba ng puso ko na pawang mga kabataan ang napapaligaya ko whenever I act as Ibarra. Yun lang, masaya na ako. At salamat din po sa lahat ng pumuri sa acting ko dito- lalo ka na, kuya Robert. Mas lalo akong nai-inspire ngayon to do better and compete more."

Very well said, Joel. Keep it UP.


(written by robert silverio)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...