Ipinapakita ang mga post na may etiketa na rodolfor jackson. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na rodolfor jackson. Ipakita ang lahat ng mga post

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY

SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS

SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S.

EARLY CHRISTMAS GOODS FROM SIR RUDY

EARLY CHRISTMAS GOODS FROM SIR RUDY TO BE DISTRIBUTED SOON.

A FRIEND OF SIR RUDY RECEIVES THE AYUDA GOODS.

AYUDA GOODS FROM SIR RUDY

AYUDA GOODS FROM SIR RUDY

A FRIEND OF SIR RUDY RECEIVES AN AYUDA

MORE AYUDA GOODS FROM SIR RUDY

SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS

LUNCH TREAT FROM SIR RUDY JACKSON


CANNED GOODS WITH THE NAMES OF SIR RUDY'S FRIENDS LISTED.

Dahil sobrang higpit pa sa NAIA (Ninoy Aquino International Airpost), lalo na sa mga turista at Balikbayan na Pinoy, hindi pa magawang makauwi muli sa Pilipinas ng pilantropong si Rudy Jackson. Sobrang dami nang nakaka-miss sa kanya na mostly ay mga LGBT friends niya, dahil kapag narito siya sa Pilipinas ay hindi siya nawawalan ng mga activities and social gatherings with friends. Madalas din niyang i-treat for lunch and dinner ang ilan sa mga closest friends niya sa Pilipinas- which spanned for decades and years- magmula pa noong naninirahan pa sa Pilipinas si Sir Rudy at isang sikat na owner ng maraming night clubs and gay bars bansa.
Recently lang, naka-ilang padala ng mga ayuda si Sir Rudy sa mga kaibigan niyang nangangailangan ng tulong na pawang mga grabeng apektado ng Covid-19 Pandemic. Ang mga ayudang ipinadala niya ay pawang mga donated goods - mga biyayang natatanggap din niya sa Amerika na sine-share at binibigay din naman niya sa mga friends niya sa Pilipinas. Ganyan kabuti at katotoo ng nasa loobin ng puso ni Sir Rudy. Lalo na sa mga kapwa niya nabibilang sa ikatlong uri- tunay namang isa siyang dakilang ina-inahan.
Malayong-malayo rin ang pagiging totoo at maka-masa ni Sir Rudy, compared doon sa isa pang bar owner na nakilala din namin na puro awards lang ang gusto pero hindi naman appreciative sa mga kaibigan niyang bakla. Hindi na lang kami magsasalita, basta ngayon, napatunayan naming mas totoo pa rin ang isang RUDY JACKSON! Hindi ba, Pepito Alberto at Neck Moreno? True na true, di ba?
Anyway, habang naririyan pa rin si Sir Rudy, buo pa rin ang tiwala at ang nasa loobin ng mga Gay Impersonators at mga nagtatrabaho sa gay bars. Hindi sila pababayaan ni Sir Rudy na maisulong pa rin ang kani-kanilang mga talento at hindi tuluyang mamatay ang mundo ng live performances and night clubbing. Nakatitiyak kami, ipaglalaban iyan ni Sir Rudy!!!
Go lang ng go, Sir Rudy. Hihintayin namin na makabalik ka ule ng Pilipinas. We love you!!!

SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO
48
People Reached
26
Engagements
You and 5 others
5 Shares
Love
Comment
Share

RODOLFO JACKSON: ANG PIONEER NG MGA GAY BARS DITO SA PILIPINAS AY ISA NANG PILANTROPO NGAYON...


RODOLFO JACKSON: A SOFT HEART FOR FELLOW GAYS

SIR RUDY IN THE U.S.

SIR RUDY: PHILANTHROPIST

SIR RUDY: FOREVER YOUNG

FROM LEFT TO RIGHT: BLOGGER ROBERT, RODOLFO JACKSON, PEPITO ALBERTO AND FAMOUS FASHION DESIGNER DANNY DELA CUESTA



Isa nang U.S. Citizen ang sikat na bar owner at kaibigan ng mga celebrities na si Rodolfo Jackson (si Mr. Jackson po ang pioneer ng mga Gay Bars dito sa Pilipinas nu'ng Dekada '70's, '80's hanggang '90's). Pero taon-taon naman, he sees to it na makabisita muli sa Pilipinas bilang isang Balikbayan.
"Last year, 10 months akong nagbakasyon dito sa Pilipinas", bungad na sabi pa ni Mr. Jackson habang kausap ang isang blogger sa isang masaganang dinner treat. "Pero this time naman, hanggang February 2020 lang ako dito. Mas makli ang bakasyon ko ngayon kasi kailangan kong bumalik na agad din sa Amerika.

"Maganda kasi ang health service sa Amerika kaya nagpasya na rin akong doon na lang manirahan", dagdag pang sabi ni Mr. Jackson. "Iba ang serbisyo doon ng Gobyerno para sa mga tao. I am now 67 years old, and I decided to enjoy na lang my life and slow down."

Pero kung titignan mo si Sir Rodolfo, Rudy in short, ni wala siyang ka-wrinkles-wrinkles sa mukha, buo pa rin ang set of teeth niya at napaka-baby face.

"Basta ang ginagawa ko, tawa lang ako ng tawa", sey pa ni Kuya Rudy. "Hindi ko iniisip ang mga problema ko. At saka, ang misyon ko ngayon, mai-uplift pa rin ang mood ng mga kaibigan kong gays din. Gusto ko, maging masaya pa rin sila. Iniisa-isa ko silang pasyalan, i-meet, i-treat ng dinner, sa ganu'ng paraan, mapasaya ko man lang sila ay masaya na rin ako."

Mahal ng karamihan sa mga taga-industriya si Sir Rudy dahil kaibigan niya ang karamihan sa mga ito. Ayaw na lang magbanggit pa ng mga panglan si Sir Rudy baka kasi lumabas na "name-dropper" siya. Maski na ang mga modelong natulungan niya at sumikat, iniingatan din niya daw ang mga pribadong buhay ng mga ito.

Heto lang naman po ang mga naging pag-aari na mga bars, clubs and gay bars ni Mr. Jackson: ABBEY BAR, GAS LIGHT BAR (na sikat na sikat nu'ng Dekada '70) sa may Dutch Inn Hotel, CARACHI BAR, Bistro Manille (sumikat naman nu'ng Dekada '90's) , Ricardo's Disco sa may Padre Faura, Gay '90's Gay Bar, JUG"s Bar sa may Ermita Hotel noon, ang pinakasikat at pinaka-daring na Gay Bar nuong 1990's na ADAM AND EVE Gay bar, INSIDE BAR at ang klasikong EL BODEGON  Bar na kung saan pinagmulan ng napakaraming sikat na singers (ayaw na lang din naming i-mention).

"Nagsimula ang lahat nu'ng maging boyfriend ako ng isang gay performer noon na binansagan nilang Liza Minelli ng Pilipinas", kuwento ni Jackson sa isang blogger. "Hanggang sa later on, ako na ang pinag-manage sa mga bars, at nung lumaon, ako na mismo ang nagtayo na rin ng sarili kong mga bars.

"Ibang-iba noon keysa ngayon", dugtong na sabi pa ni Jackson. "Noon kasi, ay ART ang mga presentasyon sa mga gay bars, hindi basta kalaswaan lang. Saka noon, talagang puro bakla lang ang pumapasok sa isang gay bar. Ngayon, iba na. Nakakadismaya nang tignan kasi karamihan sa mga pumapasok na ngayon ng gay bars ay mga babae, mga japayuki's. Nakakailang nang tignan."

Kaya nga nag-desisyon na rin na manirahan na lang sa Amerika si Sir Rudy. Alam niya, nag-iba na ang takbo ng panahon at ang ihip ng hangin. Mas masaya na siya ngayon sa pagiging isang Pilantropo na lamang- ang pasayahin at ilibre ang mga kapwa bakla niya sa mga dinner-outs and night-outs.

"Wala na rin akong balak magtayo muli ng gay bars", pagtatapos na sabi ni Sir Rudy. "Kung sakaling mag-produce man ule ako ng shows, ido-donate ko sa Lola Divas ang proceeds ng shows. Advocacy ko na 'yan. Sobrang kay tagal din na panahon ang inukol ko sa entertainment industry, pero sa ngayon, mas mahalaga na sa akin ang mapasaya ko ang kapwa bakla ko", pagtatapos na wika pa ni Rodolfor Jackson.

MABUHAY KA, SIR RUDY!!!






(sinulat ni robert manuguid silverio)

RODOLFOR JACKSON WITH THE FABULOUS GAYS

RODOLFO JACKSON WITH THE FABULOUS GAYS


A GREAT DINNER, "EAT-ALL-YOU-CAN" STYLE WITH MR. JACKSON AND THE FABULOUS GAYS

ROBERT, RODOLFO, PEPITO AND DANNY


RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...