Ipinapakita ang mga post na may etiketa na FANNY TF SERRANO. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na FANNY TF SERRANO. Ipakita ang lahat ng mga post

PART TWO NG Q & A INTERVIEW ON FANNY TF SERRANO AS HE TALKS FURTHER ABOUT SHARON CUNETA, NORA AUNOR, PRESIDENT RODRIGO DUTERTE AND MORE!!!


FABBY TF SERRANO AND HER PET DOG NAMED "AZUZ". LOVELY!

COMEDIAN AIAI DELAS ALAS, FANNY TF SERRANO, AND MEGASTAR SHARON CUNETA IN THE U.S.

FANNY'S NOVUHAIR ADVERTISEMENT

FANNY (LEFT, STANDING) WITH HER DUBAI-BASED FILIPINO FASHION DESIGNERS

FANNY: PASSIONATE SOUL

FANNY AND HER SMILE

FANNY'S MAKEUP ON MEGASTAR SHARON CUNETA IN A MAGAZINE COVER

Kapag nakakatanggap kami ng mga positibong feedbacks from netizens sa isang naisulat namin, sobrang nakakagalak po ng puso dahil bihirang mangyari na ang bagay na iyon ngayon sa sobrang pagiging abala na these days ng mga tao. At lately nga, sa Part 1 ng aming interbyu kay Fanny TF Serrano, hayun, may mga nag-PM sa amin, nag-text, at nag-comment na ang ganda raw nung artikulo namin kay TF. Kaya naman heto, dahil na-uplift kami ay nagdagdag pa kami ng mga interview questions kay TF via his FB Messenger at napakabait naman ni TF na paunlakan pa rin niyang sagutin ang aming mga katanungan, lalo na ang last question namin about President Rodrigo Duterte na iniiwasan ni TF sagutin sa iba, kasi nga, baka may mga magtampo sa kanyang na nasa ibang panig. Anyway, very safe naman ang naging kasagutan sa amin ni TF sa last question na iyon. Kaya huwag na sanang magtampo diyan ang iba.

So there. Nasa ibaba po ang aming Part TWO sa Q & A na ito sa hinahangaan nating celebrity icon! Read on and cherish!!!

ROBERT SILVERIO:  TF, mas naging PASSIONATE ka ba ngayon sa mga tunay na mga artistikong bagay dahil natuklasan mong kapag wala kang ginagawa, doon mas naiipon ang mga artistic inclinations mo, like planting plants, designing clothers, and others more?

FANNY TF SERRANO: Never nawala ang passion ko in creating artistic ideas especially during my senior moments... I read kasi na dapat natin paganahin mabuti ang ating utak sa pagki-create ng iba't ibang artistic ideas para maiwasan ang kinatatakutan natin na dementia. Sa totoo lang, kung nakakapagsalita lang sana ang mga gamit ko sa bahay ay baka minumura na ako everytime na iniikot-ikot ko sila if I am in the mood of changing my interiorsπŸ€ͺ.  Like at the moment, biglang busy naman ako sa aking very own creations ng kinababaliwan ngayon ng mga plantitos/plantitas sa small garden ko at sa mga indoors ko. Ang sarap pala talaga ang mag-planting greens. Now I do have time also to spend a moment sa aking  small kitchen and learning to cook with my faithful kasambahay.  Kakatuwa pala ang maghalo lang ng mga niluluto ng cook ko. Aware ka naman for sure na highschool graduate lang ako at para naman madagdagan ang kaalaman ko I also spend my precious time to watch  sa YouTube some informative lessons that would truly give my brain a treasure to keep for a lifetime.

ROBERT SILVERIO:  TF, kumusta naman po ang friendship ninyo ngayon ni Sharon Cuneta? Mas tumitibay ba ito sa pagdaloy ng panahon?

FANNY TF SERRANO: This I want to shout it out... Loud and clear!!! Walang anumang bagay ang puwedeng makasira sa pagmamahalan namin ni Sharon Cuneta!!!  And what's the secret of our long lasting friendship? R E S P E C T with each other!!!

ROBERT SILVERIO:  May ginawa po kayong pelikula ni Nora Aunor recently, sa palagay mo po ba, mas lalo kang naging Noranian buhat nung magka-trabaho kayo sa isang pelikula?

FANNY TF SERRANO: Una kaming nagkasama ni GUY ay nuong gumawa kami ng isang dramatic episode sa ABS-CBN Star Drama Presents Nora Aunor, directed by Joel Lamanga.  Duon ko nakita ang ating  Superstar na totoong supportive sa mga katrabaho nya during our shoot... Super nawala ang mga daga sa dibdib ko nung sabihan nya ako after our first scene ng - 'Magaling ka talaga Tito Fanny.'... Unforgettable moments with the one and only THE NORA AUNOR.  So with our coming new film 'ISA PANG BAHAGHARI', directed again by Joel Lamangan ay naging reunion naming dalawa ni GUY at same pa rin ang nakita kong support nya especially sa mga new breed of stars na kasama namin sa film na ito.

ROBERT SILVERIO:  Ano naman po ba ang mga dreams mo para sa PICA, sa mga kapwa mo kasamahan sa beauty industry na naapektuhan rin po ng Pandemya? Wala po ba kayong naiisip na mga proyekto para sa kanila?

FANNY TF SERRANO:  I will be honest with my PICA family...as their President, I must admit na mahirap gumawa ng isang  project  ngayong Pandemic period pa sa buong mundo. Ang ginagawa ko na lang para sa kanila, I am now sharing to them as their inspirations, by posting my Hair & Make-Up photos from my past to present photo shoots and based sa mga positive reactions nila ay feeling happiness naman ako sIyempre.

Wait lang sila kasi we're meeting with my artistic team to start my- 'IT'S A FANNY DAY' beauty blog-, where I will be sharing to all beauty enthusiasts my very own GOD-given talent in Hair & Make-Up and more. PRAY PRAY and PRAY πŸ’•πŸ‘πŸ™πŸ™ŒπŸ’•

LAST QUESTION: Sa nangyayari po ngayong magaganda naman at positibo sa Gobyerno ni Pangulong Digong, mas lalo mo po ba siyang susuportahan ngayon?

FANNY TF SERRANO: Never nagbabago ang tiwala ko sa ating Tatay Digong at patuloy ko siyang susuportahan sa pamamagitan ng aking pagdarasal na patuloy siyang gabayan ng ating Panginoong Diyos ng Kanyang Holy Spirit of Strength, Wisdom and knowledge that will truly guide him na mapatunayan sa lahat ng naminiwala sa kanya at kasama na rin ang mga hindi naniniwala sa kanya na ang pagmamahal niya sa ating Inang Pilipinas ay bukal sa kanyang puso,

in Christ Jesus name amen πŸ’•πŸ‘πŸ™πŸ™ŒπŸ’•


----end of interview----


INTRO words and questions by ROBERT M. SILVERIO

ANSWERS by FANNY TF SERRANO herself



THREE QUESTIONS ON FANNY TF SERRANO ABOUT BEING A CHRISTIAN CELEBRITY IN THE HEIGHT OF THE PANDEMIC...

FANNY TF SERRANO WITH BLOGGER ROBERT

THIS PICTURE WAS AMONG FANNY'S INSPIRATIONAL FB POSTS.

FANNY TF SERRANO WITH HIS FELLOW CHRISTIAN CELEBRITIES

FANNY WITH A HUGE GROUP OF FELLOW CHRISTIANS

FANNY: "I JUST DISCOVERED MY BAUL OF MEMORIES"

FANNY: "SOBRANG KAPIT KAMI NGAYON SA ISA'T-ISA NA MGA KAPWA KO CELEBRITY CHRISTIANS"

FANNY: EVERGREEN

FANNY: A HEART OF A 17 YEAR OLD.

His Fb Posts helps ease the pains, the sorrows and hates. Sobrang nakakatulong ng malaki sa mga ordinary NETIZENS na naghahanap ng mga kasagutan sa viral world o kaya, mga NETIZENS na gustong ma-relaks ng kaunti lamang at kapag nabasa ang mga WORDS OF WISDOM ni FANNY TF SERRANO sa kanyang mga FB posts, tunay namang giginhawa ang pakiramdam. With that, mission accomplished si TF in performing his duties and tasks as a Celebrity Christian. Iilan na lang kasi silang mga Celebrities na ganyan. Who goes our of their way and their comfort zones just to reach-out for others. Yung iba, wala nang pakialam, eh. Mas aatupagin daw ng ibang mga celebrities diyan ang pagpapayaman, pakikipaglaban sa buhay, at pakikipag-suntukan just to survive. Kaya lamang, nakakalimutan na nila si JESUS CHRIST. 

Sa tatlong makakahulugang katanungan namin kay FANNY TF SERRANO sa ibaba, natuklasan namin na despite his senior age, his heart is as young as that of a 17-year old LGBT. Totoo siya, busilak at wagas.

 Read on and cherish below our three questions with a celebrity icon named Fanny TF Serrano and his three answers. It will surely melt your hearts: 

ROBERT SILVERIO: TF, ano po ang request mo para sa mga kasamahan mong kapwa artista at Christians sa showbiz ngayong may pandemya pa rin? Hinihiling mo po ba sa kanila na ituwid na ang mga naging pagkakamali nila sa buhay bilang isang nagmamalasakit na kaibigan? 

FANNY TF SERRANO: Sa totoo lang...sino ba ako para pagsabihan ang mga kapwa ko showbiz celebrities na baguhin na ang anumang kamalian na nagawa nila sa kanilang buhay? I must admit na marami pa rin akong dapat ilapit sa Panginoong Diyos ng mga sarili kong kamalian sa aking Christian walk. During this pandemic ay ang dami kong na-realize through my prayers and quiet time na ang dami kong nasaktan na tao, naging judgemental ako sa kapwa ko at nagkakasala pa rin ako sa aking isipan, sa salita at sa aking gawa. Praise God at patuloy na pinanghahawakan ko ang promise ni Lord that He will never forsake me nor leave me. Kaya malaking tulong ang pagbibigay ko ng aking oras sa pag-aaral sa Salita ng Panginoong Diyos (The Bible), attending our Zoom Bible Study with my Legends family and sharing God's Spiritual messages kahit alam ko na nagiging negative na sa iba ang mga FB spiritual postings ko. I am sooo sorry if ever yun ang reaction nila...I am just doing the responsibilities of a Christian bestowed upon me...sharing the Word of GOD. 

 ROBERT SILVERIO: TF, paano po kumikilos sa mga panahon na ito ang mga CHRISTIAN celebrities na tulad mo para makatulong sa kapwa niya Pilipino sa panahon ng Pandemya? 

FANNY TF SERRANO: I realized na lalong tumibay ang kapit namin na mga Christians sa isa't isa, celebrity man or ordinary sister/brother in Christ. Naging supportive kami within our congregation sharing the Word of God, praying with one another and attending Zoom Bible study. Sabi nga ng Panginoong Diyos na: "Magpalakasan kayo sa isa't isa at magpakatibay sa pamamagitan ng pagdarasal." At siyempre naman...patuloy kaming nagsi-share sa mga kaibigan namin na hindi pa tunay na nakakakilala sa puso ng ating Panginoong Diyos na tunay na nagmamahal, nagpapatawad at nagbibigay ng Kaligtasan in Christ Jesus' name. Amen πŸ™ 

ROBERT SILVERIO: Last question po, TF. Ano po ang mga na-realize mo sa panahon ng Lockdown? Anorin po ang mga nadiskubre mong mga bagay na nagpalugod sa iyo? 

FANNY TF SERRANO: WoW πŸ€— Super happiness cuz I amazingly discovered from my 'baul ni TF' a lot of my personal things, memories of my pasts, and a lot more na feeling ko ay nawala na talaga sa sobrang higpit ng pagtatago ko (actually hindi ko lang talaga maalala kung saan ko naitago) or umaatake na ang aking senior moments.πŸ€ͺAnd of cors naman, ang family bonding moment namin sa bahay...even yung mga ibang kapatid at mga pamankin ko at friends ko na sharing their expertise sa pagluluto ay nakakapagbigay ng heartfelt happiness sa akin during this pandemic...Truly an 'Ayuda da Gracia' πŸ’•πŸ™πŸ’• 


----end of interview----- 


questions and INTRO words by robert m. silverio answers by ms. fanny TF serrano herself.***


FANNY TF SERRANO, SOBRANG NAMI-MISS NA ANG MGA KLIYENTE NIYA SA SALON NIYA!

 

TF with blogger robert
one fine day at the FANNY SERRANO SALON

tf (partly facing backwards) while doing make-up for a client

TF: full of wisdom

TF sspells GLAMOUR

TF: misses his salon clients




Bukas ay matatapos na raw ang MECQ at babalik na muli tayo sa GCQ na medyo mas maluwag. Wala nang choice kasi ang Gobyerno natin dahil baka mas dumami pa ang mga Pilipinong mamatay dahil sa gutom at hindi dahil sa Covid-19 Pandemic na 'yan. Kailangan na uli nating humarap sa "battle lines" para sa ating ekonomiya dahil ubos na rin ang budget ng Gobyerno para sa pang-Ayuda.

Kaya naman si Tita Fanny, na mas kilala sa showbiz bilang si 'TF', a.k.a. Fanny Serrano ay mas pinagbubuti at mas pinaghahanda na ang kanyang Fanny Serrano Beauty Salon sa oras na payagan na muli ng Gobyerno natin na buksan na ang mga beauty salons na basic necessity naman dahil kung hindi tayo magpapagupit ng buhok o magpapaganda, baka magmukha na tayong mga Java Man nuong panahon ng Dinosaur ages. Hahahaha!

Kamakailan lang nga, nag-post si TF ng mga larawang kuha sa loob ng beauty salon niya, habang ginugupitan niya ang mga SUKI o regular clients niya na sobrang na-miss na niya. Kasi, si TF, may 'personal touch' sa bawat kliyente niya. He doesn't treat them as merely customers lang. He bonds with them, makes them feel relaxed and takes-off their negative and low feelings kapag nagse-share na siya sa mga ito ng mga Words of Wisdom and Biblical verses. Isang trait and value iyan ng mga true-blooded Christians na tulad ni TF.

We predict, mas dadami pa at mas dudumugin pa ang beauty salon ni TF sa Tomas Morato Ave. sa oras na matapos na ng tuluyan ang Pandemya. Going to a beauty salon kasi is very therapeutic and recharging to both your body and soul. Kapag nakita mong gumanda ka at mas nagmukhang bata, nali-lift-up ang spirits mo. At lalo na ngayong marami sa mga Pinoy ang naapektuhan morally, spiritually and mentally ng Covid-19 health virus, kailangan ng mga ito ng pampering, bonding at pangangalaga na magmumula sa isang beauty expert na tulad ni Fanny Serrano.

Yes, we did miss the "FANNY SERRANO TOUCH" face-to-face. But in the meantime, sobrang nabubusog rin kami sa mga FB Posts ni TF na mostly about Jesus Christ, Christianity and spirituality. Gumagaan kasi ang pakiramdam namin sa tuwing mababasa at makikita ang mga meaningful FB posts na iyon ni TF.

"It's my own way of sharing myself to everyone, that, in my own little way, via my viral posts ay may maa-uplift akong kababayan kong Pinoy sa mga panahong ito", tanging nasabi na lamang ni TF sa isang blogger-friend niya.

Keep it up, TF! We love you.


(sinulat ni robert manuguid silverio)

FANNY TF SERRANO AND THE MAGNIFICENT BAMBOO TREE (A SPECIAL TRIBUTE)....




ONCE UPON A TIME, WE SAW AND READ A VERY MEANINGFUL FACEBOOK POST FROM A CELEBRITY WE DO ADMIRE...

IT WAS WRITTEN SO HONESTLY AND SO TRUTHFULLY,

IT'S SO CLEANSING, AND THE WISDOM OF THE WORDS PENETRATED US, DEEP WITHING THE VERY RECESSES OF OUR SOULS...

THE WORDS THAT THIS CELEBRITY WROTE WERE ABOUT A BAMBOO TREE...

THAT THE HIGHER THE BAMBOO TREE GROWS, THE DEEPER IT BOWS...

AND THE MORE THAT THE BAMBOO TREE BENDS, IS MUCH STRONGER THAT THE OAK TREE THAT RESISTS.

BEAUTIFUL WORDS, INDEED.

IMMORTAL WORDS FROM BOTH CHINESE AND JAPANESE PROVERBS.

AND THE CELEBRITY WHO REMEMBERED THOSE WORDS, INDEED, SYMBOLIZES THE VERY MEANING OF HIS EXISTENCE...

THAT, THE BIGGER CELEBRITY AS HE COULD BE,

THE MORE HUMBLE HE BECOMES.


AND WHO IS THIS CELEBRITY?

HE IS NO LESS THAN MS. FANNY 'TF' SERRANO...

HAIR AND MAKE-UP ARTIST.... TRENDSETTER FOR THE STARS.... ICON IN THE BEAUTY INDUSTRY... ACTOR.... ENDORSER.... ONE OF THE BEST CROSSOVER ARTISTS IN THE PHILIPPINE ENTERTAINMENT INDUSTRY.

MOST OF ALL, A FRIEND TO EVERYONE.

A SECRET PHILANTHROPIST.

AN ADVOCATE.


AND,

JUST LIKE THE BAMBOO TREE THAT BENDS EVERY TIME THE WIND BLOWS HARD,

IT STILL STANDS BRAVE AND STRONG AMIDST THE PASSING OF TIME,

SO BEAUTIFUL TO LOOK AT,

AND SO MUCH MAGNIFYING IN PRESENCE AND FORM.


FANNY TF SERRANO AND THE MAGNIFICENT BAMBOO TREE ARE JUST BOTH AS "ONE".

HUMILITY AT ITS FINEST EMBODIMENT.


AND A CERTAIN KIND OF LOVE THAT CAPTURES

YOUR VERY SOUL

INTO THE VERY VAST ETERNITY


OF



FOREVER.




(a special tribute by robert manuguid silverio to his friend, fnny tf serrano, written july 7, 2020).*
photos were not captioned to create a more dramatic feeling.--rms*




MS. ASTER AMOYO INTERVIEWS BEAUTY ICON FANNY SERRANO IN ABANTE'S CELEBRITY TALK...



FANNY SERRANO: from rags to riches



Nang panoorin namin ang Celebrity Talk video na ito sa YOUTUBE.COM (nasa itaas), na isang one-hour program ni Tita Aster Amoyo sa Abante Tonite viral website, talagang tinapos namin mula sa umpisa hangga't sa huli. Gustong-gusto kasi namin ang pagka-casual ni TF bilang interviewee at ang pagka-smart naman ni Tita Aster bilang interviewer.

Bukod pa diyan, talagang namangha kami sa Life Story ni TF, hindi niya ikinahihiya kailanman na nanggaling siya sa hirap, nagpunyagi, naging Salon Owner, naging aktor, at isang tunay na Anak ng Sining.

Kaya naman sa pagiging very inspiring ng Youtube vid na nasa itaas, naisipan naming i-blog para maging inspirasyon sa karamihan. Na hindi sagabal ang kahirapan para tumayo at lumaban ka sa buhay. Taglay ang banayad na puso ni TF, at ni minsan, hindi siya nantapak ng kapwa-tao niya, ang tagumpay at respeto sa kanya ay hindi ipinagkait ng Diyos.

Maraming salamat sa magandang interview na ito, Aster Amoyo.

Maraming salamat din sa pag-SHARE mo sa buhay para sa aming lahat, TF!





(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)





TITA FANNY SERRANO's GREATEST LOVE FOR HIS MOM (a special Mother's Day blog post)


tf: a loving heart


Ilang beses na naming nakita ang magandang INA ni Tita Fanny Serrano sa mga okasyon at events mismo ni TF (Tita Fanny). Pero mas madalas, nakikita namin siya sa beauty salon na pag-aari ni TF. Sosyal na sosyal ang hitsura niya at pananamit. Laging naka-postura at naka-ayos. Nakaupo lang siya kadalasan sa receiving area ng beauty salon ni TF. At ang presensya niya sa Salon, nakakapagpa-dagdag ng glamour, motherly feeling, warmth and affection sa "ambience" ng beauty salon ni TF.

Naisip namin, sa tuwing makikita namin ang INA ni TF sa beauty Salon niya, mas nagdadala ito ng suwerte sa buhay, pagibig at negosyong pagpapaganda ni TF. Ang mga ina kasi, sila talaga ang nagbibigay-suwerte sa atin sa tuwina. Sila din ang laging nag-aasikaso sa atin, nagbabantay, nagmamalasakit. Kaya ang presensya ng mga ina sa ating mga gawain, sadyang nagdudulot iyon ng kakaibang suwerte at pagmamahal.

Yes, it's Tita Fanny's greatest love for his mom that made us idolize him and adore him more. 'Yung magandang imahe na naipakita niya sa mga tao, masasabi naming hindi lang sa panlabas na pang-iimpress lamang, kundi mas higit mo siyang hahangaaan sa personal niyang buhay.

Kasi, hindi ba, CHARITY BEGINS AT HOME. Kung wala kang charity at pagmamahal sa mismong loob ng iyong tahanan, na dapat ay iyon ang mas unahin mo, paano mo masasabing isang ganap na mabuting nilalang ka?

Kaya sa pagmamahal na ibinigay ni Tita Fanny sa kanyang ina, doon namin mas na-assure na isa nga siyang napakabuting tao.

Kaya, HAPPY MOTHERS DAY SA IYO, GINANG ROSARIO "CHARING" FAUSTO!

Kung wala ka po, Ate Rosario, walang Tita Fanny ngayon na napakalaki ng naitulong at naiambag sa industriya ng pelikula, teatro, telebisyon at pagpapaganda.

Sa magandang pagpapalaki mo, Ate Rosario, naging magandang ehemplo rin si Tita Fanny sa lahat ng mga nasa third sex- sa mundo ng LGBT na sobrang tinitingala siya.

Bata pa kami, napanood na namin si Tita Fanny sa Teatro. Ito ay sa dulang "Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat", isang klasikong dula na sinulat ng yumao kong NINONG- si Orlando Nadres. Mula nuon, sobra na ang paghanga namin kay TF.

At mas lalo rin naming hinangaan si TF sa pagsuporta niya kay Presidente Rodrigo Duterte. Napatunayan namin ng husto, hindi nagkamali si TF para mag-endorso ng isang tunay na Presidente para sa bansang Pilipinas. Ipinaglaban niya ng husto ang ating Pangulo.

HAPPY MOTHER'S DAY, TF. Isa ka ring INA para sa akin. Kasi, tulad ko, napakarami mong inarugang mga "anak-anakan". Kaya kung wala ka, paano na kami?

INDEED, MOTHERS ARE THE BEST HUMAN BEINGS IN THE WHOLE WIDE WORLD. MABUHAY!!!!





(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS COURTESY OF FANNY SERRANO.*
BONUS PICS BELOW, TF'S MOM WORKING AT THEIR HOUSE: ("Nagagalit Mom ko kapag sinasaway ko siyang huwag magtrabaho. She is now 87 years old."--TF*)



TF AND HIS MOM


tf with blogger robert
TF with his most-loved pet dog



RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...