TF with blogger robert |
one fine day at the FANNY SERRANO SALON |
tf (partly facing backwards) while doing make-up for a client |
TF: full of wisdom |
TF sspells GLAMOUR |
TF: misses his salon clients |
Bukas ay matatapos na raw ang MECQ at babalik na muli tayo sa GCQ na medyo mas maluwag. Wala nang choice kasi ang Gobyerno natin dahil baka mas dumami pa ang mga Pilipinong mamatay dahil sa gutom at hindi dahil sa Covid-19 Pandemic na 'yan. Kailangan na uli nating humarap sa "battle lines" para sa ating ekonomiya dahil ubos na rin ang budget ng Gobyerno para sa pang-Ayuda.
Kaya naman si Tita Fanny, na mas kilala sa showbiz bilang si 'TF', a.k.a. Fanny Serrano ay mas pinagbubuti at mas pinaghahanda na ang kanyang Fanny Serrano Beauty Salon sa oras na payagan na muli ng Gobyerno natin na buksan na ang mga beauty salons na basic necessity naman dahil kung hindi tayo magpapagupit ng buhok o magpapaganda, baka magmukha na tayong mga Java Man nuong panahon ng Dinosaur ages. Hahahaha!
Kamakailan lang nga, nag-post si TF ng mga larawang kuha sa loob ng beauty salon niya, habang ginugupitan niya ang mga SUKI o regular clients niya na sobrang na-miss na niya. Kasi, si TF, may 'personal touch' sa bawat kliyente niya. He doesn't treat them as merely customers lang. He bonds with them, makes them feel relaxed and takes-off their negative and low feelings kapag nagse-share na siya sa mga ito ng mga Words of Wisdom and Biblical verses. Isang trait and value iyan ng mga true-blooded Christians na tulad ni TF.
We predict, mas dadami pa at mas dudumugin pa ang beauty salon ni TF sa Tomas Morato Ave. sa oras na matapos na ng tuluyan ang Pandemya. Going to a beauty salon kasi is very therapeutic and recharging to both your body and soul. Kapag nakita mong gumanda ka at mas nagmukhang bata, nali-lift-up ang spirits mo. At lalo na ngayong marami sa mga Pinoy ang naapektuhan morally, spiritually and mentally ng Covid-19 health virus, kailangan ng mga ito ng pampering, bonding at pangangalaga na magmumula sa isang beauty expert na tulad ni Fanny Serrano.
Yes, we did miss the "FANNY SERRANO TOUCH" face-to-face. But in the meantime, sobrang nabubusog rin kami sa mga FB Posts ni TF na mostly about Jesus Christ, Christianity and spirituality. Gumagaan kasi ang pakiramdam namin sa tuwing mababasa at makikita ang mga meaningful FB posts na iyon ni TF.
"It's my own way of sharing myself to everyone, that, in my own little way, via my viral posts ay may maa-uplift akong kababayan kong Pinoy sa mga panahong ito", tanging nasabi na lamang ni TF sa isang blogger-friend niya.
Keep it up, TF! We love you.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento