Ipinapakita ang mga post na may etiketa na YUL SERVO NIETO. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na YUL SERVO NIETO. Ipakita ang lahat ng mga post

YUL SERVO, DSWD WORKERS, JOEY SARMIENTO, NONIE NICASIO, TULFO BROTHERS, NORMITA & CHRISTIAN TY, AT GAWAD AMERIKA: MGA ANGHEL NA NAGTAWID SA AMIN SA COVID-19 PANDEMIC....


CONG. YUL

CHRISTIAN TY & MOM NORMITA

ERWIN & RAFFY TULFO


JOEY SARMIENTO AND GAWAD AMERIKA

MR. NONIE NICASIO and his 3 lovely angels

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE


Congressman Yul Servo Nieto, the DSWD workers and volunteers, two angel-volunteers of a Senator, Joey Sarmiento, Nonie Nicasio and TEAM, the Tulfo brothers, Normita Ty and son Christian Ty and Gawad Amerika group of people....

Sila po ang mga buhay na ANGHEL na tumulong sa blogger na ito (AKO) para makatawid kami ng mahinahon at malumanay sa mga delikadong panahon na ito ng Covid-19 Pandemic and health crisis, na hindi lang naman sa Pilipinas nagaganap sa mga panahon na ito kundi maging sa buong mundo.

We all need one another, we must all protect each other, we must always be there for one another.

Pero kapag ang kapatid mo o kasamahan ay walang magawa at apektado talaga ng sitwasyon, hindi talaga ito makakakilos. Kailangan niya ng PANTAWID.

At sa muli, napatunayan namin na totoo nga ang kasabihang "No Man Is An Island". Na hindi ka mabubuhay sa mundong ito ng nag-iisa. Kakailanganin mo't kakailanganin talaga ang tulong at pagmamalasakit ng kapwa tao mo.

Hindi naman siguro ito panahon para mag-INARTE ka pa, o magpa-IMPORTANTE. Hindi darating ang tulong sa iyo kung hindi ka sisigaw, magpapa-alala o aabot-kamay sa iba. Huwag nang pairalin ang PRIDE o anumang CORPORATE NA KAEK-EKAN para sa mga tulad kong hindi naman 'Elitista' o mayaman. Kabilang ako sa MASA, sa mga ordinaryong Pilipino na kumakayod lamang sa pang-araw-araw.

Sina Joey Sarmiento at Nonie Nicasio, dalawa lamang sila sa mga kasamahan ko sa hanapbuhay na sobrang nag-coordinate at nakipag-kontakan sa isang Senador, at, kay Congressman Yul, sa DSWD at iba pa, para maipamahagi sa mga kapwa manunulat din nila ang mga 'package goods' at Ayuda.

Sa dalawang volunteer staff ng isang Senador na personal na nagpunta sa aming tahanan upang ibigay ang sampung kilong bigas at dalawang supot ng mga canned goods at noodles.

Kina Ma'm Janneth Lamera at Rommel Lachica na mga government workers/volunteers ng DSWD na personal ding nagtungo sa aming tahanan upang ibigay ang aming AYUDA.

Kay Congressman Yul Servo Nieto na isang Pm/text lang namin (dahil pinsan po namin si Cong. Yul), ay agad namang sumagot at hindi nagmaramot ng maitutulong niya sa amin.

Sa Tulfo brothers na sina Raffy Tulfo at Erwin Tulfo sa mga supot ng bigas.

Sa mag-inang sina Normita Sy at Christian Ty sa kaunting financial help na taos-puso nilang ipinarating.

At sa Gawad America group of people sa kanilang food package.

Pero higit sa lahat, kay PRESIDENTE RODRIGO 'DIGONG' DUTERTE dahil sa kanyang inisasyon at pagi-implemento sa Gobyerno ng pagbibigay Ayuda o tulong sa mga taong mas higit na naapektuhan ng Covid-19 Pandemic. Salamat po, DIGONG!

Sa muli't muli, SALAMAT PO.

Sa panahon ng krisis, naririyan pa rin ang mga BUHAY NA ANGHEL-, maglilingkod, mag-aagapay.

Mas gagaan ang buhay at mga pasanin nating lahat kapag naririyan sila.


Kaya mula sa kaibuturan ng aming puso, SALUDO KAMI SA INYO, PILIPINO!





(sinulat ni Robert Manuguid Silverio)


A TYPICAL "BAYANIHAN" SPIRIT/IMAGE




"SALUDO, YUL SERVO! SALUDO, PILIPINO!"



Sa more than 35 years ko na as a showbiz writer na naging blogger at publicist na rin ngayon, isa sa maipagmamalaki ko at isa rin sa greatest achievement ko ay ang pagkakaroon ko ng isang YUL SERVO (Yul Servo Nieto) sa buhay ko. Si Yul po ay aking PINSAN. Pero hindi lang 'yun, maski siguro bumalik sa mundo ang yumaong direktor na si Maryo J. Delos Reyes (R.I.P.) ay maga-attest siya mismo na hindi niya mapapansin ng husto ang potentials and promise ni Yul Servo kung hindi namin siya ginatungan at nag-insist sa kanya na mapapasikat niya nuon ang "mukhang bubwit o maliit na daga" na binatilyong naga-apply maging talent niya noon at nag-workshop na ng theater acting sa Gantimpala Productions nina direk Jun Pablo.

Sa una, hindi gaanong pinapansin ni direk Maryo si Yul. Pero later on, nakitaan niya ito ng tiyaga, kabaitan at kababaang-loob na tumusok sa puso ng yumaong veteran film master. At minsang nakita ni direk Maryo J. ang mga litrato ni Yul na ako mismo (yes, ako po) ang kumuha ng mga litrato na naka-pose si Yul sa swimming pool ni direk Maryo J. sa resthouse nito sa Pansol, Laguna ay namangha si direk Maryo at nalaman niyang photogenic ang batang Yul noon. Kakaiba ng karisma.


Nagpakita si Yul ng sipag at dedikasyon sa career niya bilang isang aktor, at doon lalong napabilib si direk Maryo. Kaya ng lumaon, nagbida na si Yul sa critically-acclaimed film ni Lav Diaz na "Batang Westside". Naging award-winning actor din si Yul.


Hanggang sa pumasok sa Politika si pinsan Yul. Naging Konsehal at ngayon ay isa nang Congressman.
Hindi nagbago si Yul. Kapag kausap namin siya, parang tulad lang nung dati. Walang pader, walang pagbabago. Personal siyang sumasagot sa mga text messages namin.


Proud ako na kadugo ko si Yul, mula kami sa probinsya ng Bulacan. At maski gaano man kababa o ka-humble ang pagiging isang manunulat ko, at tuwing maiisip ko na naging kaparte rin ako kahit papa'no sa buhay ni Yul, I feel so proud talaga.



Saludo ako sa iyo, pinsan Yul. Saludo, PILIPINO!


At.... salamat.





SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO



CONGRESSMAN YUL SERVO: GOOD SERVANT OF THE PEOPLE

captivating yul

cong. yul with blogger robert

si congressman YUL SERVO NIETO at ang SINING ng Maynila....

yul speaks from the soul and the heart, and for all the MANILENYOS

YUL WITH THE NAME "JUAN LUNA ST." AT THE BACKDROP: A VISION FOR THE "ARTS" IN MANILA.






Ang bawat siyudad ay may KALULUWA. Aminin man natin o hindi, tayong lahat ay hindi basta lamang mga materyal na bagay na walang PUSO at DAMDAMIN. Maging nasa panahon man tayo ng METALLICA, o MILLENIAL o BAKAL, ang bawat nilalang na nabubuhay sa isang lugar,- mapa-Maynila man ito o Makati- ang siyudad na kinatitirikan nilang lahat ay may KALULUWA.

Mapa-anuman ang kaluluwang iyon, sabihin na nating ang kaluluwang iyon ay nagtataglay ng mga puso at iba't-ibang DAMDAMIN. Mga iba't-ibang kulay din, na hindi basta masasagot ng pang-araw-araw na buhay. O ng isang tinapay na kakainin sa hapag-kainan tuwing almusal o pagka-gising.

Nakakalungkot mang malaman, mismong sa bibig na ni Congressman Yul Servo Nieto nanggaling, na maski ano'ng gawin niyang pukpok na maiantas ang Sining sa Maynila, sadyang hindi na ito ang prayoridad sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao doon. Pero inilaban pa rin ni Congressman Yul, at nagtayo pa rin siya ng mga sari-saring programa na maiuugnay ang Sining sa Puso at Diwa ng bawat taong nasa Maynila.

Marahil, kagagawan na rin 'yan ng mga kapus-palad na mga magulang ng bawat kabataan o tao sa Maynila. Dahil sa sentro ang Maynila ng Komersyalismo at Kapitalismo, ang Sining ay napasasa-walang-bahala na lang. Itinuro na ng mga magulang sa Maynila sa mga anak nila ang mas paboran ang kalusugan nila at iba pang mga "basic necessities" para mabuhay.

Pero alam ba nila na ang Maynila ay mananatiling Maynila? Na ang Maynila, opo, tunay pong may PUSO ito at KALULIUWA.

"Biruin mo, Kuya Robert, napag-Acting Workshop ko doon sa Maynila ang mga solvent boys at trouble makers?", pahayag ni Yul sa pinsan niyang blogger. "Na imbes na maging addicts sila, naipalabas ko ang mga talento nila sa pag-arte. Hehehe... Kaso lang nga, talagang mahina ang feedback kapag ukol sa Sining ang mga proyekto ko. Karamihan sa kanila, hindi pinapayagan ng mga magulang nila na umarte o magpinta o magsayaw o kumanta. Mas gusto nila, 'yung seguridad sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang tao.

"Pero hindi naman po ako tumitigil, Kuya Robert", dagdag na wika ni Yul. "Ipaglalaban ko pa rin po ang Sining para sa Maynila. Bilang isang aktor at taga-Sining din, siyempre naman, gusto ko ring ipaglaban 'yan talaga dahil iyan ang tininuro sa akin ng mentor kong si direk Maryo J. delos Reyes. Lumaki din po kasi ako sa Teatro at pelikula. Galing ako sa Gantimpala Theater Foundation bago ako nadiskubre at naging artista ni direk Maryo J. Tapos, nag-Tanghalang Pilipino din ako. Kaya nasa mga ugat ko na rin talaga ang pagmamahal sa Sining maski Congressman na ako ngayon.

"Hayaan mo, Kuya Robert, habang nakaupo ako sa pagiging isang Congressman, hindi ko pababayaan ang Sining sa Maynila", pagwawakas na sabi ni Yul. "Kasi, alam ko din po, na ang Sining ang puso at kaluluwa ng bawat Siyudad."

Naipangako nuon ni Yul sa mga naging kampanya niya, na ang Metropolitan Theater ay bubuhayin niyang muli kapag siya nakaupo na sa Kongreso. In fairness, ipinaglaban naman ni Yul ang Metropolitan Theatre. Kaya lamang, sa ngayon, ito'y napunta na sa ilalim ng pangangalaga ng NCCA (National Comission for Culture & the Arts).

"Nire-revive na po nila ngayon ang MET, Kuya Robert", pahabol na sabi ni Yul. "At ang NCCA  na po ang bahala du'n. Nasa restoration process na po sila."

Si Yul, laking Maynila. Lumaki sa tabi ng Divisoria. Nagkamalay sa Tondo. Mananatiling mababa ang loob. Makatao.

Dahil si Yul at ang Maynila? Sila ay IISA.

At ang SINING ng Maynila ay mananatili rin... 

sa


HABANG PANAHON.




(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS ABOVE AND BELOW, COURTESY OF YUL SERVO'S FB PAGE AND OFFICIAL PHOTOGRAPHERS (credits goes to the real owners)***









UNANG PASKONG WALA SI DIREK MARYO J. DELOS REYES SA PILING NATING LAHAT... (ISANG SENTIMENTAL NA ALAY SA ARAW NG PASKO)....

this blogger with kristoffer martin and some kids at direk maryo j.'s (r.i.p.) traditional january 1 party in the year 2013

in a dream, direk maryo j implied to someone that he wants his LEGACY and TRADITION to continue on


sister candy cortez grieves over the body of a sleeping maryo j. sister candy is direk maryo's co-warrior at OASIS OF LOVE community

blogger robert with bro. rez cortes, xavier cortez, carizza cortez and sis candy caortez at their home one christmas day a few years ago. the cortez family are direk maryo j.'s closest friends.




SA PAGPAPATULOY NG BUHAY, HINDI MAIAALIS NA KASABIKAN PA RIN NATIN ANG MGA TAONG NAGMARKA NG HUSTO SA MGA PUSO NATIN- LALO NA SA MGA KAPUSO NIYA SA GMA-7 TV NETWORK....

DAHIL NAPAKALAKI NG NAI-CONTRIBUTE NIYA SA MUNDO NG SHOWBIZ, AT ANG PAGKAWALA NIYA AY TUNAY NA IKINALUNGKOT NG NAKAKARAMI. LALO NA SA MGA PERSONAL NIYANG MGA KAIBIGAN SA LOOB AT LABAS NG SHOWBIZ...

MARAHIL, KARAMIHAN SA MGA KAIBIGAN NIYA AY NAKA-MOVE-ON NA, DAHIL IYON NAMAN KADALASAN ANG SINASABI NG IBA- "YOU HAVE TO MOVE-ON".

PERO MAY KAKAIBANG LEGACY NA INIWAN SI DIREK MARYO J. DELOS REYES PARA SA LAHAT. AT SA MGA TAONG MALALAPIT SA KANYA, DAPAT NA ITULOY NILA ANG LEGACY NA IYON.

SA DINAMI-DAMI NG MGA TALENTS NA TINULUNGAN NIYA...

MGA ARTISTANG BINIGYAN NG TRABAHO, SUPORTA AT INSPIRASYON PARA MAGPATULOY...

MGA YOUNG INDIE FILM MAKERS NA BINIGYAN NIYA NG MOTIBASYON NA MAGSIMULA...

MGA MANUNULAT NA TULAD KONG BINIGYAN NIYA NG "BREAK" SA PAGIGING ISANG SCRIPTWRITER NG PELIKULA...

SA MGA KASAMAHAN NIYA SA SHOWBIZ, PEERS, CO-DIRECTORS, AT MGA  KATRABAHO SA CHANNEL 7...

SA MGA KASAPI NG SPIRITUAL CATHOLIC GROUP NA OASIS OF LOVE COMMUNITY NA WALANG SAWA NIYANG KINALINGA... LALONG-LALO NA SA MAG-ASAWANG REZ CORTEZ AT CANDY CORTEZ NA SOBRANG NAGPAHALAGA SA KANYA AT CO-WARRIORS NIYA SA OASIS OF LOVE...

AT SA MGA MEDIA FRIENDS NIYANG INAKAP NG MAHIHIGPIT BAGO SIYA NAWALA SA MUNDONG ITO.

ALAM MO, ALAM KO, ALAM NILA, AT ALAM NATING LAHAT-

NAG-IISA LANG PO SI DIREK MARYO J.

KAYA SANA, MAAALALA PA RIN NATIN SIYA, KAHIT PAMINSAN-MINSAN LANG.


SA JANUARY 1, 'YUN ANG TRADITIONAL CHRISTMAS PARTY NI DIREK MARYO J. PARA SA LAHAT. SANA, MAY MAGPATULOY PA RIN NG KANYANG TRADISYON NA IYON.

SANA MAKAPILING KO SA ARAW NA IYON ANG MGA DATI KONG KAIBIGAN SA PUDER NI DIREK MARYO J.,
MGA DATING NAKA-INUMAN, NAKA-SWIMMING SA PRIVATE RESORT NIYA SA PANSOL AT RESTHOUSE SA BATANGAS, MAGING SA APARTMENTS NIYA SA BOHOL...

MGA NAKA-BONDING, NAKA-HALAKHAKAN, NAKA-KANTAHAN SA VIDEOKE NI DIREK...

SANA, MAKASAMA KO PA RIN MULI KAYONG LAHAT.


DAHIL SA MGA PANAGINIP KO KAY DIREK MARYO J., TILA MAY SINASABI SIYA.


NA MISS NA MISS NA RIN NIYA TAYO, AT GUSTO NIYA-

MAKASAMA PA RIN TAYO




HABAMBUHAY.




(sinulat ni robert manuguid silverio)


(pahabol: CONGRESSMAN AT PINSAN KO- YUL SERVO, MAKAKAASA BA AKO na itutuloy mo ang LEGACY at TRADITION ni direk maryo j. sa january 1?-- R.S.)*















ISA PANG SULYAP NI YUL SERVO PARA KAY DIREK MARYO (R.I.P.)...

one of the very last photographs of yul servo beside his mentor, the late maryo j (r.i.p.)

yul with his media friends and direk maryo (r.i.p.)

yul with his staff and guests in an event in Manila, together with his mentor at the far right- direk maryo j. (r.i.p.)

yul with his fellow law-makers at the Congress

yul works alone

the smiling yul

yul: actor & congressman


Huling gabi 'yun ng lamay sa burol ng dakilang direktor na si Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) Halos iilan na lang ang mga tao sa loob ng Loyola Memorial Chapels sa may Commonwealth Ave. Nangarag na siguro halos lahat dahil bandang alas-kuwatro pasado na 'yun ng madaling-araw. Ang production staff ng Production 56 people ni direk Maryo, may rooms sa itaas at bandang kitchen area sa may ibaba, at karamihan ay doon na nagsipagtulugan. Dalawang tao na lamang ang nanatiling gising sa mga huling sandali na iyon ni direk Maryo J. sa lupa- sila ay sina Congressman Yul Servo Nieto at ang blogger na nakahiga sa may harap ng mahabang upuan sa bandang kanan ng Chapel- (ako po 'yun, ang blogger na ito.- Robert*).

Hindi alam ni Congressman Yul, nagising 'yung blogger na 'yun mula sa sandaling pagka-idlip. Napadilat ito, at nakita niya si Congreesman Yul na mag-isa na lang na nakatayo sa harap ng coffin ni direk. Tahimik na tahimik na sa buong loob at kapaligiran ng Loyola Chapels. Tila isang "wakeful dream" ang nakita ng blogger. Si Yul, nakatayo sa harap ng coffin, titig na titig sa taong nasa loob nu'n, tila kinakausap niya. Damang-dama nu'ng blogger ang kakaibang damdamin ng Congressman nu'ng mga sandaling 'yun. Tila isang matinding pamamaalam na nga iyon. Pero hindi nagpahalata 'yung blogger. Nagkunwari siyang natutulog pa rin para hindi niya maabala ang taimtim na pagtangis ni Congressman sa harap ng taong nakahimlay sa coffin.

ITO NGA ANG ISA PANG SULYAP NG PAMAMAALAM NI CONGRESMAN YUL PARA SA TAONG NAPAKALAKI NG NAITULONG SA KARERA NIYA SA BUHAY. ANG PAMAMAALAM NI YUL KAY DIREK MARYO J. (R.I.P.)

"Nu'ng una, ang akala ko'y hindi totoo," nasabi pa ni Yul sa kaibigan niyang blogger sa huling gabi na iyon ni direk Maryo sa lupa, habang nire-recall nito ang mga sandaling nalaman niyang namatay na ang mentor niya "Alas-tres 'yun ng madaling-araw. Biglang tumawag sa cellphone ko ang manager ni direk Maryo na si June Rufino. Naalimpungatan pa nga ako nu'n mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sinabi niya, wala na raw si direk. Patay na raw. Hindi ako makapaniwala.

"Hindi na ako nakatulog maski ano'ng pilit ko", dugtong na naging pagsasalaysay pa ni Yul. "Gusto kong tanggapin nu'ng mga oras na iyon na wala na nga si direk Maryo, pero hindi ko matanggap- hindi ko kayang tanggapin. Hanggang ngayon, Kuya Robert, nahihirapan pa rin akong tanggapin ang bagay na ito."

Dahil sa lahat ng mga taong tinulungan ni direk Maryo, tanging si Yul lamang ang naging pinaka-MASUNURIN. Ni minsan o isang beses, hindi niya sinuway ang kagustuhan ni direk Maryo. Lagi siyang sumusunod sa mga sinasabi nito o pinapayo. Kumbaga sa isang anak, si Yul ay isang masunurin at mabait na anak. Kaya naman, ang ibinalik sa kanya ni direk Maryo J., todo-todong suporta at pagmamalasakit. Nasaksihan iyon ng isang blogger. Nariyan pang si direk Maryo pa mismo ang mag-hanger (magsampay) ng coat ni Yul (na isusuot nito sa isang okasyon) sa loob ng opisina ng Production 56 o kaya, magdadamit ng personal kay Yul sa mga engrandeng okasyon. Kay Yul lang ito ginawa ni direk Maryo sa dinami-dami ng mga naging talents niya.

"Alam ko po 'yun, kuya Robert, kaya naman tuwang-tuwa ako kapag nalalaman ko iyan", reaksyon na tugon ni Yul sa nasabi ng blogger na personal siyang inintindi ni direk Maryo. "Kaya nga ang masasabi ko ngayon, parang kulang pa rin ang naibalik kong kagandahang-loob sa kanya. Bitin na bitin ako. Dapat hindi na muna siya namatay agad para nasuklian ko pa ng husto ang mga magagandang bagay na iyon na nagawa niya sa akin."

Kaya heto na lang ang hiling pa ni Yul para kay direk Maryo na nasa kabilang-buhay na ngayon:

"Siya na ang bahala sa akin", maagap na nawika ni Yul. "He is my big brother. Kaya alam ko, gagabayan pa rin niya kaming lahat maski nasa kabilang buhay na siya. Yung health ko, sana ay subaybayan niya. At ang ipinapangako ko sa kanya, hindi pa rin ako magiging kurakot. Sapat na sa akin ang makapaglingkod sa kapwa ko. Susundin ko pa rin ang mga hinabilin niya sa akin."

Maraming mga ala-ala si Yul kay direk Maryo. Isa na rito 'yung pagka-starstruck niya kay direk Maryo nu'ng una niya itong makita sa pinagsabay na birthday parties nuon nina Poppo Lontoc at Robert Aviles (mga orihinal na Maryo brothers), at si Yul nuon ay papasok pa lamang sa pag-aartista.

"Basta party 'yun nina Poppo at Robert Aviles", balik-gunita pa ni Yul. "Sobrang na-starstruck ako nu'ng makita ko si direk Maryo J. sa party na iyon. Hindi ko alam, siya rin pala ang taong makakatulong sa akin ng husto."

At ngayon, magpapatuloy pa rin si Yul sa buhay. Sa paglilingkod sa kapwa niya. Sa passion niya sa pag-arte. At sa LEGACY na iniwan ni direk Maryo J.

"Samahan mo ako, kuya Robert", pagwawakas na sabi ni Yul. "Ituloy natin ang laban ni direk Maryo. Dahil ang laban niya ay laban din nating lahat."

OO, YUL. NANDITO PA RIN TAYO  PARA KAY DIREK MARYO J.- HABAMBUHAY.



(sinulat ni robert manuguid silverio)


SI CONGRESSMAN YUL SERVO AT ANG NAPAKARAMI NIYANG PROYEKTONG MAKATAO SA TAONG 2018...

yul: alone at the House of Representatives

snooky serna, blogger robert and congressman yul



Nung unang linggo ng Disyembre idinaos ang Christmas Party ni Congressman Yul Servo Nieto para sa mga media people na kaibigan niya, na isinabay sa pa-party rin ng mga talents ng manager niyang si Maryo J. delos Reyes sa Production 56. 

Sa naganap na Christmas Party ni Yul for the media, inilahad din nu'ng gabing iyon ang napakarami niyang proyektong makataong gagawin para sa taong 2018. Ilan na dito ang pagpapagawa ng mga paaralan para sa mga bata, mga ospital, basketball courts, at kung anu-ano pa,- para sa Distritong sinasakupan niya sa Maynila. Nasa sinasakupan ni Yul ang Quiapo, Sta. Cruz, Binondo, Recto, at iba pang mga lugar sa Kamaynilaan.

Damang-dama nuong gabi na yaon ang pagmamahal ni Yul para sa mga kaibigan niyang press people, at kitang-kita na mahal na mahal din siya ng mga ito. Naging malaking parte kasi sa buhay-karera ni Yul nuong artista pa lamang siya ang mga movie writers, at maski ngayong Congressman na rin siya, naririyan pa rin sa piling niya ang mga ito.

Dahil sa maganda at naging maingat na pangangalaga ng manager ni Yul na si direk Maryo J. delos Reyes sa professional career ni Yul, naging matibay ito at may magandang direksyong tinahak. 

"Isa lang ang pinaka-payo talaga sa akin ni direk Maryo J., na huwag daw akong mangungurakot, huwag na huwag daw akong magiging corrupt", nawika ni pa ni Yul. "Basta ang aking hangarin lamang ay ang makapaglingkod, at never akong magiging kurakot."

Minsan, may isang blogger at dating movie writer din ang nangako kay Yul: "I will be there tomorrow, Yul. Yes, I will be there...- for you."

Tinupad naman nu'ng blogger ang kanyang pangako kay Yul. Witness ang aktres na si Snooky Serna sa pangyayaring iyon. Isang pangyayaring naganap sa isang Christmas Party ni direk Maryo J. delos Reyes.

At ngayong Congressman na si Yul, ang lahat ay mananatili pa rin-


HABAMBUHAY.



(sinulat ni robert manuguid silverio)



yul with his manager maryo j. delos reyes (center on black shirt) and other media friends

yul takes a selfie with kids

yul with Manila residents

yul on a hectic job as a congressman

YUL WITH MOVIE SCRIBES, ON THE CENTER IS GMA-7'S LHAR SANTIAGO

YUL WITH VETERAN WRITER ED DE LEON AND LEO BUKAS

yul with MASCULADOS

yul flunked by media people

yul with movie writers

yul's other side- ACTING ON THE CAMERA.

yul takes a cue from a TV director

yul's "pangkabuhayan" project to women in Manila

yul handles a gift to a girl

yul's gift-giving to elementary students

"i will be there TOMORROW, yul"---blogger robert said to yul, as actress snooky serna cried on.

congressman yul servo nieto and blogger robert- now.


RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...