Ipinapakita ang mga post na may etiketa na avid razul. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na avid razul. Ipakita ang lahat ng mga post

IPAGMAMALAKI MO ANG PELIKULANG "LUKAS" NI AVID RAZUL NA NAKATAKDANG LUMIBOT SA BUONG PILIPINAS SA TAONG 2020!










Pagkatapos na pagkatapos naming mapanood ang pelikulang "LUKAS" ni Avid Razukl, sobra kaming naging proud sa aming sarili. Dahil sa pelikulang iyon, nakita namin ang mga tamang moral values ng isang kabataan, ng isang maghirap at nagpupunyaging Pilipino, at ng isang kaluluwang naghahanap ng tunay niyang katuturan sa buhay at sa mundo.

Espirituwal ang dating ng pelikula. Malalim. Matalinghaga. At 'yung katauhan na LUKAS, sobrang pinahanga kami dahil nagampanan iyon ng buong husay at makatotohanan ni Avid Razul, na siyang title-roler ng pelikula.

Maihahambing namin si Avid sa Hollywood actor na si Keanu Reeves dahil sa istilo ng acting nila ay halos magkapareho. May dating din si Avid na parang Robin Padilla, pero mas subtle siyang umarte keysa kay Robin at hindi OA ang dating niya sa pagganap. Tunay namang kahanga-hanga.

Ito talaga ang pelikulang dapat panoorin ng bawat mag-aaral, o mga kabataang Pilipino. At salamat naman, kasama ang Comission on Higher Education at ang DepEd sa pakikipagtulungan na maipalabas ang pelikulang Lukas sa iba't-ibang parte ng bansa sa taong 2020. Maraming eskuwelahan ang makakapanood sa pelikulang LUKAS. At tinitiyak namin, hindi sila MADADAYA sa pelikulang ito. Sulit na sulit ang magiging oras o panahon na iuukol nila para sa pelikula!

"Pasalamatan natin ang mga eskuwelahan at ang mga estudyante ng mga eskuwelahan na iyon na manonood o nakapanood na ng pelikulang LUKAS", nasabi pa ni Avid Razul sa isang chat message. "Marami kami ngayong inaayos na iba't-ibang dako ng mga eskuwelahan all-over the Philippines. Lilibot talaga ang pelikula naming LUKAS!"

"Gusto ko ring pasalamatan ang mga kaibigan namin sa press at media, at ang Mother of  Divine Grace Academy (MODGA), ang DepEd (Dept. of Educatiopn) , ang CHED (Comission on Higher Education), MTRCB, KAPPT, Film Academy of the Philippines at ang Magic Five Film Productions dahil sa pagsuportang ginawa nila sa pelikula kong LUKAS. Talagang nakakataba po ng puso!", naging masayang pahayag pa ni Avid.

Ang mga nasa likod ng pelikulang LUKAS ay ang mga ito: Producers: MS.CHERYL P. LUSAYA, ACE LUSAYA, KIM MADISON,JHERCEL LUSAYA AND AVID RAZUL.
Production Crew: RAUL RADAM AND RAYMOND QUINTANA.
With the partnership of MOTHER OF DIVINE GRACE ACADEMY (MODGA).

Oo, patuloy na maglalakbay ang LUKAS. Hahayo, maglalayag, lilipad.

Dahil si Avid Razul ay isang tunay na AKTOR.

At ang pelikulang LUKAS ay isang pelikulang hindi namin malilimutan....

MAGPAKAILANMAN.





(sinulat ni robert manuguid silverio)



ISANG REBYU SA ADVOCACY FILM NA "LUKAS": DAPAT NOON PA NAPANSIN ANG KAGALINGAN NI AVID RAZUL SA PAGGANAP...

LUKAS AVID: A GREAT ACTING PORTRAYAL IN THE ADVOCACY FILM ENTITLED "LUKAS"




Ang bawat tao ay may likas na kabaitan. Ang bawat nilalang ay may misyon sa buhay na dapat maisakatuparan. Ang bawat buhay, oo, ito ay may ganap na katuturan.

Gaano man siya kababa, kaliit, ka-walang-saysay- huwag mo siyang huhusgahan- dahil hindi mo kailanman alam kung ano ang tunay niyang pinagmulan. At hindi mo rin kailanman mararating ang mga narating na niya.

Mula sa isang mababa at simpleng pamumuhay, nakilala namin ang karakter na LUKAS sa pelikulang "LUKAS", isang advocacy film na mula sa Magic Five Productions at pinagbibidahan ng aktor na si Avid Razul. 

Isang malaking sorpresa para sa amin ang kagalingang ipinamalas ni Avid sa kabuuuan ng pelikula. Hindi namin inaasahan na ganu'n pala siya kagaling at ka-organisado't epektibo bilang isang aktor. Dahil mapapansin mo, sa kabuuan ng pelikula, halos si Avid talaga ang nagdala at lumutang ng husto. Nagawa niyang dalhin ang iba pang mga karakter sa pelikula sa isang epektibong pamamaraan. Bibihira lang ang mga ganitong klase ng aktor na aming nasaksihan- samantalang ang isang ito ay hindi pa matatawag na "mainstream actor", pero nagawa niyang ipakita ang kaganapan at tunay na kagalingan bilang isang aktor.

Noon pa naghahanap ang yumaong si direk Maryo J. delos Reyes ng isang aktor na mula sa kuwadra niya na masasabi niyang magbibigay sa kanya ng ganap na karangalan at papuri. Maaaring nagawa man ni direk Maryo J. iyon kina Yul Servo at sa yumaong si Daniel Figueroa (mga aktor na sa kanyang kuwadra mismo nanggaling at siya mismo ang nagturo sa mga ito upang umarte ng buong husay), pero para sa amin, kulang na kulang pa rin ang nagawa nina Yul at Daniel. Hindi alam ng yumaong si direk Maryo J., mayro'n pa pala siyang nakaligtaan- at ito ay walang iba kundi si Avid Razul.

Sayang, sana nuon pa natuklasan ni direk Maryo J. ang kagalingan ni Avid, nuon pa sanang buhay pa si direk Maryo J. at hindi ngayong patay na siya. Sabi nga ng beteranong manunulat na si Pete Ampoloquio, Jr. kay Avid: "You are so fantastically good in the film, Avid!" Sapat na iyon para maniwala rin si Avid sa mga papuring inihagis namin sa kanya nu'ng mapanood na namin ang kabuuan ng pelikulang LUKAS.

Ito ang pelikulang dapat talagang mapanood ng bawat kabataan dahil napakalalim ng mensahe sa pamilya at sa buhay. Napakaganda ng istorya ng pelikula at hindi namin gugustuhing mai-reveal agad sa publiko ang istorya dahil mawawala ang "suspense-factor" at mape-pre-empt ang kagandahan ng pelikula.

Lahat ng mga artistang nagsiganap sa pelikula ay sadyang kay gagaling din, talagang hindi sila pumayag na lamun-lamunin ni Avid sa mga eksena. Ginalingan din nila dahil alam nilang magaling na aktor ang bida sa pelikula- na si Avid Razul nga. Pero dapat din naming papurihan sina Jao Mapa, Ms. Channel La Torre, Rez Cortez, Soliman Cruz, Cloyd Robinson, Janice Jurado, Joe Gruta at ang aktor na si Raul S. Radam dahil maski ang iba sa kanila ay maiikli lang ang papel, tunay namang mabibigat at matitindi ang pagka-"meaty" ng mga karakter na ginampananan nila.

Kung ganito ba palagi ang mga pelikulang mapapanood ng bawat mag-aaral, at hindi 'yung mga klase ng pelikula na basta nagpapa-"cute" lang para makuha ang mga hiyaw at tili ng mga estudyante- nakupo, mas gugustuhin na namin ang pelikulang LUKAS ang mapanood nila dahil wala itong halong pandaraya. Ang ipinakita sa pelikula ay buhay ng isang kabataang nagsikap, nagmahal, nagmalasakit sa kapwa, at sa bandang huli, nang malaman niya ang tunay niyang katauhan ay hindi pa rin siya naging makasarili. Patuloy pa rin siyang tumulong sa kapwa-tao niya.

Isang napakagandang pelikula at nagampanan ng buong husay ng mga artista.

Ang pelikulang LUKAS AY MANANATILI-

SA AMING KAISIPAN-


MAGPAKAILANMAN.




(sinulat ni robert manuguid silverio)
***ang musikang "dying young" na video sa itaas ay hindi po konektado sa pelikulang LUKAS. Naka-attach lang siya sa rebyung ito for "dramatic purposes". salamat po.--r.s.


AVID RAZUL WITH HIS CO-ACTORS AND AN ACTRESS IN THE FILM "LUKAS"

AVID RAZUL WITH ACTOR JAO MAPA

AVID RAZUL: HIS MENTOR, THE LATE MARYO J. DELOS REYES MUST BE PROUD OF HIM!

AVID RAZUL: GREAT ACTOR!



SA PATULOY NA PAGLALAKBAY NI AVID RAZUL BILANG "LUKAS"....













Patuloy sa paglalakbay ang pelikulang LUKAS, ang advocacy film na pinagbibidahan ni Avid Razul, isa sa pinakamabait na naging alaga ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes. At sa paglalakbay ng pelikulang nabanggit sa iba't-ibang eskuwelahan, mga probinsya, at mga sinehan- si Avid Razul ay patuloy na naglalakbay din. Mga paglalakbay na mas nagpapa-ibayo pa sa kanyang pagkatao at kagalingan bilang isang aktor.

"Ipinalabas na rin kamakailan lang sa mga SM Cinemas sa mga regular screenings doon ang pelikulang Lukas", nasabi pa ni Avid. "At magaganda ang rebyu ng mga nakapanood na. Kaya masaya ako talaga. Marami pang paglalakbay na gagawin ang pelikula sa buong Pilipinas sa pagpasok ng taong 2020."

Ang pelikulang Lukas din kasi ang unang pelikula na kung saan ang pinaka-bida ay si Avid Razul. May magandang mensahe para sa mga kabataan, kaya naman, gustong-gusto ng mga guro na maipalabas sa kani-kanilang paaralan ang nabanggit na pelikula.

Sa ngayon, naghahanda na si Avid sa bagong pelikulang gagawin niya para sa Magic Five Productions. Naghahanap pa sila ng magandang materyal. Pero ngayon pa lang, walang tigil sa pagdyi-gym si Avid dahil ang gusto niya, action ule ang gagawin niyang kasunod na pelikula.

"Mas maganda at mas maaksyon, pero punong-puno din ng aral ang susunod naming gagawing pelikula", pagtatapos na wika ni Avid. "Basta abangan na lang nila. In the meantime, samahan n'yo muna ako sa paglalakbay ni LUKAS!!!"


Oo naman.



(sinulat ni robert silverio)

BEHIND THE SCENES PHOTOS AT THE MAKING OF THE INDIE ADVOCACY FILM "LUKAS"!!! (a special blog feature).....





Nakasuporta ang Department of Education at Comission on Higher Education sa napakagandang pelikulang ito na pinamagatang LUKAS.

Kapag ang isang pelikula'y sinuportahan ng mga respetadong ahensya ng Gobyerno, tiyak niyan, de-kalidad at hindi basta-basta ang pagkakagawa ng pelikulang iyon. At talagang aprubado para sa panlasa ng mga guro, estudyante at mga paaralan.

Ang pelikulang LUKAS, na pinagbibidahan ni Avid Razul, ay produced by Magic 5 Film Productions, in cooperation with Mother of Divine Grace Academy (MODGA)

At sa wakas, pagkatapos ng ilang buwang mga shootings at iba pang mga aspeto para mapaganda ang pelikula, hayan at magkakaroon na ito ng Premiere Night sa darating July 27, Saturday, sa SM Fairview. Dadaluhan ito ng mga V.I.P. guests, mga bidang artista sa pelikula, at iba pang mga distinguished people.

Bukod kay Avid, kasama sa cast ng pelikula sina Jao Mapa, Channel Latorre, Rez Cortez, Poppo Lontoc,  Cloyd Robinson, Orlando Sol, Mannix Zarca, Joe Gruta, Soliman Cruz, Janice Jurado, Enrico Moffar, at marami pang iba.

Nasa ibaba ang mga BTS (Behind-the-scenes) na mga litrato sa pelikulang LUKAS. CHERISH AND ENJOY.

Tara na, sama-sama nating panoorin ang malabuluhang pelikulang ito na inspired sa Biblical Parable na "The Prodigal Son"

LUKAS WILL SURELY WIN YOUR HEARTS.


(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS COURTESY OF MR. LUKAS AVID AND MAGIC FIVE FILM PRODUCTIONS.***
SPECIAL NOTE FROM THE BLOGGER: Wala pong Photo captions ang mga larawan sa itaas at ibaba, para sa "more dramatic effect". Salamat po.*

mannix zarca and avid razul: almost like real-life brothers!





















RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...