carlos castelo: artistahin pa rin ang dating |
carlos: ang kinis! |
carlos minus the beard |
carlos: grabe ang sex appeal |
carlos: magbabalik-pelikula kung maganda ang offer |
carlos: so charming |
carlos: kaibig-ibig pa rin |
Panahon 'yun ng mga nagguguwapuhang mga lalaki na pumapasok sa mundo ng showbiz. Ibang klaseng panahon iyon, dahil narooon na yata ang lahat ng pinaka-guwapong mga artistang nakita't nakilala namin. Karamihan sa kanila, hindi basta pa-cute lang. Hindi sila mahiyain magsipag-hubad o mag-piktoryal ng naka-swimming trunks. Dahil 'yun ang panahon na kung saan ay papasok na ang 'year 2000's' o "Turn of the Century" na masasabi. Papasok na rin noon kasi ang tinatawag na "Millenial Age".
Sa kuwadra ng mga male talents ng yumaong direktor na kaibigan namin na si direk Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) ay nakilala namin si Carlos Castelo. Bagets na bagets pa noon si Carlo, mestisuhin, napakakinis ng kutis at very charming ang dating. Naging kabilang si Carlos sa Batch Two ng binansagang "MARYO J. BROTHERS" (Ang mga original members ng Maryo J. brothers ay sina Robert Aviles, Poppo Lontoc, Zoltan Amore, Jun Palattao, Allyson Seven, Sebastian Cordero at Emilio Malvar. Si Carlos ay napunta doon sa Maryo J. Brothers Batch Two na kinabibilangan naman nina Iraz Melchor, Kiro Amirati at siya nga-si Carlos. Tatlo silang younger members ng Maryo J. brothers noon).
"Una akong napasabak sa mundo ng entertainment world nu'ng maging modelo ako ni Benjie Alipio", naging kuwento ni Carlos sa isang hindi inaasahang pagkikita sa isang blogger na naging kaibigan niya. "Palagi niya akong kinukuhang model sa mga hair & make-up events niya kay Ricky Reyes sa Filhair competitions noon. Hanggang sa isang araw, sinabi ni Tito Benjie na pupuntahan daw namin 'yung sikat na direktor na si Maryo J. delos Reyes. Hindi ko inaasahan na iyon na pala ang magpapabago ng takbo ng buhay ko."
Pagkakita sa kanya ni direk Maryo J. delos Reyes, sinabi ng yumaong direktor na tutulungan siya nito. Pero ilang buwan din, buhat nuon, na wala silang komunikasyon nu'ng direktor. Hanggang sa isang araw, nakatanggap siya ng isang tawag mula sa batikang direktor. May pictorial daw siya at interview sa mga press people. Laking tuwa nuon ni Carlos halos hindi siya makatulog nu'ng kinagabihan magmula ng tawagan siya ni direk Maryo J.
"Hindi po talaga ako mapakali noon, Kuya Robert, excited na excited ako", muli pang sabi ni Carlos habang kumakain sila sa Kentucky Fried Chicken sa may SM Marikina. "Para ipiktoryal ako at ipa-interview ni direk Maryo J. noon, alam ko pong may mga plano siya sa akin at mabibigyan niya ako ng break sa pag-arte. 'Yun na ang simula."
Sinagot din ni direk Maryo J. ang naging Acting Workshop noon ni Carlos sa PETA. At naging laman si Carlos ng mga sexy magazines noon na tulad ng Chika-Chika, Hot Copy magazine, at iba pa. Lagi siyang nasa cover at posters ng mga magazines.
Gumawa rin ng mga pelikula si Carlos sa kalaunan, mga TV guestings, at naging semi-regular sa TV show noon na Kasangga sa channel 7, at marami pang iba.
"Ang huling teleseryeng ginawa ko sa channel 7 bago ako umalis patungong ibang bansa noon ay 'yung Munting Heredera", sabi ni Carlos sa amin. "Six months din ako sa teleseryeng iyon. Kasama ko sina Gloria Romero, Camille Pratts, Mark Anthony, at iba pa. Bodyguard ako doon sa mansyon, iyon ang naging papel ko sa teleseryeng iyon. Iyong huling pelikulang ginawa ko naman ay iyong Red Diaries na produced by Regal Films at pinagbidahan ni Assunta de Rossi. Ginawa ko ang pelikulang iyan bago ako nag-Japan."
Dahil na rin sa nagka-pamilya na si Carlos, kinailangan na niyang mas magpursige pa sa buhay at magkaroon ng regular na income. Kaya naman iniwan niya ang mundo ng showbiz by that time. Pagkatapos mag-Japan ni Carlos, sa Dubai, Saudi Arabia naman siya nagpunta.
"Medyo hindi naging maganda ang buhay ko sa Dubai kaya muli akong bumalik sa Pilipinas", pagpapatuloy na sabi ni Carlos. "Nag-iba na rin ang trend sa showbiz industry. Kaya naisipan ko, mag-barko na lang. May nakilala akong tao at hinikayat akong mag-barko. Kaya hayun, for the past few years ay nililibot ko ang buong mundo sakay sa isang cruise ship. Naho-homesick ako kapag malalakas ang alon sa dagat na umaabot sa third floor nu'ng barko. Nakakahilo sa dagat. Pero okey lang, kaya naman.
"Kakauwi ko lang buhat sa dagat ngayon", dagdag ni Carlos. "Hanggang sa Oktubre pa ako naririto sa Pilipinas. Mga bandang Oktubre 22, maglalayag na muli ako at lilisan. Ngayon, heto at ini-enjoy ko ang pakikipag-bonding ko muli sa asawa't anak ko, sobrang mahal ko sila at sobrang na-miss ko sila. Gusto ko ring makita muli ang mga dating barkada at mga kapatid ko kay direk Maryo J., mga dating ka-tropa't kaibigan. Kasi pag-alis ko, mag-isa na naman ako. Nasa dagat na naman ako."
"Yung dating at kilos ni Carlos ngayon, pati na rin sa porma, pananamit at lalo na sa hitsura- every inch, ARTISTA PA RIN ANG DATING NIYA. Hindi nawala 'yung glamour, 'yung 'star' sa mga mata niya, 'yun bang kikiligin ka pa rin kapag kaharap mo siya.
Fresh na fresh pa rin ang hitsura niya, hindi siya natuyot, at 'yung mukha niya, habang tinitiigan mo, lalo lamang gumuguwapo. May pinagmanahan talaga si Ruru Madrid, dahil tiyuhin ni Ruru si Carlos at pamangkin ni Carlos naman si Ruru. Mga dugong artistahin talaga.
Wala bang planong mag-comeback sa showbiz si Carlos?
"Kung anuman ang dumating. Kuya Robert, hahayaan ko lang", sagot ni Carlos. "Pero hindi ako nage-expect, hindi ako umaasa. Kasi, 'yun nga, pabalik-balik ako sa dagat. Hindi ko naman puwedeng basta iwanan ang trabaho ko dahil may pamilya na ako. Kung maganda naman ang offer at mga chances, puwede sigurong magpahinga muna ako sandali sa paglalayag sa dagat at balikan ang pag-arte. Basta sa ngayon, wala akong inaasahan, Kuya Robert."
*********** *************** **************
Isang buo, at isang bagong mundo.
Malawak, malayo, malaki...
Mula sa kinalalagyan mo, tatanawin mo ang malalim na dagat, habang sumasalpok ang mga alon at ang hangin ay bumubulusok.
Sa bagong mundo na iyon, mas naging matapang ka na. Mas alam mo na ang pupuntahan mo. Mas matatag ka na rin. Mas kumpleto. Mas sigurado.
Mag-isa ka lang, walang kasama, at ang kalungkutan ay kayang-kaya mo na.
Halos nawala na ang lahat sa iyo. Pero ni minsan, hindi ka nanghina, at hindi ka rin naging mapait.
At sa maliliit na bagay o mga hindi inaasahang pangyayari-
pangingitiin ka ng Diyos. Pasisiglahin. Muli kang bibigyan ng inspirasyon
at,
PAGASA.
MAGPAKAILANMAN.
(salamat, carlos castelo, sa maliit na pangyayaring nagbigay-pagasa muli sa puso ng isang nilalang).--rms*
SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento