Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 4-S barkada. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 4-S barkada. Ipakita ang lahat ng mga post

puno ng pagmamahal at magagandang samahan ang 4-S pamilya ni tessie lagman sa dwbl radio program na "sama-sama, salo-salo"...

Ms. TESSIE LAGMAN-BALBOA: ang kapitana ng barko ng 4-s pamilya

ms. nancy sipat with the 4-s pamilya members

karl angelo sipat, rafael centenera, hazel mae, sammy rascal  and reymond

madame ray lucero and ms. dolly favorito

tessie lagman and corazon garcia

rafael centenera and ed suarez

reymond agabada, robert and ver dayap

karl angelo

reymond, sammy rascal  and sammy's dad

cenen garcia

reymond, tony suvega and ver dayap

sammy and rainette
pitimini and blogger robert





Sa mundo ng showbiz, bibihira na lamang siguro ang ganito. 'Yun bang napakagaan ng samahan ninyo sa isa't-isa, lahat ay masaya, nagmamahalan, nagsasalo-salo sa isang maaliwalas at malinis na mga layunin. Bibihira na lamang siguro ang ganito- sa mundo ng reyalidad at mga pakikibaka sa buhay, na ang lahat ng mga kasama sa grupo ay nagkakaisa, nagkakantahan, binubuhay ang tunay na mga diwa at mensahe ng mga awitin, at, TUNAY NA MUSIKANG PILIPINO.

Sila po ang 4-S Pamilya ni Tessie Lagman-Balboa, na mapapakinggan mo tuwing Linggo, mula alas-onse hanggang ala-una, sa DWBL. Ang 4-S Pamilya ng programang SAMA-SAMA, SALO-SALO.

After ng isang masaganang breakfast-lunch that day na pinagsalu-saluhan ng 4-S Pamilya, nagsimula na ang programa sa ganap na alas-onse ng tanghali.

Si Tita Tessie ang unang umawit nu'ng noontime na iyon. Pagkatapos ng kanyang short greeting ay agad niyang inawit ang awiting "My Foolish Heart" na isang klasikong awitin. Blooming na blooming si Tita Tessie that day, pumuti siya ng husto at mukhang na-recharged talaga sa short vacation niya sa Baguio City, La Union at Pampanga, Kasama niya sa brief vacation niya ang isa pang 4-S member na si Corazon Garcia.

"Ang dami nang viewers ng Sama-Sama, Salo-Salo", naibalita pa ni Tita Tessie sa isang blogger sa isang simpleng kuwentuhan. "Hindi lang sa radyo, kundi maging sa Youtube and FB live streaming namin. I am so happy to tell everyone na we're now being seen in other countries dahil sa FB Live namin at Youtube."

May mga viewers na nga raw sila sa Switzerland, Canada, U.S., Hawaii, at iba pang mga bansa. Kaya masayang-masaya ang 4-S Barkada ni Tita Tessie.

At nasabi pa ni Tita Tessie sa isang blogger na habang nagbabakasyon siya, pinanood niya ang mga past episodes ng Sama Sama, Salo Salo at naita niya ang ilang 'flaws', kaya naman gusto niyang i-develop pa ng husto ang programa nila at alisin ang mga flws na nakita niya. 

Anyway, back to that episode of that May 12 noon time, talagang lahat ng 4-S Pamilya na nagsipag-awitan ay pawang mga walang tulak-kabigin. Kay gagaling lahat. Lalo na si Reymond Agbada na umawit ng dalawang awitin that day, isa na rito 'yung awiting 'Love Comes from The Most Unexpected Places'. Grabe, feel na feel ni Reymond ang kanta!

Wala namang kupas si Mam Ray Lucero (ng Mabuhay singers) dahil hanggang ngayon ay kay ganda-ganda pa rin ng boses nito. Siya bale ang tumatayong voice guide/coach sa lahat ng 4-S Barkada.

Siyempre, nariyan din ang very amiable and lively na si Corazon Garcia na umawit ng isang masayang awitin that day, si Dolly Favorito na napaka-cute naman habang kumakanta, si Tony Suvega naman,  pinaiyak si Pitimini dahil sa isang nakakaiyak na awitin ukol sa mga nanay, dahil Mother's Day nu'ng araw na iyon.

Hindi rin patatalbog ang iba pa- like  Karl Angelo Sipat na napaka-guwapo habang umaawit, Hazel Mae Ursais, Sammy Rascal, Ed Coron, ang mabait na si Cenen Garcia, ang gitaristang si Ed Suarez, ang mucho guwapito na si Ver Dayap, at iba pa.

Ang huling-huling kumanta naman ay si Rafael Centenera, ang Mr. Romantiko, na talagang nagpasaya sa lahat dahil sa kanyang Espanyol na kanta.

Pero pinaka-bongga sa lahat ang FINALE SONG nilang 'Ting-Aling-Aling-Ding-Dong' dahil kay saya-saya ng naging ambience sa lahat ng listeners and viewers.

Pakinggan po ninyo at panoorin tuwing Linggo ang 4-S Pamilya. At mahalin ang tunay na Musikang Pilipino!!!!


(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS BY: MR. REYMOND AGBADA




tessie lagman and ray lucero, magko-concert kasama ang iba pa sa Pilar Village Family Day....






tessie lagman-balboa: the original jukebox queen and radio icon



Isang tulog na lang! Its a date everyone!!! Tara na at makisaya sa Pilar Village Family Day,  bukas, April 14.  Sisimulan ng 6 a.m. free Zumba, then, opening ng Bazaar, 9am. Pagkatapos nu'n, Presidents Cup Basketball Tourney at pagdating nga gabi,- ang Isang Gabi ng Pasasalamat Free Concert para sa lahat...Tara na at makisaya tayo. Bukas na yan!

Dalawa sa mga haligi ng 4S Barkada, ang 70's Queen of Love Songs na walang iba kundi si Ms. Tessie Lagman-Balboa at ang 'The Legend' sa grupo ng Mabuhay Singers na walang iba kundi si Ms. Ray Lucero Cabailo, kasama ang kanilang 4S Barkada,- ang siyang magiging tampok sa isang natatanging concert kinagabihan. Kasama pa ang ilan sa mga nanalo sa Metro Voice at ang nag- iisang si Anthony Rosaldo, kasama pa ang tinaguriang Yoyoy Villame of Cavite City voice-like...Live po 'yan sa Pilar Village Family Day,  7 p.m. Free Concert natin sa PVHAI area ...Tara, kitakits po tayo! Its a date po... bukas, April 14.

"kahit bata ako, i appreciate kundiman songs"-- reymond agbada

reymond: captivating in red

reymond: cute and handsome

reymond and his "4-S barkada"

reymond sings

reymond and his guitar: friends forever (SPECIAL PHOTO CREDITS FOR THIS PICTURE: MS. TRIXIE DAUZ)


Sobrang enjoy para kay Reymond Agbada ang Summer of 2017. Very memorable pa at the same time dahil sa Summer na ito ng 2017, dalawang beses siyang nag-shooting para sa indie film na Sinandomeng (isa sa mga film entries sa darating na TOFARM Film Festival).

"Kumanta po kami ng puro Kundiman songs doon sa two shooting days ko sa pelikulang iyon", bungad na kuwento sa amin ni Reymond nang minsang pasyalan namin siya sa radio program na Sama-Sama, Salo-Salo ni Tessie Lagman sa DZRM. "Pero suoer-enjoy naman ako! Ganun pala sa shooting, ang daming tao. Saka po, puyatan pala sa shooting. Buti na lang, kasama ko ang 4S barkada namin nina Tita Tessie. Wala kaming ginawa kundi ang kumanta at kumain at maglibot doon sa location area nila sa Laguna."

Hindi alam ni Reymond, may isang blogger na nago-obserba sa kanya du'n sa dalawang shooting days niya. Sa kamera pala, napaka-telegenic ni Reymond. Ang guwapo-guwapo ng mga shots niya sa nabanggit na pelikula habang nanggi-gitara siya at umaawit. Tipong artistahin talaga.

"Open din naman po kasi ang mind ko when it comes to acting", patuloy na wika ni Reymond. "Pero basically, ang first love ko po talaga ay singing. Nagkataon lang na napasama akod ito sa pelikulang Sinandomeng, hayang tuloy, medyo nag-enjoy din ako sa pag-arte. maski hindi naman po ako umarte dun sa pelelikula kundi kumanta lang. Hehehe."

In case you don't know, si reymond ay kumakanta na ngayon sa mga 5-star hotels, minsan nagpi-piano rin siya. He has his own name and following na rin. Pero mas lalo pa siyang nakikilala ngayon dahil sa inaabanagan na siya palagi ng mga tao sa programang Sama-Sama, Salo-Salo, tuwing Sabado ng gabi sa DZRM radio station. 

"Naririnig kasi nila akong kumakanta doon sa programang iyon ni Tita Tessie", wika ni Reymond. "Dalawang ulit na beses po akong pinapakanta roon. Kaya siguro, dahil doon, mas nakikilala ako. Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Tita Tessie."

Ano naman ang masasabi ni Reymond sa mga Kundiman songs?

"Kahit bata pa ako, I appreciate Kundiman songs", sagot ni Reymond. "I find it very interesting. Ang rapa pang kantahin. Feeling ko, nagiging ganap na Pilipino ako kapag umaawit ng Kundiman song."

Abangan ang tuluyang pag-arangkada ni Reymond sa daigdig ng pagkanta, at malay mo, sa pelikula rin. May ibubuga naman kasi siya.


(sinulat ni robert siverio)


RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...