Ms. TESSIE LAGMAN-BALBOA: ang kapitana ng barko ng 4-s pamilya |
ms. nancy sipat with the 4-s pamilya members |
karl angelo sipat, rafael centenera, hazel mae, sammy rascal and reymond |
madame ray lucero and ms. dolly favorito |
tessie lagman and corazon garcia |
rafael centenera and ed suarez |
reymond agabada, robert and ver dayap |
karl angelo |
reymond, sammy rascal and sammy's dad |
cenen garcia |
reymond, tony suvega and ver dayap |
sammy and rainette |
pitimini and blogger robert |
Sa mundo ng showbiz, bibihira na lamang siguro ang ganito. 'Yun bang napakagaan ng samahan ninyo sa isa't-isa, lahat ay masaya, nagmamahalan, nagsasalo-salo sa isang maaliwalas at malinis na mga layunin. Bibihira na lamang siguro ang ganito- sa mundo ng reyalidad at mga pakikibaka sa buhay, na ang lahat ng mga kasama sa grupo ay nagkakaisa, nagkakantahan, binubuhay ang tunay na mga diwa at mensahe ng mga awitin, at, TUNAY NA MUSIKANG PILIPINO.
Sila po ang 4-S Pamilya ni Tessie Lagman-Balboa, na mapapakinggan mo tuwing Linggo, mula alas-onse hanggang ala-una, sa DWBL. Ang 4-S Pamilya ng programang SAMA-SAMA, SALO-SALO.
After ng isang masaganang breakfast-lunch that day na pinagsalu-saluhan ng 4-S Pamilya, nagsimula na ang programa sa ganap na alas-onse ng tanghali.
Si Tita Tessie ang unang umawit nu'ng noontime na iyon. Pagkatapos ng kanyang short greeting ay agad niyang inawit ang awiting "My Foolish Heart" na isang klasikong awitin. Blooming na blooming si Tita Tessie that day, pumuti siya ng husto at mukhang na-recharged talaga sa short vacation niya sa Baguio City, La Union at Pampanga, Kasama niya sa brief vacation niya ang isa pang 4-S member na si Corazon Garcia.
"Ang dami nang viewers ng Sama-Sama, Salo-Salo", naibalita pa ni Tita Tessie sa isang blogger sa isang simpleng kuwentuhan. "Hindi lang sa radyo, kundi maging sa Youtube and FB live streaming namin. I am so happy to tell everyone na we're now being seen in other countries dahil sa FB Live namin at Youtube."
May mga viewers na nga raw sila sa Switzerland, Canada, U.S., Hawaii, at iba pang mga bansa. Kaya masayang-masaya ang 4-S Barkada ni Tita Tessie.
At nasabi pa ni Tita Tessie sa isang blogger na habang nagbabakasyon siya, pinanood niya ang mga past episodes ng Sama Sama, Salo Salo at naita niya ang ilang 'flaws', kaya naman gusto niyang i-develop pa ng husto ang programa nila at alisin ang mga flws na nakita niya.
Anyway, back to that episode of that May 12 noon time, talagang lahat ng 4-S Pamilya na nagsipag-awitan ay pawang mga walang tulak-kabigin. Kay gagaling lahat. Lalo na si Reymond Agbada na umawit ng dalawang awitin that day, isa na rito 'yung awiting 'Love Comes from The Most Unexpected Places'. Grabe, feel na feel ni Reymond ang kanta!
Wala namang kupas si Mam Ray Lucero (ng Mabuhay singers) dahil hanggang ngayon ay kay ganda-ganda pa rin ng boses nito. Siya bale ang tumatayong voice guide/coach sa lahat ng 4-S Barkada.
Siyempre, nariyan din ang very amiable and lively na si Corazon Garcia na umawit ng isang masayang awitin that day, si Dolly Favorito na napaka-cute naman habang kumakanta, si Tony Suvega naman, pinaiyak si Pitimini dahil sa isang nakakaiyak na awitin ukol sa mga nanay, dahil Mother's Day nu'ng araw na iyon.
Hindi rin patatalbog ang iba pa- like Karl Angelo Sipat na napaka-guwapo habang umaawit, Hazel Mae Ursais, Sammy Rascal, Ed Coron, ang mabait na si Cenen Garcia, ang gitaristang si Ed Suarez, ang mucho guwapito na si Ver Dayap, at iba pa.
Ang huling-huling kumanta naman ay si Rafael Centenera, ang Mr. Romantiko, na talagang nagpasaya sa lahat dahil sa kanyang Espanyol na kanta.
Pero pinaka-bongga sa lahat ang FINALE SONG nilang 'Ting-Aling-Aling-Ding-Dong' dahil kay saya-saya ng naging ambience sa lahat ng listeners and viewers.
Pakinggan po ninyo at panoorin tuwing Linggo ang 4-S Pamilya. At mahalin ang tunay na Musikang Pilipino!!!!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS BY: MR. REYMOND AGBADA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento