MARYO J. LIVES



the handsomest portrait of MARYO J. (r.i.p.)

maryo j. with blogger robert and male friends at chocolate hills in bohol province

a friendship that lasts forever


Noon ko lang naramdaman 'yung ganu'ng kakaibang feeling sa buong buhay ko. Na para bang I really felt na I BELONGED to someone. Damang-dama ko 'yun, hanggang ngayon, hindi nawawala.

'Yun ang moment na naiwan akong mag-isang nakahiga sa rows of mahahabang seats sa loob ng Loyola Memorial Chapel sa may Commonwealth Ave.- sa huling gabi ng lamay mo, direk Maryo.


Kinabukasan kasi nu'n, ike-cremate ka na. Kaya nagpasya akong duon na matulog na hindi kalayuan sa resting place ng coffin mo. Nasa di-kalayuan din ang driver mong si Alex Kong, at sa may bandang likuran ko naman ay si Edz Cunamay Laguras, ang ating kaibigang taga-Batangas City.


Kaming tatlo lang nina Kuya Alex, Edz at ako ang nakahiga noon na malapit sa iyo, direk Maryo. Napakatahimik na noon sa loob ng Loyola Chapels. Panaka-nakang napapadilat lang ako in my almost half-asleep and half-awake state of dreams and wakefulness.


Sa isang pagdilat ko, nakita ko pa si Congressman Yul Servo Nieto na mag-isang nakatayo sa harap ng coffin mo at parang nakikipag-usap sa iyo. Parang may sinasabi siya sa iyo. I did not bother to stand-up na, thinking that it was your moment with the Congressman bago ka tuluyang maging abo sa mundong ito kinabukasan nu'n at umakyat sa langit.


Sa isang pagdilat ko rin ng marahan, nakita ko ang actor na si Mark Herras na umiiyak malapit din sa coffin mo. Magliliwanag na yata nu'n.


At sa isang naging huling pagdilat ko pa, nakita ko rin ang isa pang GMA-7 artist na si Maxi Collins na umiiyak rin habang nakaupo malapit sa coffin mo. Sila ni Mark ang mga huling naging bisita mo sa mag-uumaga nang iyon- sa araw ng iyong cremation.


Mga ilang buwan na ang nakakalipas, direk Maryo. pero hindi ko talaga malimutan ang mga moments na iyon habang nakahiga ako malapit sa coffin mo. Everything there was so peaceful, everything was so everlasting. Ibang-iba 'yung naramdaman ko, direk. Iba..... Iba talaga.


Dahil duon ko naramdaman, hindi nga pala talaga ako nag-iisa sa mundong ito. Maaawa sa iyo ang Diyos at bibigyan ka niya ng isang kasama. Bibigyan ka niya ng isang taong makakaunawa't makakakilala sa iyo ng lubusan, maski ba hindi mo siya KADUGO. Hayun ka, direk Maryo, itinuring mo akong Kapamilya. Kapuso. Kapatid.


Opo, direk Maryo J., ikaw lang po ang nakapagparamdam nu'n sa akin sa 53 years kong pagkabuhay sa mundong ito. Ikaw 'yung taong TUNAY NA NAKAKILALA sa akin.


Direk Maryo, sa ilang mga panaginip na pagpaparamdam mo sa akin, at sa musikang 'Special Memory' na gabi-gabi ko nu'ng napakinggan sa mga nights ng wake mo- na naririnig ko rin kung minsan sa mga dilim ng gabi- alam ko, may ibig kang sabihin. Alam ko, may mga nais ka pang ipagawa sa akin.


Dahil alam ko rin, BUHAY KA PA.


"MARYO J. LIVES" IN THE HEARTS OF EVERYONE WHO CARED FOR AND LOVED HIM TOO MUCH.


Kung ano man po iyon, direk Maryo J., sana po ay malaman ko. Para magawa ko.


Dahiil ngayon ko na natuklasan ang REGALONG ibinigay mo- sa isang panaginip.



Isang regalong nakabalot sa korteng-ISDA na gift wrap.


Ngayon ko na nalaman ang lahat. BECAUSE NOTHING EVER GOES UNTIL IT TEACHES US WHAT WE NEED TO KNOW.


Kaya bilang pasasalamat po, gusto kong malaman ang nais mong ipagawa.


At gagawin ko po.


Salamat, direk Maryo J.



Isang habambuhay pong PASASALAMAT, sa muli.





(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...